CHAPTER 46Trisha's P.O.V
"Ang bongga talaga ng mga design mo bes. Ikaw na talaga." Sabi ni Judeya-- ang kasama ko sa pagdedesign ng mga damit.
Isa na akong designer at may dumadami na ring customers. Si Dale nalang daw bahala sa business wahaha!
3 months na akong nagtatrabaho at sa 3 months na iyon hindi na ako kaolan man iginambala ni Ranz. Kailangan ko na ding magmoveon for fuck' sake!
"Ayaw mo ba talaga si fafa Ced na ligawan ka?" Tanong ni Judeya.
"Ay nako! Priority ko pa rin ang trabaho ko ngayon Jud."
"Excuse me Trisha! Judeya! As in pa girl! Nakakasira naman ng image ko babaeng babae ako ngayon oh?" Sabi niya.
Oo bakla si Judeya. Kaya kapag nakikita ko si Judeya namimiss ko si Ranz. Matagal na kaming hindi nagkikita simula noong graduation. Hindi kaya pwedeng maging magkaibigan ang mag ex. Lalo na kung mahal pa nila ang isa't isa kaso hindi sila nakatadhana.
"Daen! Tignan mo oh pinapabigay ng admirer mo si Ced. Jusko sagutin mo ng bakla ka! Sayo na nga lumalapit ang grasya." Sambit ni Meini.
"Ikaw sumagot! Palit tayo!"
"Ay Trisha tayo nalag ang magpalit bet ko yan." Malanding usal ni Baklang Judeya at umiling lang ako.
"Wala ba tayong bagong costumer. Dadalo pa ako sa kumpanya eh."
"Ay Trisha bakit hindi ka nalang nagbusiness? May lahi pala kayong negosyante." Sabi ni Meini.
"Edi sana matagal ko ng kinuha yung kursong yon. Ako pa talaga tatanungin niyo. Common sense din mga bes." Sabi ko.
"Ay aray." Pangaasar ni Judeya kay Mieni at nagsabunutan ang gaga.
"Sinong bagong customer?" Sabi ko at uminom ng tubig.
"Ang alam ko Claisy ata? Yun yung nagpapatahi eh." Bigla kong naibuga ang iniinom. C-Claisy?
"Ay burara ka teh?" Sabi ni Judeya.
Sumama ang pakiramdam ko bigla. Ang ina ng mga anak ng taong mahal ko pa rin hanggang ngayon.
"P-Papasukin niyo." Sabi ko at bumuntong hininga.
"Oh! Madam ito pala si Ms. Trisha ang designer ninyo. Kilala din siya sa tawag na Ms. Balahuba-- aray joke lang! Ms. Db." Pakilala ni Judeya at iniangat ko ang aking ulo. Si Claisy nga.
"Trisha long time no see." Sabi ni Claisy at maamong ngumiti.
"Ay. Bes magkakilala pala kayo ni Madam beautiful. Upo munakayo Ma'am." Anyaya ni Meini at ngumit naman si Claisy.
Ang liit nga naman ng mundo. Makikita mo din pala ang pagiging bilog ng tiyan na. I think 5 months na ang bata.
"S-So... What are you doing here Claisy?" Tanong ko.
"I just want you to make me a gown for a wedding. Ikakasal na kasi kami ni Ranz." Nakangiting sabi nito at napalunok ako.
I feel my heart is tearing apart. Really tearing me apart. Ang sakut. Puta akala ko madali lang magmoveon!
"O-Okay... K-Kami na ang b-bahala with that." Sabi ko at ngumiti lang siya.
"Thank you dahil sayo Ranz took care of me and for our baby. Thank you." Sabi niya ay ngumiti lang ako ng pilit.
"Y-Yeah sure." Sabi ko.
"Oh kunsultahin mo nalang ako kapag ayos na ang mga kailangan ha?" Ngiti ni Claisy at tumango ako.
Hindi ko maiwasang maging bitter. Siya may biyaya ako wala. Nakamove on na kaya siya? Mahal niya pa rin ba ako?
Bigla akong lumabas para lumanghap ng sariwang hangin. I want to cry again.
"What the hell, Claisy! I know I'm the father of he child!"
"You have no evidence, Qian! Anak namin ito ni Ranz!"
"Sinungaling! Kapag nalaman kong anak ko yan. Mananagot ka."
Napatakip bibig ako aa mga narinig ko. Si Qian ba talaga ang totoong ama ng dinadala ni Claisy? Shit.... Kung ganoon, kung napatunayan na... I need to consult Ranz-- but how? He's out of the Philippines at hindi ko pwedeng i call siya at sabihing. 'Ranz hindi ikaw ang ama ng dinadala ni Claisy.' I believe na hindi siya maniniwala.
BINABASA MO ANG
My Gay Crush Is A Secret Cassanova (Abuico Series 2)
RomanceMy Gay Crush Is A Secret Cassanova. Trisha's P.O.V Masyado akong naguluhan nang makita kong may kahalikang babae si Ranz ang kaibigan kong bakla. Parehas naming crush si Tabtab pero crush ko din siya. Kahit bakla ang lakas ng sex appeal noh! Ang gwa...