CHAPTER 32Trisha's P.O.V
Hinatid ako ni Ranz sa amin. Magpapakilala na siya kaagad na girlfriend niya ako tapos sunod kay Tita Ria at Tito Janz- mga magulang ni Ranz.
Gusto niya na ngang officially alam ng lahat. Proud daw siya na girlfriend niya ako wahahaha!
"Uy! Ayaw mo na bang maglakad? Ayaw mo bang pumasok?" Tanong ko kay Ranz noong napatigil siya sa paglalakad.
"K-Kinakabahan ako baby. Baka kasi mamaya sumabog ulit yung tatay mo-" Napatigil siya nung pinagsalikop ko ang mga palad namin.
"Sus? Ikaw? Kakabahan kay Dad? Dati nga halos kayo ni Dale ang clown para pagaanin ang loob ni Dad." Sabi ko at tuluyan aiyang napangiti ng matamis at hinalikan ako sa cheeks.
"I am the luckiest man to have you,baby." Sabi niya at lihim akong napangiti. Kenekelg eke ene be hahaha!
"I-Ito talaga! Tara na nga." Sabi ko at hinila siya papasok.
Magkahawak kamay kaming pumasok at nakita namin si Mom na may kausap sa phone samantalang si Jeiza at Dale ay naglalaro ng Wii. Si Dad naman nakatutok sa loptop.
Nagkatinginan kami ni Ranz. Lahat busy, lahat sila may gadgets. Naku!
"Oh? Kuya Ranz? Sinagot ka na?" Tanong ni Jeiza at napangiti lang si Ranz.
"Walang forever sinasabi ko sainyo." Sabi ni Dale at binatukan ko naman siya nang makalapit ako sa kaniya.
"Bitter ka lang kasi." Sabi ko at binelatan siya binelatan niya rin ako. Kahit ganito mga isip bata pa rin talaga kami.
"What's the meaning of this?" Nakakunot na tanong ni Dad at mas hinigpitan ni Ranz ang pagkahawak niya sa kamay ko.
"Tito Tristof kami na po ng anak niyo-- Aray!" Sabi ni Ranz ng paluin siya ni Dad.
"Kapag hindi ka nagseryoso Ranzell mapapatay kita." Banta ni Dad at napangiti naman si Ranz.
"Hope you're the last one tho." Sabi ni Mom.
"But how about the sweet one. Yung nageffort ng rose dito, Trisha? I hope he will be okay." Sabi ni Mom at napakagat labi ako dahil inaalala ko ang nangyari kanina. Bakit kasi ako pa ang mas minahal ni Grion? Kung ako talaga papapiliin ng puso ko kung sino ang mamahalin ko si Grion ang pipiliin ko. Kaso mapaglaro si heart.
"By the way. Kailangan pa ba kitang iwelcome sa family, Ranz? Part ka na kasi dati pa eh hahaha! Masabi ng kay Ria." Sabi ni Mom at nagdial na sa phone niya.
"Mom naman. Hayaan mo kaming magpaalam oh!" Sabi ko at natawa lang siya.
Nagtagal pa kami ng ilang oras sa bahay namin at lumipat din banda kani Tita Ria. Actually childhood friend ni Mom sa Tita Ria kaya kapag may family reunion o ano pa yan talagang magkakasama kami nila Ranz.
"Ngayon ba yung sinasabi mong magkikita kayong magpipinsan?" Tanong ko at napatango siya.
"Sakto ngang sinagot mo ako eh." Nakangiting sambit niya at napahagikgik ako.
"Trisha! Buti dumalaw ka?" Sabi ni Tita Ria at nagbeso kami.
"Important announcement." Sabi ko kay Tita at itinaas namin ang aming kami ni Ranz na magkadikit.
Napatakip bibig si Tita at napapalakpak. Si Tito Janz naman nakangiti.
"Thank you Trisha. Akala ko talaga bakla ang anak namin. Naku thank you Trisha." Sabi ni Tita at napaubo ako at pilit na ngumiti.
Tita kung alam niyo lang na dating bakla itong anak niyo. Kaso naging lalaki lang ulit at minahal ako wahaha!
Saglit lang din kaming nagkwentuhan nila Tita Ria at may pinagusapan naman si Ranz at ang tatay niya. About business I think?
"Dadalo ka talaga sa mga pinsan mo?" Tanong ni Tita Ria. Actually sa side ni Tito Janz ang mga pinsan ni Ranz.
Bakit parang may problema sa mukha ni Tita? Ano bang ginagawa nilang magpipinsan?
"Of course Mom. I'm a grown up man now." Sabi ni Ranz at napangiti si Tita Ria.
"Ria! Gawa nga ulit tayo ng version ni Jeo, Ranz at Jia." Sabi ni Tito Janz at naglalambing kay Tita Ria.
"Gago! Ang hirap ng manganak! Jusko na stress na nga ako sa pagkakaroon na anak kay Jeo! Napakaisip bata hanggag ngayon!" Sabi ni Tita Ria at natawa naman kami.
"Aww... Menopause na kasi Da--" Agad kumaripas ng takbo si Ranz ng biglang itaas ni Tita ang kaniyang tsinelas at inihagis sa kaniya.
Ano bang meron sa kanilang magpipinsan? Nakaka confuse.
BINABASA MO ANG
My Gay Crush Is A Secret Cassanova (Abuico Series 2)
RomanceMy Gay Crush Is A Secret Cassanova. Trisha's P.O.V Masyado akong naguluhan nang makita kong may kahalikang babae si Ranz ang kaibigan kong bakla. Parehas naming crush si Tabtab pero crush ko din siya. Kahit bakla ang lakas ng sex appeal noh! Ang gwa...