The Birthday Party

21 0 0
                                    


THE BIRTHDAY PARTY has come. Bukod-tangi ang grandiyosong set-up sa Pavilion ng mga Cuerva na halatang ginastusan ng malaking pera. Naroon ang mga kilalang pulitiko at business aficionados ng Pamilya Cuerva. Pati na ilang kilalang media na fully-covered andg event na kinumisyon ng kongresista. Truly, Aidelyn deserves the best in her birthday. And Martino will do everything for the girl who stole his heart. 

Naroon din ang mga kababata, kaibigan sa school at mga kamag-anak ni Aidelyn. All dressed up to what is expected of them. Everyone is enjoying the night.

Napaka-guwapo ni Martino ng gabing iyon. His dazzling looks simply exudes so much appeal. Saka lumabas si Aidelyn na napaka-ganda sa suot na emerald green gown na gawa ni Michael Cinco. Sadyang ginastusan iyon ni Martino upang lumabas ang ganda ng dalaga. Lahat nga ay napapatingin kay Aidelyn. Na masayang nilapitan ng binata at inalalayan siya upang ipakilala sa mga magulang nito.

"You look so fabulous, Hija. Ikaw pala ang bumihag sa puso ng anak ko. Martino was never this serious to a girl. Hindi naman nakakapagtaka, napakaganda mo." prangkang sabi pa ng sopistikadang si Divina La Diva Cuerva.

"Salamat po ma'am. Thank you for this welcome party. At ikinatutuwa ko pong makilala kayo." nahihiyang banggit pa ng dalaga.

"No worries. When it comes to my son, lagi kaming nakasuporta ng daddy n'ya. Heto nga at pati party-members sa pulitika ng asawa ko ay narito. Pati na media. They deserved to know how my family takes care of our own family lalo na pagdating kay Martino. Alam nilang our son is just too good for his family and deserves nothing but love. Isa siyang karangalan sa amin. Who knows, Martino will follow his father's legacy as being a public servant."

Saka lalapit si Congressman Cuerva na galing sa table ng kanyang mga kasamahan sa pulitika. 

"Dad, this is Aidelyn. The most important girl to me now. Of course next to mom." biro pa ni Martino na ikinatawa ng kanyang mga magulang, "Aidelyn, si daddy, Congressman Cuerva."

Humalik ang dalaga sa pisngi ng kongresista na magiliw namang tinanggap iyon ng matandang Cuerva at napahanga sa dalaga.

"Congratulation hija at happy birthday. Talaga palang maganda ka. Hindi mag-aaksaya ng panahon sa isang babae si Martino kung hindi s'ya in-love ng ganito."

"Salamat po congressman." mabining sagot ni Aidelyn na tipong nahihiya pa.

"She seems so naive and shy but very pretty. Pag kayo ang nagkatuluyan ni Martino, tuturuan kita on being sociable, hija. Marami kang makikilalang politiko at public officials. Madali lang naman 'yon, you have to be something special and important. I'll teach you." sabad ng ina ng binata.

"Mom, it's too early. Wala pa naman ako sa pulitika."

"Well, this is the start of your training ground. Kayong dalawa ni Aidelyn. Kaya nga nandito ang mga kasamahan ko partido. Feel the real atmosphere of politics son." sabad ni congressman Cuerva.

"Well, let me think about it. for now, i-enjoy muna natin ang birthday ni Aidelyn. would you excuse us, mom, dad, puntahan muna namin ang ibang bisita." paumanhin ng binata sa mga magulang.

"Sure, son, enjoy the night with Aidelyn. Babalikan lang namin ng mommy mo sina Senator Dominguez sa mesa nila at ang ibang guests."

Pinuntahan ni Aidelyn at Martino ang  puwesto ng magulang at kamag-anak ng dalaga sa kabilang mesa. Pinaghandaan din ng mga ito ang okasyon. Nakagayak din ang mga ito ng magarbong kasuotan.

"Aidelyn, anak, naku, napakaganda mo naman. Maligaya kami para sa 'yo. Martino, salamat sa lahat. Pinasaya mo kami lalo na ang anak ko." halos naiiyak na salubong sa kanila ni Aling Lourdes.

My Online Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon