The Knight In Shining Armor

26 0 0
                                    


BAHAGYANG MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Dimas sa kamay ni Aidelyn. Pakiwari tuloy ng dalaga ay hindi na siya hahayaang makawala pa ng bagong kakilala. Bagaman ay excited siya noong una na makilala ito, sa preskong personalidad nito ay nawalan siya ng ganang dito.

Naisip na lang niya na tapusin na ang pakikipagkilala niya dito at wala siyang balak na lumagpas pa doon ang kanilang kaugnayan. Kung ang binata man si DMask na nakilala niya online, ayaw na niyang tanungin pa ang lalaki kung siya din si Mysterious Black guy sa Blogger's Party. 

"Ihatid na kita. Mukhang mahirap sumakay ngayon, sobrang trapik."

Pinilit na tanggalin ng dalaga ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang kamay. "Salamat na lang pero may hinihintay din akong kaibigan." pagsisinungaling pa niya. Saka tila tuliro na kinakausap ang sarili. Please Edina, tumawag ka na. I need your call.

Na tila naman sinagot ang kanyang panalangin. Si Edina ang nasa kabilang linya.

"Hay salamat, sinagot mo din. Bes, kanina ka pa namin tinatawagan ni Tristan. Di mo sinasagot. Nasaan ka na ba?"

"Dins, buti naman at tumawag ka. Andito pa din ako sa labas ng Coffee d'lite sa Alabang pero papauwi na. Medyo trapik nga lang."

"Bakit hindi mo na lang hintayin si Tristan? Kanina pa s'ya pumunta d'yan.  Sa sobrang pagmamadali nga ay hindi nakuha ang exact location mo pero na-txt ko na din agad. Nag-aalala 'yon sa 'yo."

"Nakakahiya naman sa tao. Tell him umuwi na lang at pauwi na din ako."

"Naku, maawat mo ba 'yon? E, pareho lang kayong dalawa na matitigas ang ulo."

"Naghihintay na lang ako ng taxi. Baka hindi na niya ako maabutan."

"Sige i-try kong tawagan mamaya. Pero nagkita na ba kayo ng stalker mo?"

Napalingon si Aidelyn kay Dimas na mataman lang na nakatingin sa kanya. Halos hindi na niya ito ngitian para hindi mahalata ng lalaki na siya ang kanilang pinag-uusapan.

"Nagkita na kami. Ewan pero mukhang nagkamali ako ng desisyong pumunta dito." medyo tahimik niyang sagot sa kabilang linya.

"Bakit, pangit ba?"

Impit na napatawa ang dalaga, "Gaga, guwapo nga e. Di ko lang feel."

"Ikaw ba naman ang suyuin ng mga nag guguwapuhang lalaki, talagang mauumay ka na makakita ng iba."

"So, are we going or not?" tanong ni Dimas na parang naiinip na sa kanya.

"I said i am not going with you. Magtataxi na lang ako." Medyo asar na sagot niya sa binata.

Gulat naman ang kanyang kaibigan sa kabilang linya.

"Wow, Aidelyn ha. Mukhang mayabang 'yang lalaking 'yan a. Lumayo ka nga sa taong 'yan."

"Hayaan mo na. Hindi n'ya ako mapipilit kahit anong gawin n'ya."

Ngunit inis na lumapit na ang lalaki sa kanya. "Let's go. Time is running and it's not pretty good turning down my offer."

Nag panting ang kanyang tenga sa narinig. Ngayon niya napagtantong may kaibahan ang ugali ng lalaki. Dinig din ni Edina ang usapan ng dalawa kaya lalo tuloy itong nag-alala.

"Aidelyn, 'wag mo nang pansinin ang lalaking 'yan. Pumasok ka uli sa loob ng coffee shop o lumapit sa guwardya. Mukhang me topak ang lalaking 'yan."

Saka mabilis na tumalikod ang dalaga upang layuan ang lalaki ngunit nagawa nitong hawakan siya sa braso. Mahigpit iyon at hindi siya makahulagpos.

"Huwag kang bastos ha. Baka hindi mo kilala ang kaharap mo. You don't treat a son of a Mayor like this."

My Online Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon