"MA, SI MARTINO, 'yung sikat na commercial model kasama ni Ate!" sigaw ni Macoy pagkakita kina Aidelyn at Martino sa pintuan ng kanilang bahay.
"Hoy, Macoy, grabe ka nakakahiya kay Martino. Ang lakas ng boses mo baka dumugin tayo ng mga kapitbahay."
Hangos na napatakbo sila Aling Dolores na may bitbit pang gulay na lulutuin at Mang Carlos na may bitbit pang pitsel.
"Di ba sya yung lalaki na madalas nating mapanuod sa komersyal Aidelyn? Aba'y ba't kasama mo s'ya?" tanong ng kanyang gulat na ama.
"Inihatid n'ya ako 'Pa."
"Aba'y gwapo nga sa personal si Martino. Halika, hijo, pasok sa bahay. Pasensiyahan mo na itong aming bahay."pag-istima pa ng kaniyang ina.
Pasok naman ang binata na umamen pa sa mag-asawa pagkatapos ni Aidelyn.
"Paano ka ba naihatid ni Martino, Aidelyn? Nakakahiya naman at nakaabala ka pa." tanong ni Aling Dolores.
"Wala po iyon, 'wag kayong mag-alala. Ako po ang nag-alok na ihatid si Aidelyn. Mukhang mahihirapan po siyang makasakay dahil rush hour na so i invited her to take a ride with me. Nasa way rin ito papunta sa house namin kaya wala pong problema."
"Aba'y salamat naman Martino. Hindi ka lang guwapo, mabait na bata pa." Pagmamalaki pa ng kanyang ama sa binata.
Napangiti na lang ang guwapong modelo, "Salamat po."
"Siyanga pala, paano ba kayo nagkakilala? E, sa tv ka lang namin madalas nakikita, a. Ngayon kaharap ka na namin." tanong muli ng kanyang ina.
"N-Nag-audition po ako para sa isang commercial endorsement, 'ma. Doon kami nagkakilala ni Martino." sagot niya.
Napatingin na lamang ang binata sa kanya. Naunawaan nito sa titig ng dalagang ayaw muna niyang ipaalam sa pamilya ang tungkol sa bagong trabahong kanyang natanggap kaya't nagkangitian na lamang sila.
"Teka at kukuha ako ng meryenda. Tamang-tama at kabibili ko lang ng sapin-sapin at maja blanca na lako ni Mang Tonyo kanina. Kumakain ka ba ng mga pagkaing atin, Martino?" ani Aling Dolores.
"Sige po. Mukhang masarap naman po 'yun. Hindi po ako maselan sa pagkain."
Saka tumalima na si Aling Dolores at nagpunta ng kusina.
"Napanuod namin ang interview ng pamilya mo, Martino noong mga nakaraang gabi, isa kayong larawan ng ulirang pamilya. Hindi matatawaran ang mga nagawa ng mga Cuerva sa ating bansa. Kung tatakbo sa pagka-pangulo si congressman, e sigurado akong iboboto siya ng pamilya ko."
Muling nagkatinginan sina Aidelyn at Martino. Kung alam lang ni Mang Carlos ang lihim ng mga Cuerva baka hindi nito masabi iyon.
"M-Maraming salamat po." sagot na lamang dito ng guwapong binata.
"At ang mommy mo, si Madam Divina, naku, idolo namin 'yan noon. Lagi kong pinanunuod ang pelikula n'ya. At maganda pa rin ha."
Napangiti na lang muli ang lalaking modelo. Saka namang balik ni Aling Dolores at dala na ang mga inihandang kakanin.
"O, mag-meryenda muna kayo. Tikman mo itong maja blanca hijo. Masarap 'yan. Espesyal ang pagkakagawa n'yan."
Nagpaunlak naman ang guwapong binata. Na ang unang bahagi ng pagkaing inilagay sa platito ay kay Aidelyn muna ibinigay. Nagkatinginan na lang ang mga magulang ng dalaga. Masaya ang mga ito sa gawi ng binata. Saka kumuha ito ng kanyang bahagi sa isang namang platito.
"Wala ka bang balak na mag-artista gaya ng mommy mo o pumasok sa pulitika gaya ni congressman?"
"Sa ngayon po ay naka-focus ako sa pag-aaral. And on the side, 'yung work ko as model. But definitely kukuha ako ng masteral sa US. Work there first after graduation. Any opportunities po that excites me, i'll definitely grab it. But no to showbiz or politics." sagot nito sa ama ni Aidelyn.
"Naku, napaka-suwerte ng babaeng mamahalin mo, Martino. Mayaman ang pamilya mo pero focus ka pa rin sa future mo. Tama nga 'yung nababalitaan namin na isa kang mabuting bata."
Nagkatinginan kapwa muli sina Aidelyn at Martino. Para sa dalaga, ang pagsulyap niya sa binata ay pagsang-ayon sa sinabi ng kanyang ina. Martino indeed is a good catch. Pero napaisip din siya kung bakit napasulyap naman ang binata sa kanya. Nahuli tuloy siyang may malisya sa kanyang palihim na sulyap dito.
"Salamat po." tipid nitong sagot. "Masarap po pala ito. Mukhang mapapadalas ang pagbisita ko dito."
"Hala, matutuwa si Ate n'yan. Peborit ka n'yan e." sabad ni Macoy na agad bahagya niyang pinandilatan ng mata.
"Macoy!" saway dito ng dalaga, "Pasensya na, palabiro talaga ang kapatid ko."
Sinuklian na lamang siya ng pilyong ngiti ng binata. Nakaramdam tuloy siya ng hiya. Pero hindi iyon basta hiya. Kakaibang hiya. Hiyang may kilig. Hiyang puwede niyang ulit-ulitin.
INIHATID NI AIDELYN si Martino sa labas ng kanilang bahay matapos ang kanilang maikling usapan at meryenda. Isang espesyal na pangyayari iyon sa bahay nila.
"Thanks for the warm welcome. Merun kang isang mabuting pamilya." ani Martino na appreciated ang pag-estima ng kanyang pamilya.
"Salamat. Sana ay makadalaw ka uli. I mean, hindi ka pala dumalaw. Inihatid mo lang ako." at kapwa na sila napatawa.
"Walang problema. Wala namang masama kung dumalaw ako sa 'yo. Or may magagalit ba?"
Parang lumaki ang kanyang tenga sa narinig. Hindi niya iyon inaasahan kay Martino.
"Dalaw, right?" paniniguro niya.
"Yeah, dalaw. Why?"
"Sigurado ka?"
"Yes, i mean it."
Halos pag pawisan tuloy siya. Gusto niyang sabihin "sige", "oo", "sure" pero parang hirap siyang bigkasin iyon. Baka kasi iba ang pakahulugan ni Martino sa kanyang iniisip.
"Y'Yung lalaki, yung dadalaw sa babae, right?"
"Yes, babae ka. Lalaki ako. Me problema ba?"
"So, 'yun na yon?"
"Anung 'yun na 'yon?"
"'Y-Yung gusto mo akong dalawin."
"Sabi ko nga."
"Hindi ka nagbibiro?"
"Do i look joking around?"
"Bakit ako?"
"Bakit hindi?"
Napanganga siya ng tuluyan. So tama nga siya. Iisa ang kanilang nasasaisip. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Pag pinagpapala ka nga naman. Halos bulong niya sa sarili. Konting kembot na lang, abot na niya ang kanyang pangarap. Halos magsumigaw nga siya sa tuwa.
Sumakay na ang binata sa magara nitong sasakyan. Ngunit hindi agad nito iyon pinaandar.
"I am going to miss this."
"Miss what?" tanong niya pa.
"The food. The luncheon. Your family. You."
Nakangiti ito ng sabihin iyon. Kita sa mga mata ng lalaki na masaya ito sa nangyari kanina.
"You have a wonderful family, Aidelyn. You are blessed." anito na may panglaw ang mga mata kahit nakangiti.
Ngiti lang din ang kanyang naisagot. Kung maaari nga lamang siyang makatulong dito ay kanyang gagawin.
"Welcome kang dumalaw dito Martino. Magiging masaya kami kung pupunta kang muli."
Hinawakan ni Martino ang kanyang mga kamay. Nagulat man ay nagpaubaya siya.
"Definitely. Masaya akong kasama ka. Salamat sa Aidelyn."
Saka nakangiting umalis na ang sasakyan ng binata. At naiwan si Aidelyn na pinagmamasdan ang papalayong sasakyan nito. Naiwan siyang may ngiti sa labi. Puno ng pangarap at pag-asa.
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...