The Torres

31 0 1
                                    

"THAT WAS MONUMENTAL. I never expected you to be a great dancer. Akala ko basketball lang ang hilig mo. Minana mo rin pala ang galing ko sa pagsasayaw."

Proud ang ina ni Tristan sa kanya, ang dating sikat na aktres na si Lorina Del Valle-Torres. Bagaman at nagka-edad na, bakas pa rin ang kagandahan nang mukha ng former actress. Her features exude regal beauty with utmost class. Ito ang naging daan upang mapansin ito sa showbiz at mabigyan ng break sa pelikula mahigit dalawang dekada na ang nakalipas. Her presence in the limelight made a mark. Isa nga siya sa itinuring na reyna noon. Siya lang naman ang naging tinik at pinakamahigpit na karibal ni Divina La Diva Cuerva noon. Pero noong mabuntis ng maaga ay basta na lang nilisan ang mundo ng pelikula. Misteryo nga ang kanyang pagkawala sa showbiz noon.

"Napanood n'yo pala." kaswal na sagot ni Tristan sa ina habang kumakain sila ng hapunan sa isang mamahaling 8-seater dining table. Sa isang malaking mansion sa Isang exclusive subdivision sa Quezon City nakatira ang pamilya Torres kasama ang dalawang nakababatang kapatid ni Tristan. Doon na siya lumaki bagaman at sa Amerika siya ipinanganak ng lisanin ni Mr.s Torres ang showbiz at itago ang pagdadalantao nito sa kanya.

"It's all over the news. Who's the lucky girl? She looks pretty. Manang-mana ka sa daddy mo. Mahihilig kayo sa magagandang babae."

"Don't say that 'ma. She's special." Pagsalag ng binata.

"She's cute. I like her kuya." sabad ng 13-anyos niyang kapatid na si Maya.

"And she's very nice. I saw her video online. She's like a dream girl." nakangiting sabi naman ng 10-anyos na bunso na si Lukas.

"And you have to finish your food. Mukhang nagpupuyat ka sa kapapanood mo sa computer. Ang dami mong alam little bro." sabi pa ng guwapong binata saka sabay himas sa buhok ng kapatid na lalaki. Close siya sa mga ito. Bagaman malayo ang agwat ng edad niya sa mga kapatid.

"I want to meet her someday Kuya. Isn't she your girlfriend now?" tanong pa na may kakulitan na si Lukas.

Napatawa na lang si Tristan. "Hindi pa. Hayaan mo't makikilala mo din siya. I'll bring you to her just give me your grade sa Filipino na 85% and above kasi sabi ng yaya mo hirap ka daw sa Filipino subject mo. Nangangamote ka daw. So deal?"

"Deal." saka nag-high five ang magkapatid. Paborito ni Tristan si Lukas dahil ito ang madalas na kalaro niya sa basketball sa kanilang bahay. Sa kuwarto nga niya madalas matulog ang bunsong kapatid kahit na may sari-sarili silang kuwarto na buong pamilya.

Mataman lang na pinagmamasdan ni Mrs. Torres si Tristan. Hindi ito ganoon kaseryoso pag nasa bahay. Para nga itong bata kung makipagharutan sa mga kapatid. Ngunit hindi nang araw na iyon. Mukhang me pinagdadaanan ang binata. Ilang beses na kasing nagdala ng babae sa bahay nila si Tristan noon upang ipakilala pero hindi nito nagawa ang mga paandar na ginawa niya kay Aidelyn sa harap ng maraming tao gaya kanina.

Tristan has never loved someone just to have a girlfriend for the sake of having one. If he's in-loved, inloved talaga siya. The more 'yung ginawa niya sa ceremony kanina, isa iyong historical event para sa ina. Tristan is in serious battle at worried ang kanyang ina.

"YOU AND MARTINO are up against each other for that girl. Was that in anyway a purpose to hurt each other?"

Sa may sala na sila ng kanyang ina. Hinintay na muna ni Mrs. Torres matapos kumain ang dalawang batang anak bago usisain si Tristan sa nangyaring "sagupaan" kay Martino kanina.

"This just happened unintentionally. I don't think he knows i'm after her."

"Nagkasakitan ba kayo?"

"Hindi. Puwera lang kung pakikialaman niya si Aidelyn."

"Isn't that girl your girlfriend yet? You don't own her. I thought pareho pa lang kayong nagkakagusto sa kanya. That's what i saw in the news."

"Why are you taking his side? After what his father did to you mas kakampihan mo pa 'yung lalaking 'yon?" may pagtatampo sa himig ng binata.

"Tristan, i am not taking his side nor taking anyone's side. If only you could stay away from his family mas makabubuti 'yon para sa 'yo."

"Kailangan ba palagi tayo ang lalayo? Ano bang atraso natin sa kanila? His father was just your ex."

"Stop it. Ilang panahon din akong nanahimik and my life seems normal than it should. I hope you could do the same dahil ayokong magaya ka sa akin noong nasa mundo pa ako ng showbiz. Now, you're into sport. Hindi ka nalalayo sa mata ng mapanuring tao and that bothers me so much. If things get worse, wala akong ibang choice kundi dalhin kayong magkakapatid sa Amerika at doon na uli manirahan."

Napatayo si Tristan sa narinig. Hindi niya gusto iyon. Pag nagkataon kasi, malalayo siya ng tuluyan kay Aidelyn.

"Do i need to sacrifice? Kailangan ba lagi tayo ang magbibigay? How could you 'ma?"

"That is for your own sake Tristan. For your brother and sister's sake. Kung pati sila madadamay sa eskandalo, gagawin ko."

"Then let it be. Kung maeskandalo ang pamilyang 'yun sa ginawa nila sa 'yo e di mabuti. Para matalo na 'yung congressman sa eleksyon na nanloko sa 'yo noon. Then you're even."

Nasampal ni Mrs. Torres ang anak. "You don't know what you're talking about. How could you have so much hatred in your heart?"

Nanatiling nakatayo si Tristan. Hindi siya nasasaktan ng ina kung tutuusin. Maliban lang kung ang dahilan ng kanilang bangayan ay ang pamilya Cuerva na labis niyang ipinagtataka. Sa mga mata nya ay makikita ang poot. Hindi iyon intentional. He was just so helpless to how he feels. Ang tingin kasi niya ay ang mommy niya ang naapi pero parang ito pa ang kailangang umiwas. Matagal na niyang kinikimkim iyon. He was born a fighter. But he loves his mother so much kaya iniiwasan niyang magsalita ng ganoon sa mga Cuervas noon. Maliban lang ngayon na ang sarili naman niyang puso ang nasisikil at nakukumpromiso.

"I can't be like you 'ma. I'll fight for my right."

Napamaang na lang ang kanyang ina sa narinig. Sadyang matibay ang paninindigan ng binata. Hindi nito nais na masaktan ang anak sa mga susunod na pagbabanggaan nila ni Martino. Or else the history will repeat itself.

"Marami pang babae na makikilala mo. You're young, guwapo at nakapag-aral. Bakit kailangang mag-seryoso ka sa babaeng 'yun ngayon?"

"That is not your point 'ma. You're playing on my feelings just like that family playing on yours. Hindi ko lalayuan si Aidelyn dahil lang sa anak nila. My battle is no longer your battle. And i am going to win my battle, i assure you that."

Saka mabigat ang dibdib na tinalikuran na ni Tristan ang ina at tumuloy sa sariling kuwarto. Walang nagawa si Mrs. Torres. Mahal lang niya si Tristan kaya nasabi nito ang mga iyon. Ngunit mukhang buo na ang desisyon ng kanyang anak. Kailangang ihanda na lamang ng ginang ang sarili sa maaaring gulong napasok ng anak.

My Online Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon