"KAILANGAN PA AKO ng ating mga kababayan. Definitely i will still run for the next election."
Sagot ng 60-anyos na si Congressman Dominico Cuerva sa mga reporters sa isang ambush interview na noon ay papalabas ng Batasan.
"Mas mataas na posisyon daw ang tatakbuhin n'yo congressman?" Tanong ng isa doon.
"Well, kung iyon ang gusto ng ating constituents ay wala akong choice kundi pagbigyan sila. You know, i was born to serve the people. Ilang dekada nang nagsisilbi sa bayan ang mga Cuerva. Ako naman ay masayang maglingkod sa kanila."
"May bali-balita po na may domestic problems daw po kayo ng misis n'yo congressman. Bibihira na kasi kayong makita together sa mga okasyon."
Napatawa si Cong. Cuerva saka iyon pinabulaanan. "Those were rumors. You know, black propaganda. Ang mga kalabanan natin sa pulitika ay gagawa talaga ng mga tisimis para ako ay siraan. It's not knew to me. My wife and i were living together the way we live like 25 years ago. Nothing's changed. Purely paninira."
"How about po si Martino? Sikat na sikat po ang anak n'yo ngayon. Papayagan n'yo po ba siyang pumasok sa pulitika?"
"That's his prerogative. You know i am very proud sa anak kong 'yan. He's making his own mark to prove himself. Guwapo, matalino, mabait at matinong bata. Kanino pa nga ba magmamana ang anak ko?" saka proud na tumawa ang politiko. "Yun ang wala sa mga kalaban ko sa pulitika. My son is into clean living. Walang bisyo. That's how i raise my kid. So you know how i run the office bilang congressman and soon the whole country."
Huminto sa harap nila ang isang luxury vehicle. Pagkabukas ng bodyguard ng pinto, bumaba doon si Martino pati na ang dating beauty-queen turned actress na si Divina La Diva Cuerva. Sikat na aktress at dating beauty title holder ang asawa ni congressman Cuerva at ina ni Martino. Sa kabila ng edad nitong 56-anyos, nananatiling maganda pa rin ito.
Lumapit kay congressman ang mag-ina na maaayos ang mga pananamit. Mrs. Cuerva never fails to impress on her outside look. She was a stunner. Humalik sa pisngi ng sosyalerang ginang si congressman. Saka yumakap si Martino sa ama.
"Here they are. Ito ba ang sinasabi ng mga kalaban kong wasak ang aming pamilya?"
Napatawa kapwa ang mag-asawa. Martino is decent enough to just simply act like nothing.
"My dearests, just ignore the haters. My husband and i were very much okay. Congressman Cuerva is a very good husband and father to me and Martino. Wala na akong mahihiling pa."
"Martino, may balak ka bang sundan ang yapak ni congressman?" tanong ng isa pang reporter sa kanya.
Napangiti na lang ang guwapong binata. "My father is very much good in what he does. Politics is his thing. I respect him and mahirap na siyang sundan. I want to concentrate more on my studies first for now. I am graduating this year. All i can say is i will always support him in his endeavor. Malaki ang pangarap niya sa ating bansa."
"See? That's my son. He knows what he wants and he has a good heart. Bata pa naman siya at sooner than later, he will follow my path."
"Congressman, may kumalat noon na balitang merun daw kayong anak sa labas. May katotohanan po ba ito?"
Nagkatinginan ang mag-asawa saka napapailing na sumagot si Mrs. Cuerva. "That was just a rumor. You know, guwapo ang asawa ko. Mayaman. Mabait sa kanyang pamily at sa kanyang constituents. Ang mga kalaban nya sa pulitika just want to ruin his reputation. My family's reputation. Nothing new."
"Wala po ba kayong balak na bumalik sa pag-arte, ma'am? Napakaganda n'yo pa rin madam."
"Thank you. But i am already retired. My reign as a movie queen is done. Hayaan na natin ang anak kong si Martino sa limelight. He's doing good. Who knows, pasukin din niya ang pag-aartista balang araw."
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...