Bandang hapon ng kinabukasan ay nasa isang coffee shop sa Alabang na si Aidelyn. Iyon ang lugar at oras na napagkasunduan nilang magtagpo ng kanyang online stalker na si DMask. May kaba sa kanyang dibdib. Dala iyon ng pinaghalong konting takot at excitement. Pero wala naman siya gaanong ipinag-aalala dahil matao ang lugar na kanilang pagtatagpuan.
Pinaghandaan talaga ng dalaga ang araw na iyon. Nag-ayos talaga siya ng sarili upang di mapahiya sa kakatagpuin. Kung si mysterious guy sa blogger's party kasi iyon na nagnakaw sa kanya ng halik ay ayaw niyang mapahiya. Kahit paano kasi ay kinilig talaga siya noon sa sandaling iyon ng kanilang pagkikita.
A basta, excited din siya at talagang hindi mapakali na kanina pa palinga-linga sa bawat lalaking papasok doon habang nag-iisa sa mesa.
Hanggang sa mapako ang kanyang tingin sa isang guwapong lalaki na kararating lang. Sinundan niya iyon ng tingin hanggang sa umupo ito sa isang mesa doon.
Napansin siya ng lalaki dahil sa katitingin niya. Tila sinisino nito ang magandang dalaga. Saka napangiti ang lalaki sa kanya. Guwapong may pagka-bohemyo ang lalaki. Nasa-24 anyos na ito at talagang agaw-pansin ang matipunong katawan. Nabawi tuloy niya ang kanyang tingin sa lalaki dahil sa hiya.
Binawi na din ng guwapong lalaki ang tingin nito sa kanya. Tila ba parang naghihintayan sila sa kung sino ang magtatapon ng unang tingin. Tila nagkakahiyaan. Hindi na siya nakatiis at muli itong tiningnan. At nahuli na naman siya ng bigotilyong lalaki na napangiti na naman ng may kapilyuhan. Hindi na siya nakaiwas. Napangiti na din siya sa lalaking tila ba kilalang-kilala na siya.
Hanggang sa maramdaman niyang tila papalapit na ito sa kanya. Nagsimula na tuloy siyang kabahan na parang ewan.
Saka napansin niya ang matikas na lalaki na nasa kanya nang harapan. Sinipat niya ito. Sa tindig at pananamit ng lalaki ay halatang lumaki itong buena familia. Hindi nahuhuli kina Tristan at Martino. Na pag nagkataon ay ewan kung ano nga bang suwerte ang kanyang natagpuan.
"Hi. Can i have a seat? You look familiar." ani ng malaki ngunit malamyos na boses ng lalaki.
Goodness. Siya na ba talaga si DMask? Ang mysterious guy sa party noon? kumakabog ang dibdib na sabi niya sa sarili. At tila tuloy siya ay pagpapawisan kahit na ba aircon ang lugar. "S-Sure. Have a seat."
"Thank you. Anyway, i'm Dimas. Dimas Evangelista."
"D-DMASK?!" tila napatili niyang banggit na muli. At nahinuhang iyon na nga ang lalaking kanyang hinihintay. Ang kanyang online stalker na at last ay nakaharap na niya ngayon, "I'm Aidelyn. Aidelyn De Ocampo."
"Yeah, the famous online girl. On my mind you look familiar. Sabi ko na nga ba ikaw 'yan e. Nice meeting you."
"Thank you. I'm happy to meet you here." nahihiyang sabi niya.
"Same here. Actually, i like that video. Marami kaming natuwa dun. Maganda ka palang lalo sa personal."
Napayuko tuloy siya ng di sinasadya. Gaya rin nila Martino at Tristan ang lalaking ito na may pagka-bolero sa isip pa niya. Pero ang mahalaga ay nagkita na sila ng magkaroon na sila ng "closure".
"Thank you. Kahit na alam kong nagbibiro ka lang."
"Of course you're beautiful. Lalo mo nga akong napahanga. Kahit na minsan ay magmessage ako sa 'yo at di mo pinapansin."
"Really? Heto at kaharap mo na ako. Now you got the wrong impression in me." sabi niya pa na tila nagkakahulihan na sila ng loob.
"NASA ALABANG SI AIDELYN. Mukhang may imi-meet up na nakilala niya online." paliwanag pa ni Edina ke Tristan na nagtaka kung bakit hindi nito kasama ang kaibigan.
"What?! Kanina pa ba? Sige tatawagan ko agad ngayon. How could she be so stubborn Aidelyn, delikado ang panahon ngayon." pag-aalala pa ni Tristan. Hindi nito mawari na gagawin iyon ng magandang dalaga. Mapipilitan tuloy siyang hindi na pumasok sa klase kahit na me short quiz sila sa SocSci dahil hindi siya mapalagay para sa babaeng minamahal.
"Naku, mapigilan ba natin 'yon? E, matagal na 'yong gustong makilala 'yung online stalker n'ya. Ikaw ba Tristan e, walang itinatago sa kaibigan ko? Me sikreto ka ba na hindi namin alam?"
Napakunot-noo na lang ang guwapong varsity player. Na bukod-tanging siya lang yata ang kabado na e lalo pang lumalabas ang kaguwapuhan.
"Anong sikreto? Mahal ko ang kaibigan mo. Alam naman niya 'yun di ba?"
Napangiwi na lang si Edina. Mukhang hindi talaga alam ng binata ang nais na sabihin nito na baka ito ang stalker ng kanyang kaibigan. Saka sunod-sunod na pinindot ni Tristan ang keypad ng cellphone upang tawagan si Aidelyn. Ngunit ilang beses mang tawag ang gawin niya ay hindi iyon sinasagot ng babaeng minamahal.
Napahawak tuloy siya sa ulo na tila naiinis sa nangyayari.
"I have to go. Just give me a call pag nakausap mo na siya. Just keep trying in calling her."
At nagmamadaling umalis na ang kabadong binata. Na naiwan naman si Edina na kinukontak din ang kaibigang si Aidelyn.
FUCKING TRAFFIC! Kung kelan naman magkikita kami ni Aidelyn ay saka pa ganito ka-trapik papuntang Alabang. Hindi maikubling inis na sabi ni Martino sa sarili habang sakay ng sariling sasakyan.
Lalo pang hindi mapakali ang guwapong si Martino. Buti na lang at malapit na siya sa kanilang napagkasunduang tagpuan.Hindi niya hahayaang paghintayin ang isang babae sa kanilang date. Lalo pa kung ito ay special sa kanya. Lalo na nga at iyon ay si Aidelyn. Kung kelan naman kasi araw ng kanilang pagkikita kung saan magtatapat na siya talaga si DMask ay nagkaroon pa ng technical problem sa ginagawa niyang latest commercial kaya inabot siya ng ilang oras sa trabaho.
Dapat kasi ay noon niya pa iyon sinabi sa dalaga ngunit sa kanyang kaabalahan sa trabaho ay wala siyang mahanap na oras upang gawin iyon. Napaka-ungentleman naman kung sa online or messenger siya magsasabi sa minamahal na babae. Aidelyn deserves so much respect at sobra iyong mahalaga para sa kanya.
At me isa pa siyang sorpresa para rito. Na kung ano man iyon, sana ay tanggapin ng magandang dalaga. Hindi tuloy niya maiwasang gamitin ng madalas ang busina ng sasakyan dahil sa pagkainip at pagka-irita sa bigat ng trapiko.
MALALIM ANG MGA SULYAP ni Dimas kay Aidelyn. In his mind, Aidelyn is like those girls na very much into parties and boys. Maaaring pa-sweet kasi siya sa una pero bibigay din gaya ng iba lalo pa at nasa porma ng guwapong lalaki ang habulin talaga. Iyon ang naiisip nito. Ilang beses na nitong napagdaanan ang one night stand at short term relationships. In just one glance at sa kanyang pilyong ngiti, he gets what he wants. And Aidelyn could be his latest victim.
"Can we talk somewhere else? Like, somewhere.... just you and me." pilyong sabi pa ni Dimas. Saka hinawakan ang isang kamay ng dalaga.
Iniiwas tuloy niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng lalaki. Ganyan din kabilis si mysterious guy noon. Na nagawa talaga siyang halikan na hindi man lang siya makapalag.
"No. I need to go in a few minutes. Anyway, i'm happy meeting you."
"Well, puwede kitang ihatid. Para naman minsan e, madalaw kita."
"Thanks but no thanks. Magta-taxi na lang ako. You can still reach on me online if you need to talk to me."
"Okay, but can i have a picture with you? I'm a fan." nakangiti nitong pakiusap na agad namang pinagbigyan ng dalaga.
"'Yun lang pala. Sure. Pang wallpaper ba?" biro niya pa.
Agad na inilabas ng lalaki ang cellphone nito at lumapit sa dalaga saka inakbayan siya at kumuha ng picture. It was so candid and you could think they're really a couple dahil he seems sweet sa pagkakaakbay sa kanya. Aidelyn feels awkward pero wala siyang nagawa dahil sa mabilis na pangyayari. Pero sa mukha niya ay talaga halatang na-conscious siya.
"So, sabay na tayong lumabas? I'll take you home."
"Well thank you. Maybe hanggang sa labas na lang ng coffee shop. Thanks for the talk."
At sabay na lumabas ang dalawa. Dimas is obviously gearing up for something else. At hindi iyon halata ni Aidelyn.
________________________________________________________________________________
Please leave comments, vote and share. Thank you.
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...