The Unfolded Secret

37 1 0
                                    



"AND CUT! GOOD take." Sigaw ni Direk Butch Matias, ang kilalang direktor ng mga sikat na product advertisements.

Saka nagbitaw sa pagkakayakap sina Martino at Aidelyn. Shooting nila ito para sa ini-endorsong Skincare lotion. Naroon pa rin ang paghanga sa mga mata ng dalaga para sa binata kahit na ilang beses na niya itong nakita.

"Congrats, Aidelyn. You did a wonderful job." Lapit at bati ng director sa kanya. "Martino, you look great with Aidelyn. Bagay kayo onscreen. Ang lakas ng dating ninyong dalawa."

"Salamat direk" saka nakipagkamay ang tanyag na modelo sa director, "Wow, narinig mo 'yon Aidelyn, you did it than expected. Good luck on your new career."

Napangiti ang magandang dalaga. Simula na nga iyon ng kanyang pangarap. Isang ganap na commercial model na nga siya. Kasama pa niya ang iniidolong modelo. Kung dati ay sa tv commercials niya lang ito napapanood ngayon ay kasama na niya.

"Salamat, Martino." nahihiyang sambit pa niya. 

"Ang tipid mong magsalita, a. Dapat masanay ka nang makipag-usap ngayong isa ka ng commercial model. May time kasi na me dadaluhan tayong event and you need to talk in behalf of the products na ini-endorse natin. Don't worry, matuturuan kita d'yan."

Saka kinuha na ng dalaga ang mga gamit upang umuwi. Nilapitan siya ng guwapong binata.

"I'll take you home. Mahirap maghintay ng taxi ngayon kasi rush hour."

Patago na naman siyang kinilig. Sadyang napakabait naman kasi ni Martino. Wala na nga siyang mahihiling pa. Halos nasa binata na kasi ang lahat ng katangiang hinahanap niya sa lalaki.

"Wow, thank you. Hindi na kita tatanggihan niyan."

Napangiti ng ubod-tamis ang lalaki sa narinig. Ayaw talaga nitong matanggihan ng dalaga dahil nahulog na ang loob nito sa kanya.

" Ate Tessa, I'm going na. Taxi na lang kayo ni Dorothy. Me pupuntahan pa ako."

Napatango na lang ang PA ni Martino. Alam na nito kapag me ganung pakisuyo ang binata. Kailangang ilihim nila iyon kay sir Albert.

"Okay, sige, umuwi ka ng maaga Martino. Me shoot ka pa  bukas. Batangas pa 'yon."

Saka sabay ng lumabas sina Aidelyn at Martino. Ang binata na nga ang nagbitbit ng gamit ng dalaga na sobrang nahiya sa kabaitan nito.


"ANG GANDA NAMAN dito. Madalas ka ba sa lugar na ito, Martino?"

Mangha si Aidelyn sa kanilang pinuntahan. Sa may Tagaytay iyon na ilang oras ang layo mula sa Maynila. Tanaw mula dito ang magandang Bulkang Taal at ramdam ang masarap na simoy ng hangin. Nagpaalam sa kanya ang binata na sumaglit sila doon bago siya ihatid sa kanilang bahay na agad naman niyang pinagbigyan.

"Very special ang lugar na ito sa akin. Dito ako madalas dalhin ng parents ko nung bata pa ako. Ito ang madalas kong binabalik-balikan dito."

"Hindi na ba kayo madalas magpunta dito?"

Napatingin na lang si Martino sa kanya. May panglaw sa mukha ng binata.

"Separated na ang parents ko. Nobody knows except our family... And you."

Bahagya tuloy siyang napatulala sa narinig. Hindi kasi niya nabalitaan iyon. O sadyang itinago lang ng pamilya sa lahat upang makaiwas sa eskandalo.

"It's a family secret. My father had an affair with someone. I mean, not just one but with women he met. Mommy left my dad but he begged not to take me with her. But i live all by myself now. It has to be a secret because it might ruin his political career. I still go to my mom's place which is not far from my father's so no one can tell they were separated. My mom has an abundant allowance monthly so she keeps the secret for my father's advantage. For their own advantage. People may think I have a wonderful family but it was otherwise. I was never happy half of my life."

Halos madurog na tuloy ang puso ng dalaga sa narinig. Iba ang pagkakakilala niya sa binata. Ang pagkakaalam niya ay halos perpekto ang buhay nito. Hindi nga niya alam kung bakit siya pa ang isinama nito ngayong dumaranas pa naman ito ng kalungkutan but she just have to comfort Martino in the lowest point of his life.

"Hindi rin ako nagtatagal dito. Gusto ko lang balik-balikan 'yung masasayang araw nung bata pa ako. How I wish it could go back again. Those were the happiest time of my life. Pero isang alaala na lang ngayon."

Halos mahirinan na nga siya sa narinig. Nakatalikod man si Martino sa kanya ay alam niyang naluluha ito dahil naririnig niya ang paggaralgal ng boses ng binata. Pero wala siyang magawa ng oras na iyon kundi samahan ito sa pagdadalamhati.

Saka pilit ang ngiti na humarap ang modelo sa kanya. Namumula man ang mga mata ay sumilay na naman ang ngiti sa maamo nitong mukha. Kapag guwapo ka nga naman, ang anumang pait na nararamdaman ay natatakpan ng kaaya-ayang mukhang masarap pagmasdan.

"Halika na. Baka mahawa ka pa sa emotional torture ko."

Saka hinawakan ni Martino ang kanyang kamay patungo sa mamahaling kotse nito. Mariin niya ngang tinitigan ang pagkakahawak ng binata sa kanyang kamay. Palihim niyang kinunan ng camera ng kanyang cellphone ang binatang nauunang naglakad na hawak pa ang kanyang kamay. Espesyal kasi iyon para sa kanya kung tutuusin.

Binuksan ni Martino ang kotse sa kabila at saka siya pinaupo. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagmistula siyang prinsesa. Para nga iyong isang panaginip. Dama niya ang kanyang kahalagahan nang oras na iyon. Maaaring walang kahulugan iyon para sa binata ngunit para sa kanya, ito'y isang katuparan ng pangarap na sana'y hindi na iyon matapos pa.

Pagkapasok nila kapwa sa sasakyan ay si Martino pa ang nagkabit ng kanyang passenger's seatbealt. Naamoy tuloy niya ang mabangong hiniga ng binata. Na sinadya yata nito sabay titig ng lalaki pagkalapit ng mukha sa kanya. Nahuli tuloy siya nitong titig na titig dito.

At nag-rigodon na naman ang tibok ng kanyang puso. Na sinadya pa ng binata na tagalan ang ganung posisyon kahit tapos na nga nitong ikabit ang kanyang seatbelt.

"Seat back and relax," habang tinititigan siya ng mataman, "I'll take you home."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please leave comments, vote and share. Thank you.


My Online Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon