ISA-ISANG TINAWAG ang mga koponan na kasali sa NCAA. Nasa unahan ang mga kinuha nilang muse at mga star players. Huling pumasok ang basketball team na pinangungunahan ni Tristan katabi ng muse na si Aidelyn. Nakatanggap sila ng pinakamalakas na sigawan. Walang dudang si Tristan ang pinakasikat na player ng ligang iyon. Mukhang pinaghandaan ng binata iyon dahil mas lalo itong gumuwapo at tantiyado ang mga pilyong ngiti na madalas na palihim na tumitingin sa katabing dalaga.
Kabado si Aidelyn ng oras na iyon. Pero nandoong hahawakan siya sa kamay ni Tristan upang bahagyang mawala ang kaba niya na naaappreciate naman ng dalaga.
Hanggang sa makarating ang team nila Tristan sa harapan. Lalo pang umugong ang ingay sa kanila. Walang humpay na kaway ang kanilang ginawa para sa kanilang supporters. Ganoon din si Aidelyn na iniikot ang ulo upang magbigay pugay sa mga manunuod na nandoon. Saka nagulat ng makita ang isang espesyal na bisita ng grand opening ceremony. Si Martino, na proud ding pumapalakpak para sa kanya. Halos nasa bandang harapan kasi ang sikat na modelo kasama ang iba pang matataas na panauhin ng okasyong iyon. Nginitian niya din ang binata. Kapwa sweet ang kanilang mga ngiti sa isa't-isa. Hindi iyon pansin ni Tristan noong una dahil abala ito sa kakakaway sa fans. Ngunit nang ipaling nito ang mukha kay Aidelyn, pansin nitong si Martino ang nginingitian ng una. Pinisil ng varsity player ang palad ng dalaga upang makuha ang atensyon ng babae. Nginitian ng dalaga ang varsity player na bahagyang ipinagselos ni Martino.
Isa-isang binanggit ng host ng ceremony ang mga bigating panauhing naroon. Umani ng pinakamalakas na palakpakan si Martino. Higit na malakas kesa sa palakpakang nakuha ni Tristan. Nakangiting pumalakpak din si Aidelyn para sa guwapong modelo lalo pa at hindi maampat ang tilian ng mga kababaihang naroon at isinisigaw pa ang pangalan nito. Hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Tristan. Halata sa mga mata nito ang selos sa pagitan nila Aidelyn at Martino na parehong nakangiti na naman sa isa't-isa. Bahagya mang masama ang loob, mapakla ang ngiting nakipalakpak na rin ang varsity player para sa modelo.
Matapos ang opening ceremony, biglang tumugtog ang Despacito ni Luis Fonsi. Clueless ang lahat sa kung para saan iyon. Lalo na si Aidelyn. Hindi niya namamalayan na nagsimula ng sumayaw ang mga varsity players sa kanyang paligid. The atmosphere has turned sizzling seeing hot basketball players dancing. Nagsigawan na nga ang mga taong naroon.
Lalo pang umingay ang mga tao sa loob ng stadium nang magsimula na ring sumayaw si Tristan. His moves made everyone go wild. He's a perfect dancer na bagaman halatang batak sa gym ang katawan ay malambot at maliksi itong sumayaw. Napatakip tuloy ng kanyang bibig si Aidelyn sa paghanga dito. Hindi naibigan ni Martino ang nakikita. Pakiwari ng binata, that wasn't supposed to be Tristan's moment.
Patuloy ang palakpakan ng mga naroon. Lalo pa nang tila sinusuyo ng guwapong varsity player si Aidelyn. Napipilitan na lang ngumiti ang dalaga na halatang nahihiya sa nangyayari. Sa kalayuan ay ramdam ang selos sa mga mata ni Martino. Ngunit mukhang ayaw sayangin ni Tristan ang pagkakataon. Naroong kunin niya ang kamay ni Aidelyn saka tila isinasayaw ang dalaga na halatang kinakabahan at hindi expected iyon.
Sumasabay na din ang mga taong naroroon sa pag-indak. Maging si Edina ay masaya sa nakikita. Aidelyn has the best moments of her life para sa kaibigan. Maliban sa grupo nila Klarisse na pawang naka-ismid sa moments nila Aidelyn at Tristan.
"Thank you all. Maraming salamat po sa lahat ng nakisaya." malakas na sigaw ni Tristan matapos ang sayawan at may magbigay dito ng mikropono, "Pero ngayong araw pong ito, isa po itong napaka-espesyal para sa akin. Una po dahil hudyat po ito ng pagbubukas ng ating paboritong palaro para sa mga magagaling na manlalarong estudyante sa ating bansa sa basketball, ang NCAA..."
Mataman na nakikinig lang si Aidelyn. Wala pa rin siyang alam sa mga nagyayari. Si Martino naman ay duda sa pakulong iyon ni Tristan. Ang binatang modelo man kasi ay may nakahandang sorpresa para sa dalaga. Ngunit naunahan nga lang ito ng sikat na varsity player.
"Pero higit doon, ay ang pagdalo sa okasyong ito ng babaeng pinaka-espesyal sa puso ko, si Aidelyn. Salamat at pinagbigyan ako ng supervising director natin para sa pagkakataong ito. Salamat Direk." Umani iyon ng masigabong palakpakan, saka humarap naman ito sa nabiglaanang dalaga, "At salamat Aidelyn. Pinagbigyan mo ako sa imbitasyon ko. Ang partisipasyon ko sa ligang ito ang huli kong pagsali kaya't napaka-importante sa akin ng season na ito. At ginawa mo pa itong mas importante dahil sa iyong pagdating..."
Nagsimula nang magtilian ang mga manonood. Hindi na maipinta ang mukha ni Aidelyn. Mukhang alam na niyang plinano nga ni Tristan ang lahat ng kaganapan. Ang grupo man nila Klarisse ay halatang hindi makapaniwala sa nakikita.
"Merun lang sana akong tanong para sa 'yo, sa harapan ng napakaraming tao, bilang isang tapat na lalaki gusto kong ipaalam sa 'yo ang aking hangaring ligawan ka. Maaari ba akong manligaw sa pinaka-magandang babae sa aking harapan?"
Halos matunaw sa hiya ang dalaga. lalo pa nang umalingawngaw ang mga sigaw ng mga taong naroon. Kinakabahan siyang iniikot ang paningin at nakitang tuwang-tuwa ang mga naroroon sa ginawa ni Tristan.
Nahagip ng kanyang paningin si Martino. Halata sa mukha ng guwapong modelo ang selos. He was expecting her to say her piece because he was hurtly hurting. Hindi maalis ang kanilang paningin sa isa't-isa. Para ngang nagpapasaklolo na siya dito sa sitwasyong kanyang kinasusuungan.
Napansin ni Tristan ang pagkakapako ng tingin ng dalaga. Saka sinundan ng binata ang tingin ng una na nakatuon sa kinaroroonan ni Martino. Pinutol nito ang tinginan ng dalawa sa pamamagitan ng muling pagtatanong, "Maaari ba akong umakyat ng ligaw, Aidelyn?"
Walang maisagot ang dalaga sa kabiglaanan. Para talaga siyang nasukol sa isang patibong. Hindi iyon nagustuhan ni Martino. Saka kinindatan nito ang floor director. Nagsimulang tumugtog ang sikat na awiting Boom Boom ng Momoland. Tristan was caught hanging. Nawala ang atensyonsa binata ng mga tao. Lalo pa nang nagsimulang humataw ang mga magagandang cosplayers na karamihan ay nasa palibot ng colisuem. Kabilang na si Klarisse. Hindi nito inaasahang isa lamang siya sa mga back-up dancers ni Martino. Nagmistulang isang Greek God ang guwapong modelo na napapalibutan ng mga nagseseksihang kababaihan na hataw sa pagsayaw. And the heat is on again, sumayaw na din ang binatang modelo. Kung magaling sa sayawan si Tristan, hindi naman pahuhuli si Martino. He was an ultimate oppa that day na unexpected ang excellency sa pagsasayaw. Walang patid ang tilian ng mga nanunuod sa loob ng coliseum. Halos lahat ay bukas ang cellphone at documented ang mga pangyayari.
Namangha din si Aidelyn sa nakita. Hindi niya kasi akalaing me talento din ang hinahangaang modelo sa sayawan. Bakas sa mukha ni Tristan ang pagkainis sa nakikita. Pakiwara ng binata, sinadyang gayahin iyon ni Martino upang makuha ang atensyon ni Aidelyn. It has to be his moment. At hindi dapat agawin ng iba.Sumasayaw na nilapitan ni Martino si Aidelyn. Walang nagawa si Tristan nang kunin ng modelo ang kamay ng dalaga at yayain itong sumayaw. They look perfectly good together. Animo ay walang nakapaligid sa kanilang dalawa na parehong in-enjoy ang mga sandaling iyon.Sumasayaw na nilapitan ni Martino si Aidelyn. Walang nagawa si Tristan ng kunin ng modelo ang kamay ng dalaga at yayain itong sumayaw. They look perfectly good together. Animo ay walang nakapaligid sa kanilang dalawa na parehong in-enjoy ang mga sandaling iyon.
Nakasimangot naman si Klarisse. Buong akala kasi niya ay para sa kanya ang moment na iyon. Ngunit si Aidelyn pa rin pala ang makakaagaw nito sa atensyon ni Martino.
"Wow, that Aidelyn girl is so, so lucky. I know how are you feeling right now, beshie." bulong ni Lyka sa sikat na vlogger friend.
"Gaga, of course i am not affected. I am just enjoying dancing." pagsisinungaling pa nito.
Isang masayang sigawan at palakpakan ng matapos ang kanta. Hindi na nga binitawan pa ni Martino ang kamay ni Aidelyn.
"Thank you. This day is something very special," panimula ng guwapong si Martino. Matamis ang mga ngiti nito na titig na titig kay Aidelyn, "Becuase today, withnessed by thousands of people around us, i am officially asking the most beautiful girl infront of me, Aidelyn, as i said before, babalik ako sa inyo at dadalawin kita. It's not the usual dalaw, so, maybe you're guessing something else or otherwise. But to clear things out, i am asking you, puwede ba akong dumalaw ng ligaw sa iyo?"
Malakas na nagtilian ang mga tao. Halos mulagat sila Klarisse at ang kanyang mga kaibigan sa narinig. Maging si Edina. Lalo na si Tristan. He's a great varsity player kaya't sport lamang ang binata. Iyon ang kanyang natutunan sa paglalaro. Pero hindi nito kayang pigilan ang totoong nararamdaman dahil sa kanyang kalooban, isa itong mahirap na laban. And he's not willing to give up. He's not an MVP twice for nothing.
Hindi halos makatingin ng diretso kay Martino ang dalaga, at nabaling iyon kay Tristan. Kapwa nag-usap ang mga mata nila na pawang sila lang ang nagkaintindihan. Saka napabaling na din si Martino kay Tristan dahil tila napako sa huli ang paningin ng dalaga. Para ngang tumigil ang galaw ng paligid nila at sila-sila lang ang nagkakarinigan sa pagkabog ng kanilang mga dibdib.
Saka marahang nagsalita ang kabogerang dalaga, "Everyone is welcome. Salamat sa inyong dalawa. Pinasaya n'yo kaming lahat na naririto."
Pinilit na lang mangiti ng dalawang binata. Alam nilang tama lang ang ginawa ng dalaga.
"Okay, everybody. Let's have fun." sigaw ni Tristan sa lahat saka nagsimulang tumugtog na naman ng nakakaindak na awitin. At nagsimula na uling sumayaw ang lahat.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Please leave comments, vote and share. Thank you
BINABASA MO ANG
My Online Crazy Love
Romance"I love what we heard from you, Ms De Ocampo, but I just can't go pass not asking you about one thing, have you been inloved?" Nagtawanan ang buong klase. Aidelyn was just couldn't respond. Hindi siya handa sa tanong na iyon ni Tristan. "Nagka-boyfr...