The Night Before Tomorrow

42 1 0
                                    


"YOU MEAN NANLILIGAW na sa 'yo si Martino? Wow ha, bes,kung totoo 'yan 'wag mo nang patagalin. 'Yang mga coño na 'yan, mainipin 'yan. Ibigay agad ang matamis mong oo. Para sa bandang huli wala ding sisihan."

"Ewan ko, di ako sure. Basta sabi n'ya dadalaw daw s'ya uli. Alam mo na, 'yung ginagawa ng lalaki sa babae na pagbisita. 'Yung ganun. Ayokong mag-expect e."

"'Yun na 'yun. Panliligaw na 'yun. Di mo pa kasi naranasan e, kung bakit naman nung first year tayo gusto kang ligawan ni Madrigal, di mo pinagbigyan. Tapos sumunod si ano, 'yung gwapo sa engineering student, a, Monsanto, waley din. Kaya di mo tuloy alam kung panliligaw na 'yung gestures sa 'yo ng mga lalaki."

"Kaya nga kabado ako kasi pag nagkataon baka si Martino pa ang maging first boyfriend ko. Di ba, idolo ko lang. Ngayon mukhang abot-kamay ko na bes."

"Kabado? O excited?" saka sila nagkatawanan sa magkabilang linya habang magkausap sa cellphone.

"Pareho. Ang bait nga n'ya e. Nagustuhan nila mama at papa ang attitude n'ya. Napaka-gentleman. He has everything i look for in a guy."

"Paano si Tristan? Di ba nanliligaw din s'ya sa 'yo?"

Napatigil saglit si Aidelyn. Oo nga pala. Mukhang seryoso din kasi talaga sa kanya ang guwapong varsity player.

"Di ba, pinahinto ko na sya sa panunuyo nya? Ayokong masaktan s'ya at umasa sa wala."

"Friend, lalaki si Tristan. Alam natin kung ano ang kaya nung gawin. Walang de-calibreng babae dito sa school campus natin ang di n'ya napasagot. Mas challenge sa kanya kapag pakipot ang babae. Sa kanilang dalawa ni Martino, mukhang mas pasensyoso at mapagbigay 'yung huli. Saka may pinangangalagaang career at reputasyon si Martino alam mo 'yan."

Napaisip na tuloy siya sa sinabi ng kaibigan. Tama naman kasi ito. Kung ikukumpara mo kasi ang dalawa, parang sundalong magiting si Tristan. Hindi marunong sumuko. Laban kung laban. Samantalang si Martino ay pasensyoso. Hindi mahilig sa gulo. At mapagbigay kahit na kapalit ay sariling kaligayahan.

"Ayaw ko 'yang isipin sa ngayon. I just want to live my life the way i want it. Saka hindi pa naman kami ni Martino pero sapat na kung ano ang merun kami ngayon."

"Pano kung malaman ni Tristan na may nanliligaw na sa 'yo? Tapos siya di mo man lang pinagbigyan? Di ba offensive yun? Naku, magkikita pa naman kayo bukas sa opening ceremony ng NCAA. Alam mo naman 'yung da moves nun. Good luck girl."

Napanguso tuloy siya. Napagbigyan nga niya ang imbitasyon ni Tristan na kunin siyang muse sa team nito. Pero napilitan lang siya upang matigil na ito sa pangungulit. Isa pa ay para maging normal na lang at civil ang turingan nila na wala nang iwasan pa kaya napagbigyan niya ang guwapong binata.

"Hoy Edina, baka nakakalimutan mong isa ka sa kumumbinsi sa akin na tanggapin ko ang alok n'ya. Di ko inambisyon ang maging muse. Kaya sumama ka bukas ha. Ayokong magmukha ako do'ng tanga."

"Oo, naman. Suporta ako sa 'yo girl. Basta treat mo ako. Katatapos mo lang mag-shoot ng commercial kanina. Yayamanin ka na for sure."

Nagkatawanan na lang sila. Oo nga pala, halos kainin na nga ang kanyang oras sa dami na kanyang pinagkakaabalahan. Ngayong mga nakalipas na araw ang pinaka-exciting na yugto ng kanyang buhay.

"Hay naku, muntik na akong dagain kanina. Buti na lang inalalayaan ako ni Martino sa shoot. At napaka-galing ng creative team. Excited na nga akong makita 'yung final cut e."

"Kelan ba lalabas? Naku, instant celebrity ka na talaga bes."

"About a month pa. Dadaan pa sa editing. Pero next week makukuha ko na 'yung fifty percent downpayment. Then 'yung another half paglabas ng commercial. Treat kita, bes. San mo gusto?"

My Online Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon