"PLINANO MO TO 'NO?"
"Ang alin?" nagmamaang-maangang balik-tanong ni Tristan kay Aidelyn. Pagkatapos nga ng klase ng dalaga ay dumiretso sila sa isang coffe shop malapit sa university belt na halos katapat lang ng pinapasukan nilang unibersidad.
"Yung pag sit-in mo sa klase namin, set-up 'no? Wala ka namang nabanggit kagabi na gagawin mo 'yun. Akala ko pa naman sa last subject ka pupunta. Pinagtawanan tuloy ako."
"I love surprises. Success ba?" saka lumabas na naman ang pilyong ngiti ng mala-Adonis na binata.
"Yeah, na-surprise ako. Now you know me." malumanay ang boses ni Aidelyn. Parang nahiya na siya lalo kay Tristan. Baka mawalan na kasi ito ng interes ngayong nakita na siya ng personal.
"Thanks at pinagbigyan mo ako. Hindi ka pala snob. You look even prettier in person."
Halos mapa-ismid tuloy siya sa narinig. Pakiwari niya ay binobola siya ng binata e ni halos wala ngang may manligaw sa kanya. Natawa tuloy ito sa reaksyon niya.
"Hey, I'm honest, you're pretty. Lalo na kanina sa klase nang halos mamula ka, I can't take my eyes off you. Very natural."
"Eeeee, please Tristan, tama na." Halos takpan tuloy niya ng kanyang kamay ang kanyang namumula na namang mukha habang me hawak pang chicken sandwich.
Natawa na tuloy ng tuluyan si Tristan sa kanyang reaksyon. Hindi nito mawari kung bakit parang may magneto ang natural at naive na reaksyong iyon ni Aidelyn. Ang ganun ka-pormal na babae kasi ang kanyang hinahanap-hanap. Ibang-iba sa dati nitong girlfriend na si Klarisse na madaling mairita at tumataas ang boses.
"Okay, it's true but I'm sorry. I just don't want you to feel awkward at all." suyo ng binata sa kanya.
"Okay, thanks. Kain ka na, di ba me basketball practice ka pa after this?" Napangiti na siya. Mukhang nahuli na ng varsity player ang loob niya.
"Wow, girlfriend material. Mukhang mapapa-aga ang moving on ko."
"Huwag mo nga akong biruin. Hindi ako sanay makarinig ng ganyan." halos di matimpla ang ngiti niya. Di kasi siya sanay na binibiro ng ganun. Ni hindi pa nga kasi siya nagkaroon ng boyfriend. Tanging kay Martino lang siya nahulog ang loob at imposibleng magkagusto iyon sa kanya.
"Hmmm, but I'm happy na nakilala kita ng personal, Aidelyn. You helped me, you know." seryoso na ang pananalita ni Tristan.
"Help? Saan?" medyo atubiling tanong ng dalaga.
"Break-up is supposed to be painful. Yung nangyari sa amin ni Klarisse, it was supposed to be painful, but you're being you in that viral video made me forget the pain. Part ka ng break-up namin kahit di mo sinadya. You made it easier for me to forget Klarisse. Lalo pa ngayon na nakilala kita ng personal."
Gulat siya sa narinig. Ewan pero pakiwari niya ay malaking bahagi na siya ng buhay ng binata. At me nagawa rin palang mabuti ang viral na videong iyon kahit papano.
"In a way, dapat din akong magpasalamat sa inyo ni Klarisse. Nakilala ako ng mga tao. May mga bashers, pero marami ding naging positibo sa nangyari. Marami akong nakikilala online. Maraming messages."
"At nakilala kita." madiing banggit ng binata sa kanya.
Malalim ang mga tingin ni Tristan sa kanyang mga mata. Me kahulugan iyon ngunit ayaw niyang magbigay ng sariling kahulugan.
Basta ewan kung bakit mabilis ang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi pa siya nakakaranas ng ganung klaseng saya. Kabado siya ngunit naroon ang saya. Hindi niya maikumpara ang nadarama sa tuwing makikita niya sa telebisyon ang idolong si Martino sa commercial ads nito.
Kung alam lang ni Tristan na ginugulo ng isang imahinasyon ng ibang lalaki ang isipan ni Aidelyn ay baka mawala ang ngiti nito. Kay Martino kasi siya naikukumpara ni Aidelyn. Hindi puwedeng mapalitan sa puso ng dalaga ang napaka-guwapong modelo. Hindi man kasi sila magkarelasyon ay ayaw niyang pagtaksilan ito. Halos dalawang taon nang alipin ang kanyang puso ni Martino.
"M-Martino..." mahina niyang nasabi na tipong wala sa sarili pero naroon ang ngiti.
"Martino? Sinong Martino?" medyo naguguluhang tanong ni Tristan.
"Ha?" Nabigla din siya. Tipong nagising sa bahagyang pagkatulala. Saka naituro ang poster ni Martino na nasa loob ng coffee shop.
"Si Martino. Siya pala ang endorser ng coffee na iniinom natin. Kaya pala masarap. Hindi pala basta-basta." palusot niya.
Pero siya man ay nagulat na naroon ang litrato ni Martino. Hindi niya alam na merun itong ganoong endorsement. Mukhang bagong labas iyon dahil alam niya lahat ng mga endorsements ng binata. Saka kinuha ang cellphone at tumayo upang litratuhan ang poster ng iniidolong modelo na hawak pa ang isang tasa ng kape.
"Fan ka pala niya." napatayo na din si Tristan. Nakangiti itong lumapit sa kanya at magiliw na hiningi ang cellphone ng dalaga.
"Let me..."
Saka ibinigay niya ang cellphone at pumuwesto sa tabi ng poster na nakadikit sa dingding ng cafe. Fan girl na fan girl ang dating ni Aidelyn. Hindi na mawala ang kanyang ngiti sa kasabikang magpalitrato sa tabi ng poster. At masaya siyang sinamahan ni Tristan habang nakatingin sa kanila ang ibang taong naroroon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Please comment, vote and share :)
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...