Chapter 49

419 5 0
                                    


CHAPTER 49

Trisha's P.O.V

"Stop moving around, Ma'am." Ani ko dahil sinusukatan ko ang mga bisita para sa kasal nila Claisy at Ranz.

Hindi ako masasaktan dahil malaki ang kumpyansa kong mahal ako ni Ranz. I know it. Dahil araw araw niya akong dinadalaw. Hahaha!

Sinabi ko din sa kaniya ang mga narinig ko mula kay Claisy at Qian at sabi niyang hindi naman malabo ang ganoon dahil noong may mangyari sa kanila daw noon ay sila pa rin ni Qian.

Pero hanggat hindi ko pa napapatunayan ay hindi niya pa ako gaanong pinaniniwalaan. Dahil nga may nangyari sa kanila dati and kapag sinasabi ko yon at iniimagine ko nawawasak ang puso ko.

"Wow! You are such a great designer, Trisha. Ang ganda ng mga designs mo. Kaso hindi ko maififit ang waste line na ganito. Nasa loob ko kasi si baby, right honey?" Tanong ni Claisy kay Ranz.

I know he is looking at me. Mahal niya pa ako at mahal ko pa din siya yon lang ang alam ko. Hadlang lang talaga si Claisy at yung baby.

Hindi ako tumitingin sa kaniya dahil paniguradong masstress si Claisy at baka mawala pa yung bata. Aysus!

Si Ranz na lang ang susukatan ko ngayon. Ay hindi kami makakapagusap ng maayos dahil nandito si Claisy.

"K-Kailan pala ang kasal ninyo Claisy?" Tanong ko sa kaniya.

"Pagkatapos sa susunod na buwan. We are so excited na nga eh, right honey?" Sabi ni Claisy at napilitang tumango si Ranz.

Makakalbo ko talaga yang babaeng yan kung hindi lang siya buntis.

Dahil masyado akong mapanuksong babae ay may lihim na paghaplos ang ginagawa ko kay Ranz.

Para kaming mga teenager ni Ranz kapag kami lang dalawa. Nagkukulitan, nagaasaran at naglalambingan. Wala eh... Naalala ko pa nga noong sinabi niyang mahal niya ulit ako.

-Flashback-

Nandito ngayon si Ranz sa apartment na tinutuluyan ko. Minsan na lang ako umuuwi sa bahay dahil malayo ang bahay namin sa trabaho ko. Early bird catches the worm ika nga.

Kahapon lang noong may nangyari sa amin at umiwas siya noon. Sus baka mapagkamalan ko pa ang sarili kong timboy at siya nagbalik sa pagkabakla.

Nagluluto ako ngayon ng manok. Siya kasi tahimik lang eh. Nagpapakadalagang filipina.

Nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko. Napasinghap naman ako sa ginawa niyang iyon. God! I miss being like this!

"Dito ka magsstay? Kinakausap kita kanina kung ayaw mo iyong proposal ko sayo na maging kabit mo lang--"

"I love you." Sabi niya at napalunok ako. Bigla atang nanlambot ang mga tuhod ko.

Gusto kong maiyak sa tuwa. Na akala ko wala ng pagaasa. Akala ko minahal na niya si Claisy.

"Oo, alam kong kahit gusto mo lang ng kalaro sa kama, Trisha. Okay na ako doon. Mahal parin kasi kita--"

"Ginag*go mo ba ako? N-Noong araw ng graduation ay sinabi ko lang iyon dahil magkakaanak ka na. Nagsawa ako na laging nagiging sharing, Ranz. Ngayon ko lang narealize na dapat hindi ipinamimigay ang iyo." Sabi ko at humarap ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha niya.

"Mahal din kita, Ranz." Sabi ko.

"I thought you don't love me. I'm so happy baby... Really happy..." Sabi niya at napangiti akong hinalikan ang noo niya.

--

"May kutob nga akong hindi ikaw ang ama ng dinadala ni Claisy dahil narinig ko ang paguusap nila Qian at Claisy. Na baka si Qian ang nakatira kay Claisy." Sabi ko

"Pero... Bakit kabit ang inoofer mo sa akin? Kaya ko siyang hiwalayan para lang sayo dahil hindi ko naman pala anak--"

"Wala pa akong proweba, Ranz. For now, I will stay as your mistress. Kung anak mo siya-- you can't just cancel your wedding. Pero kung hindi... Maybe we can be free again for loving ourselves." Sabi ko at nilaro laro niya ang aming mga palad.

"P-Pero ayoko ng ganoon ka sakin. Gusto kong ikaw ang maging asawa ko. Gusto ko ikaw lang at ayokong maging kabit ka."

"We can't do anything about it, Ranz. Naipit na tayo dito eh. Martyr man kung martyr pero hindinkita bibitawan kasi mahirap kang hindi mahalin eh." Sabi ko at niyakap niya ako.

"Mas lalo ata akong nainlove sayo, baby." Sabi niya at natawa ako.

-end of flashback-

"Wait lang guys. May tatawagan lang ako. By the way ingatan mo yung bag ko diyan honey ah?" Sabi ni Claisy at umalis dala ang phone niya.

Nabigla ako ng yakapin niya ako at halikan sa leeg.

"U-Uy ano ba! Nasa trabaho ako oh?"

"Naaakit ako sa ginagawa mo eh." May pagnanasang sabi nito at natawa naman ako.

"Malibog kalang talaga." Sabi ko at napasimangot siya.

"Kumuha ka ng sample sa bag niya." Utos ko at tumang siya atsaka kumuha ng gamit ni Claisy.

Para kaming mga detective. Kapag kasi bigla nalang akong nanghingi kay Claisy ng pwedeng ipang sample ay baka magtaka siya sa ikikilos ko.

Nang maibulsa ko na ay bigla kaming nakarinig ng boses.

"Anong ginagawa niyo?"

My Gay Crush Is A Secret Cassanova (Abuico Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon