The Crazy Girls.... Again

27 0 0
                                    


"Hoy beshy, i'm so excited for you? Nakakatulog ka pa ba?" tanong ni Edina kay Aidelyn habang pareho silang nasa loob ng cubicle ng comfort sa kanilang pinapasukang Unibersidad.

"Halata na ba ang eyebags?" 

"Well, this is once in a lifetime event. I-enjoy mo lang. I'm sure magiging proud sa 'yo si Martino dahil sureness, ikaw ang pinakamaganda sa araw na 'yon."

Nakangiti lang ang dalaga habang palabas ng cubile na saglit lang din ay lumabas na din si Edina halos kasunod niya. Saka inabala ang myga sarili na binuksan ang kanilang bag na nakapatong sa ibabaw ng lababo at kapwa nagsuklay habang tuloy pa din ang kuwentuhan.

"Bes, do you think it's time na sagutin ko na si Martino sa araw mismo ng birthday ko?"

"E, kung mahal mo naman 'yung tao. Of course alam natin pareho ang sagot dun. Kahit naman di pa kayo ganun katagal magkakilala, i mean, ikaw kilalang-kilala mo na s'ya porke ini-stalk mo s'ya noon pa pero maybe i-consider mo din 'yung ibang bagay."

"Like?"

"Try mo kaya munang mag date kayo ng mas madalas para makilala mo siya ng husto. 'Yung makilala n'yo ang ugali ng isa't-isa."

"Parang hindi naman na magbabago 'yun dahil kilalang-kilala ko na s'ya. Kung ano ang ipinakikita sa akin ni Martino, i'm sure 'yun ang totoong ugali n'ya."

"Sabagay, boyfriend-girlfriend pa lang naman e. Ikaw, nasa sa 'yo 'yan. Me dalawang araw ka pa naman para mag-decide."

 Niyakap ng mahigpit ni Aidelyn ang kaibigan. Di pa s'ya kasi nagkaka-boyfriend kaya hindi madaling desisyon iyon para sa dalaga. Kahit sigurado na siya sa nararamdaman kay Martino ay importante sa kanya ang marinig ang sasabihin ng kaibigan.

Saka kapwa na sila lumabas ng comfort room. Andun at tila kinikilig pa din sa darating na okasyon.

"Napaka-suwerte mo kay Martino bes, pag nagkataon. Siya lang naman ang nagtanong sa akin kung sino-sino sa mga kaklase natin at professors ka pinakamalapit. Tingin ko iimbitahan din niya ang mga 'yon. It was supossed to be a surprise for you. Kunwari hindi mo pa lang alam. Huwag mong sabihing sinabi ko. Basta me staff s'ya na kumausap sa mga 'yon."

"Ang ini-expect ko ay tayo lang ng pamilya ko."

"Pavilion 'yun bes, what do you expect? Saka beshy, me favor sana ako sa 'yo. Puwede bang mag take 1 ako sa party? Me gusto kasi akong isama e. At bilang mag friendship tayo e gusto ko siyang makilala mo."

Bahagyang nagulat siya sa narinig. "Bakit? Me sikreto ka bang itinatago sa akin?"

"E, hindi pa naman talaga ganun ka-seryoso pero may boyfriend na ako."

Muling ikinagulat iyon ni Aidelyn ang rebelasyon ng kaibigan. Ni hindi niya iyon napapansin man lang sa kaibigan sa mga nagdaang araw. Napahinto tuloy sila sa paglalakad.

"Seryoso ka dyan? O nakikiuso ka lang?"

"Hoy hindi a. Ikaw nga sasagutin mo pa lang pero ako last week pa."

"E, who's the unlucky guy?" biro niya sa kaibigan.

"Wow ha. Ganyanan na ngayon ha."

"Biro lang. Sino nga? Kilala ko ba?"

"Natatandaan mo si Mr. Zorro sa comfort room? 'Yung hinabol natin noon na kasama sa school play?"

"whooh. You mean, siya ang ka-date mo sa party? Ang bilis girl ha."

"Beshy, hindi lang basta ka-date. Boyfriend ko na nga s'ya."

"What? Oo nga pala!" medyo tila gulat pa ring reaksyon ni Aidelyn. 

"Grabe sa reaksyon ha. Wala na ba akong karapatang magka-boyfriend?"

"Gaga hindi sa ganun. Ba't ngayon ko lang nalaman? Ba't ka naglihim?"

"Sa kabisihan mo kailangan pa ba kitang istorbohin? Basta ipakikilala ko s'ya sa yo sa birthday mo. Mabait 'yun. Biro mo naki-level na ako sa 'yo. Kung me zorro kang suitor sa katauhan ni Martino, me zorro din akong boyfriend."

Nagkatawanan na ang dalawa. Na hindi nila kapwa namalayan ang paglapit nila Klarisse kasama si Danna.

"So, how's the birthday girl? How are you enjoying the fame?"

"As usual, she doesn't care about giving you the credit Klarisse. Ni hindi ka nga inimbita man lang personally sa birthday party n'ya the next day. E, hindi naman s'ya makikilala kung hindi dahil sa 'yo."

"Puwede ba, 'wag nyo ngang stressin 'yang mga buhay n'yo. Hanggang ngayon ba naman hindi pa din kayo maka-move on sa tagumpay ng kaibigan ko? Klarisse naman, dapat tanggapin mo na  you have lost your time. It's time for Aidelyn to shine. Di ba, sa opening ceremony pa lang ng NCAA, one of those ka na lang?"

Halos umusok sa galit si Klarisse. Hindi nito tanggap ang narinig. She has earned her stature the hard way. Ngunit ngayon nga ay tila naungusan na ito ng iba at hindi nito tanggap iyon.

"How dare you. Aidelyn is nothing without me. Without my help. I have achieved what i have now from my own ability. I didn't need anyone to help me. Now can you think of what you said again?"

"Then keep believing that to yourself. Tama ka naman in the first place. Hirap ka lang maka move on." pag depensa pa ni Edina.

"Dahil hindi ako papayag na me kaagaw ako sa atensyon sa loob mismo ng campus na ito. I am the biggest star and alumnus of this school and this girl is nothing compared to me."

"Klarisse, hindi ako nakikipag kumpitensya sa 'yo. Ang totoo'y nagpapasalamat pa nga ako dahil kung di sa 'yo hindi ako makikilala ng ibang tao. Sana'y maging magkaibigan na lang tayo."

"You better be thanking me. Tandaan mo, Aidelyn, malapit ka nang bumagsak hindi ka pa man tuluyang sumisikat. Hindi ako papayag na makuha mo ang ano man ang narating ko. I will never let you be happy. Your time is up."

"Hoy, wag mong tatakutin ang kaibigan ko ha. Saka paano n'yo nalaman ang party para kay Aidelyn? Invited ba kayo? Ang talas ng mga tenga n'yo ha. Halika na bes. 'Wag na nating patulan ang mga loser na 'yan."

At tumalikod na sina Aidelyn at Edina. Naiwan namang naka-busangot si Klarisse. Hindi talaga ito titigil hangang hindi napapabagsak si Aidelyn. She will do everything to stop Aidelyn from getting the fame that's supposed to be hers ayon sa paniwala nito.

Maya-maya pa ay lumabas ng comfort room ang isa pa niyang kaibigan na si Lyka. Naroon ang sutil na ngiti nito. Saka masayang lumapit sa dalawang kaibigan at kapwa na sila nagkatawanan.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please leave comments and share. Thank you.

My Online Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon