"AIDELYN!" Pababa na siya ng building ng marinig iyon. Kilalang-kilala na ng magandang dalaga ang boses na iyon. At hindi nga siya nagkamali, si Martino, na tipong hinahabol siya bago pa man siya makaalis ng tuluyan.
"Martino?" hindi siya makapaniwala, "Me kailangan ka ba sa akin?"
"No. Nothing. I just want to take this opportunity to thank you. Maraming tao sa loob e, marami tuloy akong hindi nasabi sa 'yo."
Hayun na naman at halos matunaw siya pagkakita sa guwapong binata. Wala na nga siyang masabi pang iba. Nais lang niyang marinig ang boses nito at kung ano pa ang sasabihin sa kanya. Sapat na iyon sa dalaga.
"You know, you made me happy. I'm a fan as i said sa 'yo kanina. And now, partner na kita sa commercial natin. I hope magtuloy-tuloy 'yon. You deserve it. I am looking forward na by next week, magawa na natin ang commercial and I can see so much potential in you."
Napakasarap tingnan ng mukha ng binata habang binibigkas iyon. Genuine ang reaksyon nito. Halos hindi niya tuloy maalis ang pagkakatitig niya sa mukha nito.
"Salamat. Kung hindi naman dahil sa 'yo, hindi ko makukuha yung role sa commercial na gagawin natin. Ikaw ang nag-recommend sa akin e. Tinupad mo ang isa sa mga pangarap ko."
"You deserve it. You have wonderful personality and has a wide base of fans after that video. Your success is on your way, Aidelyn. I am happy for you."
"Ang totoo niyan, Martino, idol talaga kita noon pa. Kaya nga hindi ako matingin sa 'yo kanina at makakilos ng maayos. Di ko nga akalain na ako ang mapipili mo."
"Parang hindi ko yata halata." Biro ng binata. "Halika, I'll take you home. Isabay na kita."
Nagulat siya sa narinig. Buti na lang at hindi nito nahalata ang panlalaki ng kanyang mga mata sa pagkabigla. Madalas kasi niyang mapanaginipan iyon. Iyong sa panaginip na madalas silang magkasama at inihahatid siya nito sa bahay. Ngayon nga ay totoo na. At hindi niya iyon puwedeng tanggihan.
"Panganay ka pala. Only son ako e, kaya siguro I always look for some longing. Di ko alam kong bakit mag-isa lang ako sa pamilya. Or baka busy lang talaga yung parents ko."
Marami-rami na rin ang kanilang napapagkuwentuhan habang nasa loob ng magarang kotse ng binata.
Halos hindi nga maalis ni Aidelyn ang tingin nito sa maamong mukha ni Martino na nagmamaneho ng kotse. Kung ibabaling lang ng binata ang mukha sa katabi ay mababasa nito sa kanyang mga mata ang labis na paghanga.
"My dad is kinda strict. He doesn't want me to get involved into controversies. Okay lang sa kanya na magka-girlfriend ako. Normal lang naman 'yun pero wag daw ako mangbubuntis. Baka masira daw 'yung career niya sa politics. Mukhang me balak siyang tumakbong presidente ng Pilipinas." Saka napatawa ng bahagya ang binata. Napangiti na din si Aidelyn pero naroon pa rin ang titig sa mukha nito.
"Honestly, I am waiting for the right one for me. Everyone thinks na playboy ako. But it's not true. I'm 21 pero tatlo pa lang ang naging girlfriend ko. My first one was when I was in highschool but that wasn't serious talaga. Seryoso 'yung sa second girlfriend ko. That was last year. Dun medyo umiyak ako. Naghiwalay lang kami dahil she can't stand with my principles. Kahit na mahal ko siya we have to part ways. Kasi if ever we ended up with each other, it won't succeed. My third one was this year lang. Saglit lang. Bago pa pala maging kami, naka-plan na siya to study sa US. So it was easier for me to forget her kasi bago pa lang."
Saka napabaling tuloy sa kanya ang binata na iniiwas naman agad niya ang paningin mula dito.
"Ikaw? Ilan na ang naging boyfriend mo? Sorry for my asking, don't answer if you're not comfortable talking about it."
"Hindi pa ako nagka-boyfriend." Mabilis at madiin niyang sagot. Gusto niyang ipagsiksikan sa isipan ng binata na wala pang nagmamay-ari ng kanyang puso.
"'Yang ganda mong 'yan? Honest? I don't believe you." Pagbibiro pa ng binata.
"Never pa nga. Di yata ako ligawin e." Nahihiya pa niyang sagot. Kung alam mo lang, ikaw lang ang matagal ko ng hinihintay. Iyon ang kanyang nasasaisip.
"Wala kang crush?"
Napanganga siyang tuluyan sa binata dahil sa pagkabigla.
"M-Merun. Mga artista. Singer. Model. Mga celebrity, ganun."
"Normal naman 'yun. For sure guwapo 'yun."
Habol niya ang hininga habang malalim ang pagkakatitig sa binata.
"Guwapong-guwapo."
"Mas guwapo pa sa akin?" natatawang biro na naman nito na walang malisya.
"May mas guguwapo pa ba sa 'yo?" Ewan pero basta na lang lumakas ang loob niya. Napatingin na lang tuloy sa kanya ang binata.
"So, mas guwapo ako? Sa dami namin ang hirap manghula."
Napanganga na lang tuloy ang dalaga. Nais na sana niyang mabuko ng binata. Kung maaaring ito na mismo ang manghula para sa kanya. Naroong gusto na din niyang aminin ang lihim na pagmamahal sa guwapong modelo.
Sa pagkakatitig niya sa nagmamanehong binata ay napalingon ito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata ng di sinasadya. May kalapitan ito. Amoy niya ang mabango nitong hininga. At basa ng binata ang mensahe mula sa kanyang mga mata.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Please leave comments, vote and share. Thank you.
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...