Chapter 53

513 8 0
                                    


CHAPTER 53

Trisha's P.O.V

"Bonjour Madam Db." Bati ni Meini sa akin.

Nang ibang bansa muna ako for 3 weeks dahil may kliyente ako sa France. Para narin makapagmove on.

Balita ko nga ay ikakasal na bukas si Clasiy and the guy from my past. Ang nakakaloka pa ay isa pala akong mahalagang bisita sa kasal.

Wala sana akong balak na pumunta dahil alam kong masasaktan lang ako. Ano pa bang magagawa ko?

"Madam wala kang nabinggit na pogi? Share mo naman samin!" Sabi ni Judeya at natawa naman ako.

"Please Madam Db?" Pakiusap nila.

Yeah right. Kilala ako bilang popular na designer sa Macau, Spain at France. Ang tawag sa akin ay Madam Db or Ms. Db dahil Daen Belle means beautiful sa isang lengguwaheng hindi ko masyadong natandaan.

"Madam naman! Ang damot mo talaga!" Sabi ni Judeyang malandi at natawa ulit ako.

"Wala doon. Makakahanap naman kayo dito--"

"Wag ka ngang manginis Madam! Binigay mo sana number namin sa kanila." Tampo ni Meini at umirap lang ako sa kalandian nilang dalawa.

Sa totoo lang... Hindi pa ako nakamove on kay Ranz. Masakit pa rin talaga eh. Wala naman akong magagawa.

Hindi ko alam kung paano ako haharap kapag nagsalitaan na sila ng I do. Sila tears of joy ako tears of envy.

"Ano deretso work ka pa ba?" Tanong ni Meini at tumango ako.

"Bakit? Sa tingin niyo ba saan ako magtatrabaho?" Tanong ko at umiling lang sila.

Pinauna ko na si Meini at Jud at nagkape muna ako. I miss the coffee here. Ay wow parang ilang taon akong nangibang bansa ano?

Habang nagtatrabaho ako at nagssketch ng mga gowns para ibenta sa kumpanya sa France ay bigla akong napadako ang tingin ko sa paligid.

Magulo, maingay at misteryoso ang bawat tao dito. Baka makahanap ako ng idea sa mga ganitong bagay.

Napadako ang tingin ko sa isang kalapit na upuan at nakita ko naman ang masayang usapan ni Ranz at Claisy sa bandang sulok. Wow... They are look like a happy family.

Umalis ako doon para huwag masaksihan ang mga nagyayari. Masakit. Nakakapanghina.

---

"Ma'am huwag po kayong malikot minimakeupan ko po kayo." Sabi nung babaeng nagmemake up sa akin.

"Sabi ko naman po kasi kaya ko na ang sarili kong magmakeup." Sabi ko at mapilit pa rin aiyang minemakeupan ako kaya mas naglikot ako at ng nainis ko ata siya ay bigla kong inagaw ang makeup kut na hawak niya at minakeupan ko ang sarili kong mukha.

Kahit napakasakit para mamaya. Titiisin ko. Napakatanga ko kasi eh. Hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin.

Napanganga nalang siya ngmakita ang magandang make up ko. Psh. Sabi ng ako na ang magmake up eh.

Nagulat talaga ako dahil parang lumaki ang gown ko. Mukha na akong bride.

"Nasaan na pala yung bride?" Tanong ko sa mga stylist na hinire ni Claisy.

Nagtitigan sila at tinuro ang kabilang kwarto.

Bibisitahin ko sana si Claisy-- Wala eh mabait na ako hindi na ako yung short tempered na Trisha. Kaunti lang pala.

Pagkabukas ko ay wala namang katao tao. Huh?

Nakakita ako ng sulat at galing daw kay Claisy.

"Hey, Trisha. Nauna na ako. Nandiyan yung sasakyan ko na isa susunduin ka nalang. May kailangan pa kasi akong gawin daw na preparations sa katawan para sa bride. Thank you for making me realize what is being in love, Trisha. I want to be friends with you.. Sana. Goodluck sana ^_^"

Claisy

Nagtaka naman akong tinignan iyon. Anong trip niyang iwanan ako?

Umalis na ako sa kwarto niya at pumunta sa kotseng sinasabi niya.

Bakit kinakabahan ako? Bakit parang feeling ko maiiyak ako ng bongga?

Pagkarating ko ay biglang nagsiayos ang mga tao. Eh? Abay lang din naman ako eh.

Nagulat ako ng pagkababa ko ay binalutan ako ng belo na pangkasal at nakita ko si Mom at Dad sa gilid ko.

Napalunok ako. Anong kaganapan ito? Bakit nandito ang buong angkan ko?

"I'm so proud of you, Trisha... Dati naaalala ko pa ako pa ang nagpapalit ng lampin mo." Sabi ni Mom at naiiyak iyak pa.

"T-Teka Mom ano ito?" Tanong ko at ngumiti sila ni Dad.

Biglang bumukas ang pinto at nagulat ako ng makita ko si Ranz sa harap ng altar.

Now I've realize that.... I'm his bride and he is my groom. Ikinakasal ako sa lalaking mahal ko sa harap ng Panginoon. Geez...

My Gay Crush Is A Secret Cassanova (Abuico Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon