The Tears of Love

22 0 0
                                    


HALOS HINDI MALAMAN ni Aidelyn kung saan ibabaling ang paningin. Hanap niya si Tristan na nangangailangan ng kahit konti niyang sandali. Sa maikling panahon ng kanilang pagkakakilala, alam niyang hindi ito madaling sumuko sa bawat laban at ngayong gabi, iyon ay ang masilayan siya at makausap man lang.

Tinanong siya ng dalawang guwardiya na nakatayo sa main gate at inusisa kung saan siya patutungo.

"May kaibigan lang akong kailangang kausapin sa labas, guard."

"Okay, ma'am. Mag-iingat po kayo. Kailangan n'yo po ba ng kasama?" tanong ng isa sa mga ito.

"Hindi na. Saglit lang ako."

"Sige po ma'am."

Mabilis na lumabas ng The Pavilion ang magandang dalaga. Palinga-linga siyang hinanap ang nais na makita. Halos puno ng mamahaling sasakyan ang parking lot doon. Ngunit sa halos dulo ng kalsada na aninag ng liwanag, may isang lalaking nakatayo sa tabi ng motor na mukhang sasakay at aalis na doon. Humahangos na tumakbo si Aidelyn upang pigilan ito sabay tawag sa pangalang ni Tristan ngunit bago pa man siya makalapit, mabilis na nakaalis na ang lalaki. Halos manlumo ang dalaga dahil sa nangyari saka nagpasyang bumalik na lang sa loob ng Pavilion. Ngunit bago pa man tuluyang makahakbang, isang anino sa kanyang harapan ang kanyang nasilayan. At tila kabadong sinundan ng kanyang paningin ang nag-mamay-ari ng aninong iyon. Sinipat niya ito mula paa hanggang ulo. Si Tristan. Nakangiti sa kanya. Kahit na nakatalikod sa liwanang ay aninag ang kaguwapuhan ng binata. Nakasuot lamang ito ng denim pants, white shirt at black leather jacket ngunit ang kaguwapuhan nito ay nagmumura. Kaguwapuhang hindi nakakaumay.

Napangiti din ang dalaga pagkakita kay Tristan. Hindi maitatangging na-miss din niya ang binata. Saka naglakad siya palapit sa binata na sinabayan din nito upang salubungin siya.

Halos dalawang dipa na lamang sa pagitan nila ng huminto si Aidelyn. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang napahinto ring varsity player. Sinipat niyang muli ng mabuti ang binata na ngayon ay aninag na niya ng malapitan. At hindi nga niya maiwasang hindi mapahanga. Guwapong-guwapo ang binata na halatang bagong ahit at amoy ang lalaking-lalaking pabango nito. Napasukbit na lang tuloy ang mga kamay nito sa magkabilang bulsa na tila hinayaan ang dalagang sipatin ang buo nitong pagkatao.

"Kumusta?!" halos sabay nilang bigkas saka nagkatawanan ng bahagya.

"Happy birthday Aidelyn!" bati pa ng binata na humakbang na palapit sa kanya.

"Salamat Tristan. Mabuti at dumating ka."

"Hindi ko puwedeng palampasin ang gabing ito nang hindi kita nababati.... at nakikita."

Nakangiti ang binata pagkasabi niyon ngunit ang mga mata nito ay may halo ng lungkot. Lungkot na ang dahilan ay dama nito na nalalapit na ang mga oras na tuluyan na silang hindi na maaaring maging silang dalawa.

"Salamat. Halika, baka nais mong tumuloy."

"Hindi na. Okay na ako dito."

"Bakit? Naroon ang kaibigan mong si Jacob sa loob."

"Hindi ko kayang magsaya kung nakikita kitang masaya sa piling ng iba."

Bahagyang napatigil ang dalaga. Ramdam niya ang bigat sa mga salita ng binata.

"Hindi na kita pipilitin. Pero masaya ako sa pagpunta mo dito Tristan."

"Nakikita kong maligaya ka ngayon gabi, Aidelyn. Hindi ko hahangarin na pigilan iyon. Dahil alam ko, nararamdaman ko, ngayong gabi ay hindi ka na puwedeng ibigin pa ng iba."

"T-Tristan......"

Alam niya ang ibig sabihin ng binata. Pero mukhang wala siyang kakayahang pigilan ang mga sasabihin nito.

My Online Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon