CHAPTER 29Trisha's P.O.V
"Who is she? Your new flirt partner-- Just kidding ulit hahaha!" Sabi nung Grisel.
Mukhang siya yung sabon panlaba bagay sa kaniya. Greeze tapos Grisel diba tugma pa yung apelyido? Hindi naman kasi siya yung kismong sabon siya yung mantya. Kaloka!
Napabusangot akong kumain ng footlong. Bakit hindi pa siya lumayas ano ito tambayan?!
Mukhang sumilip ng kaunti si Ranz at naglihim ng ngiti. Aba natutuwa pa siyang makipaglandian sa putang inang yan!?
"Umm... Why are you here, Grisel?" Tanong ni Ranz. Aba sige landi pa!
Napangiti si impakta. Paupuin ko na kaya? Ay wag na baka makita pa yung maitin niyang pwet. Mas malaki pa yung akin king inang yan!
"Just having dinner with my boyfriend. I'm waiting for him nga eh. Kaso he's so tagal na kaya paalis na sana ako pero nakita kita. I want to chitchat with you pa eh.." Malanding sambit niya at napairap nalang ako.
Ang landi nga naman. Pumatol ka sa boyfriend mo ulul kita mo ng may kasama nakakagago lang ano!?
"Oh... You have a boyfriend." Sabi ni Ranz. Alam mo naman palang gago ka bakit kailangan mo paring lumandi!? Naku!!
"Yes... But I can break up with him just for you Ranz. If you say so hahaha!" Malanding tawa nung mantya at hinampas ng mahina yung dibdib ni Ranz. Aba gago toh ah!?
"Excuse me for a while pupunta muna akong cr." Sabi ko at umalis doon. Nasira araw ko buset!
Hindi naman ako ganito kapag nainis ako sa isang tao. Dapat ginugulpi ko. Pero hindi ko alam kumukulo yung dugo ko kapag may iba siyang babaeng pinapansin. Gusto ko ako lang.
Nagpunta ako sa parking lot at sumakay sa likod ng parang truck naming dala.
Yung sasakyan kasi na dinala namin ay parang mini truck ang dating. Nakalimutan ko kung anong tawag.
Umupo ako sa loob buti nalang may sapin dito kaya kinumot ko sa sarili ko at tumingala.
Ano ba talagang totoong naearamdaman ko? I'm missing Grion but I'm happy when I'm with Ranz. Bakit naging kambal ata ang puso ko?
Nakita ko ang mga bituin sa langit. Gabi na at makikita mo ang mga ito. Napakarami. Napakaganda. Pwede kang mag connect the dots.
Umalis muna ako sa mini truck at naglibot sa parking lot. Uy ang ganda ng fountain!
Pumunta muna ako doon at hinawakan ang tubig. Sasamantalahin ko na wala namang mga guards eh.
"Trisha..." Isang pamilyar na boses ang nagpalingon sakin. S-Si Grion.
Niyakap ko bigla si Grion. God! I really miss this man! I really do!
Hinug niya ako pabalik. Nakakamiss siya. Ano ba kasing hinanap niya sa sarili niya?! Haay..
Hinila niya ako bigla sa parteng malilim. Nakakatakot naman....
"Trisha..." Bulong nya at napatingin ako aa kaniya at sa likod niya.
Isang table at may mga christmas light na nakapalibot dito. Wow... Wala bang nakakapansin dito?
"Natural ito sa mall. Dito ako tumatambay noon kapag nagaaway si Mom at Dad." Sabi ni Grion at napatingin ako sa kaniya.
Makikita mo ang lungkot at kirot sa emosyon niya. Nakakahawa.
"I-I'm sorry--"
"You don't have to say sorry. Hindi mo naman kasalanan na maghiwalay ang parents ko." Sabi niya at napapout ako.
Stalker nga ako dati dba? Alam kong hiwalay ang mga parents niya. At alam kong siya ang next na may ari ng mall na kinatatayuan namin.
"Honey... Ako ang dapat magsorry." Sabi niya at niyakap ako bigla.
Bakit naman siya nagsosorry? Nagsosorry ba siya dahil iniwan niya ako at nagsoul searching siya?
Bumalik na naman si Grion at mas lalo aking nalito sa feelings ko. Hindi ko alam pero gusto ko din naman si Grion pati din naman si Ranz. Ang hirap magdesisyon!!
"I'm sorry dahil nagpabulag ako. I'm sorry dahil hindi ko agad napansin. Trisha... I love you." Sabi niya.
Anak ng tokwa!! Bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganiyan ka heart!? Pwede bang isa lang!?
"G-Grion.." Humiwalay ako sa yakap niya. I feel the loved that he's giving me. Mas nararamdaman ko ang sinseridad niya ngayon.
Tatalikod muna sana ako ng yakapin niya ako mula sa likod ko.
"I know he's here. Please don't leave me. Please mahal na mahal kita." Iyak niya at ang hindi ko maintindihan ay mas nasasaktan ako dahil pinapaiyak ko ang mga taong mahal na mahal ko.
Nakita ko si Ranz sa peripheral vision ko na nagpupunas ng luha at nabitawan ang teddy bear at boquet of roses.
Ayoko ng ganitong love story. Napakakomplikado.
BINABASA MO ANG
My Gay Crush Is A Secret Cassanova (Abuico Series 2)
RomanceMy Gay Crush Is A Secret Cassanova. Trisha's P.O.V Masyado akong naguluhan nang makita kong may kahalikang babae si Ranz ang kaibigan kong bakla. Parehas naming crush si Tabtab pero crush ko din siya. Kahit bakla ang lakas ng sex appeal noh! Ang gwa...