NAG-AAYOS NG MGA gamit si Aling Dolores sa kuwarto nito ng pumasok si Aidelyn. Ilang araw na lang kasi ay aalis na ang si Mang Carlos upang bumalik sa Riyadh bilang isang Welder. Ikatlong alis na ng kanyang ama iyon at bakas sa mukha ng kanyang ina ang kalungkutan.
"Tulungan na kita, 'ma."
"Huwag na, kaya ko na ito. 'Yung kuwarto mo na lang ang linisin mo."
"Tapos na po akong maglinis ng kuwarto, 'ma. Tulungan na kita."
"Dalawang taon na naman tayong magtitiis nang wala ang papa mo." Naroon sa mata ng kanyang ina ang lungkot.
"Saglit lang naman ang dalawang taon, 'ma. Parang nung unang umalis ang papa maliliit pa kami ni Macoy, pero di nagtagal at dumating na lang siya ng parang ilang araw lang ang nagdaan. Ngayon heto, malaki na kami ni Macoy."
"Kung sabagay, parang di lang siguro ako nasanay. Lalo pa ngayon na malalaki na kayo at halos hindi ko na kayo makasama ni Macoy sa bahay. Kung nandito ang papa n'yo, hindi ko mararamdaman na nasa labas kayo ng kapatid mo at nag-aaral. Hindi sana ako malulungkot. Iba na talaga ang sitwasyon sa tuwing umaalis ang papa n'yo."
Napatitig na lang tuloy siya sa kanyang ina. Her mother was the best mother for her, ni hindi nga sila nito napalo at napalakihan ng boses na magkapatid kahit minsan. If only she was on her own and has all the means to give her family all the comforts in this world ay ibibigay niya.
"Pero inaaalala ko rin ang inyong ama. Hindi na siya kasing bata noon. Alam kong darating ang panahong magkakasakit siya at kakailangan niya ako. Mahirap ang malayo sa ibang bansa na hindi kasama ang pamilya."
"Kaya nga po nag-aaral ako ng mabuti 'ma, para makapaghanap ng magandang trabaho. Pag nangyari yun, gusto kong tumigil na si papa sa pag-aabroad at dito na lang siya sa bahay kasama mo."
Napangiti sa kanya ang inang si Aleng Dolores. Masarap kasing pakinggan na may isang anak na marunong tumanaw ng utang na loob sa kanilang mga magulang. Napayakap tuloy ito sa kanya.
"Naku basta wag ka munang mag-aasawa, anak. Sapat na 'yun para maging masaya kami ng papa mo. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo."
"Ma, naman. Asawa agad? E, ni boyfriend nga wala ako e." saka sila nagkatawanan ng kanyang ina.
"Bakit, wala ka bang nararamdaman dun sa Tristan na 'yon? Mukhang mabait naman anak. Guwapo pa."
Napailing na lang siya sa narinig sa ina. "Ma, naman. Hindi po nanliligaw si Tristan. Galing lang kasi siya sa break-up kaya siguro malapit sa mga kaibigan at bagong kakilala. Saka hindi ako ang tipo nun."
"Hoy, bata ka, alam ko kung me gusto ang lalaki sa babae. Yung pagbigay niya ng prutas at bulaklak e hindi basta isang simpleng gesture lang. Ganyan ang panunuyo ng mga lalaki sa ating mga babae. Saka maganda ka ha. Wala akong anak na pangit."
Nagkatawanan na lang silang mag-ina. Tinulungan niya ito sa pag-aayos ng mga damit ng ama pero biglang napaisip ang dalaga sa sinabi ng ina. Makahulugan iyon.
________________________________________________________________________________
Please leave comments, follow and share. Thank you
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...