The Break-Up

268 10 0
                                    



"YOU'RE CRAZY. You're just a piece of shit, insecure, damn good-looking guy with no brain. Akala mo panghihinayangan kita for breaking up with me. Keep believing that to yourself na isa kang God's gift to women but I tell you this, Tristan, you are not, asshole!"

Gulat si Aidelyn Deocampo sa nakita. Paano ba naman, ang internet sensation na si Klarisse La Cuesta ang kanyang nakita na nakikipag-away sa boyfriend nito, si Tristan Torres, nasa 21-anyos, ang basketball player na crush sa university campus nila. Pero hindi na nga niya pinansin pa ang mga ito. Sa halip ay abala siya sa pag-aayos ng buhok na mukhang nagmamadali pa at may importanteng pupuntahan. Hayun at nakuha pang mag-lipstick habang naglalakad.

"So you think I'm just a piece of shit? This is a waste of time, Klarisse. I know from the very beginning na hindi ako isa sa priorities mo. You look at yourself too much. Hindi na ikaw ang Klarisse na una kong nakilala. "

Isang malakas na sampal ang natikman ni Tristan mula kay Klarisse. Hindi matanggap ng huli na sa kabila ng kanyang kilalang personalidad sa social media ay makakatikim ito ng malaking pang-iinsulto mula sa boyfriend. She's Klarisse La Cuesta, The Girl of your world sa online Vlogs. Nasa 20-anyos na ito, ang babaeng sumikat sa youtube sa pagbibigay ng love advise sa may heart problems, and those in distress. Whatever she does, kinakagat ng publiko. Many loves her, and so many hates her as well. But she doesn't mind as she loves attentions anyway. She cannot afford to experience such insult. She's a millennial superstar.

"Don't you ever insult me dahil kaya kitang pabagsakin. Nakilala ka sa social media dahil sa girlfriend mo. Dahil sa sikat mong girlfriend at hindi dahil sa galing mo sa basketball because you're not good at what you do."

"Then thank you. Kung sumikat man ako dahil sa 'yo tinulungan ko namang ibangon 'yang imahe mong kasing-bulok mo and your gimmicks. You're not just a good online adviser but also a good damn actress infront of your cheap cameras. Kung nabobola mo ang mga subscribers mo, count me out dahil tapos na tayo, Klarisse. Stop using me on your videos. Tapos na tapos na tayo."

Sabay talikod ni Tristan. Hinabol pa ito ng paglipad ng libro ni Klarisse habang pilit ang pag-iyak. Di nito matanggap ang ginawa ng lalaki. Sabay lapit ng dalawa pa nitong mga kaibigan na nasa tabi lang at nanunuod ng kanilang away.

"Klang, are you okay?" ani Dana, nasa 20-anyos, ang may kaartehang kaibigang babae ni Klarisse.

"Does she look okay?" sagot ni Lyka kay Dana, isa pang kaibigan ni Klarisse na nasa edad din nila. "Beshie naman, si Tristan yun baka nakakalimutan mo. Ang hunkilicious basketball university superstar dito sa school natin. You're a perfect couple online. Baka mabawasan ang subscribers mo pag nalaman nilang break na kayo."

Paismid na sagot kay Lyka ni Klarisse, "Stupid! I'm Klarisse La Cuesta. The Girl of Your world online. I will never have my 4 million subscribers for nothing. This act is just for a show. My viewers deserve to see another video. Something new this time." Saka sabay ngiti nito.

"Beshie, ang genius mo talaga. I think your new video will trend again. Your fans will be curious about how your love story with Tristan has been going on after those sweet kilig moment videos ninyo." hirit ni Dana.

"Uy ang galing dun ni Tristan ha. Mukhang real yung acting n'ya, girl."

""Of course he doesn't knew about this. Pinikon ko s'ya to make it look real. Masu-surprise 'yon bukas when this video hits youtube." Pambubuko ni Klarisse saka sabay tawa nilang tatlo.

"You're silly talaga friend. Naku magagalit si Tristan pag nalaman niyang ginamit mo na naman siya in this kalokahan mo to the max."

"Excuse me, Tristan can tolerate me. Ganun niya ako kamahal. For the sake of my career, hindi niya ako puwedeng hindian. Never niya pa akong natiis, girl".

"For sure me special participation kami diyan, Beshie. I can give a blow-by-blow account sa nangyari kanina. Remember, 'yong episode n'yo ni Tristan noon sa Boracay nakakuha ka ng 3 million views. This time around, for sure mari-reach mo yung goal mong maka-5 million hits."

"E, maayos mo bang nakunan ang buong scenario? Wag mong sabihin na-lobat ka na naman."

"Of course not. Dala-dalawa pa kami ni Dana na cameramen mo 'no. In full action 'yan friend. Captured by the latest cellphone at HDing-HD pa yang video ng awayan n'yo." Sabay tawa ng tatlo.

"You have to do best, beshies dahil kung hindi, babawiin ko 'yang mga cellphones na binigay ko sa inyo." Pagtataray ni Klarisse sa dalawang kaibigan.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

leave comments please, vote and share  :)

My Online Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon