Chapter 51

400 6 0
                                    


CHAPTER 51

Trisha's P.O.V

"Ako na lang ang bababa, baby. Dito ka lang. Baka mabigla si Claisy kung kasama ka." Sabi niya at tumango ako.

Hinalikan niya ang labi ko at bumaba na ng kotse. Mas mukha pa kaming mag asawa ni Ranz eh.

Hinihiling ko na sana tama ang hinala ko na ang totoong ama ng bata ay si Qian at hindi si Ranz.

Hindi ko maisip kung aning gusot ang ginawa ko. Masyado kasi akong kumpyansa na hindi niya anak iyon. Kaya pumayag akong maging kabit ni Ranz. Pero paano kung siya ang tunay na ama... Papayag parin ba akong maki apid?

Bumaba ako ng kotse at pagkababa ko ay nagulat ako ng makita si Qian sa harapan ko.

"Trisha? Long time no see. Lalo ka atang naging blooming?" Tanong niya at napakunot noo ako.

Aaminin kong lumakas ang appeal ni Qian dahil pala gym din siya. May balbas na ito na bumabagay sa kaniya.

Nakakapagtaka man dahil hindi ko siya pinakulong. Hindi ko ginawa iyon dahil naaawa ako para sa mga parents niya. Nagmamakaawa siya sa akin na huwag siyang kasuhan dahil nadala siya sa galit para sa kaniyang pinsan.

We are friend na ni Qian. Yeah mabait na siya. Imposible mang mangyari na maging magkaibigan ang rapist at muntikan ng marape pero kami angnagpatunay na posible yon.

Napalunok ako sa kaba. Baka makahalata na siya kung bakit ako nandito.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko at napailing lang siya.

"I just checked something. Ikaw?" Tanong niya at namutla naman ako.

Wala akong maisip na palusot. Oh dear!

"Ahh... Nakascore na ba si Cedrisimo?" Tanong niya at tumawa.

Binatukan ko siya at umirap. Parang boybestfriend ko siya maliban kani Jer, Olfie at Nik.

"G*go! Anong nakascore?" Tanong ko.

"Oh baka naman si Ranz ang nakascore?" Tanong niya.

"P-Paano mo n-naman nasabi?"

"Nasa loob ka ng sasakyan niya eh." Sabi nito at deep inside of me ay nababaliw na para maghanap lamang ng palusot.

Kapag nalaman niya ang ginagawa namin ni Ranz ay pwedeng maudlot ang plano. Paano kung hindi pala talaga siya ang ama ng bata? Edi akala niya may sikretong relasyon kami ni Ranz? Kahit meron nga....

"Bro? Uy bakit nandito ka?" Isang pamilyar na boses ang biglang sumalubong sakin. Si Cedrisimo.

"Hey bro... Sinong sinamahan mo dito?" Tanong ni Qian.

"A-Ako..." Nauutal na sabi ko at tinitignan ko si Ced na makiride nalang.

"Oh! Yes si Den den nga." Sabi nito at napabuga naman ako ng hangin sa ginhawa.

"Nabuntis mo na?" Tanong ni Qian at tumawa si Ced.

"Ay-- Siya nga pala una na ako. May appointment pa ako. See ya again sa kasal nila Claisy guys." Sabi jiya at tumango ako.

Kasal ni Ranz at Claisy huh? Malabo na bang mangyari ang kasal ni Trisha at Ranz?

"Why are you here all of a sudden? Nakita pa lang kita doon sa trabaho mo at kasama mo pa si Ranzell." Sabi niya.

"C-Ced please stop. Tumigil ka na sa pangliligaw mo. Ayokong may nasasaktan ng dahil sa akin sa ikatlong pagkakataon. Please." Pakiusap ko at nakita ko naman ang pagkasakit sa kaniyang mga mata.

"Den den... How will I stop? Tell me." Sabi niya.

"Just stop. I love another guy. Please stop." Sabi ko.

"Si Ranzell ba? Si Ranzell ba na ikakasal na? Kaya pala nakita ko kayong magkayakap at halikan. Dapat pala nakinig na ako noon pa man sayo. Now I'm badly hurt. But thank you, Den den for making me fall for you. Ngayon alam ko na kung ano ang feeling ng may minahal." Sabi niya at niyakap ko siya.

"Please sana ito na ang huling beses na iiyak ka ng dahil sa akin. You are important to me too, Kuya Ced." Sabi ko at napangiti ito ng pilit.

"I promise." Sabi nito at ngumiti. Umalis na siya sa harapan ko at pumasok sa kotse niya at nagdrive papaalis. Sino kayang sinamahan niya dito?

Nakita ko naman sa peripheral vision ko si Ranz na papalapit sa akin.

"A-Anong ginagawa dito?" Taning ko at biglang lumamlam ang kaniyang mga mata.

"Dinugo siya dahil sa stress. Nakita niya ang ginagawa natin noong lumabas siya." Sabi niya at napatikom ang bibig ko. Kailangan ko na kayang tapusin ito.

"Baby.... Nagpadna test na si Qian and the result is...I'm the real father of her child."

My Gay Crush Is A Secret Cassanova (Abuico Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon