Chapter 1

22.4K 236 4
                                    

Jaysel's POV

Napapadalas na ang pagpunta namin sa bar ng mga kaibigan ko. Kung dati isang beses lang sa isang linggo ngayon tatlong beses na sa isang linggo. Nandito kami ngayon sa isa sa mga paborito naming bar, dito kami pumupunta kapag gusto lang naming magrelax, chill chill lang kumbaga. Maganda dito dahil konti lang ang taong pumupunta, umorder lang kami ng isang bucket ng red horse.

Tatlo lang kaming magkakasama ngayon, busy kasi yung tatlo sa lovelife nila tapos yung tatlo naman sila iyong anghel sa grupo namin. Bale 9 kami lahat, pag ganitong mga trip kaming 6 ang magkakasundo dahil iyong tatlo bantay sarado ng magulang nila.

Hindi ko rin inakala na kahit ganito kami, hindi namin napapabayaan ang pag-aaral namin.

Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila na lilipat na ako ng school next sem.

Humithit muna ako ng yosi saka nagsalita.

Ahm.. Lex, Trish.. may gusto sana akong sabihin sa inyo..

Panimula ko, nagyoyosi pa rin si Lex samantalang si Trish naman tumigil sandali.. Hinihintay lang nila ang susunod kong sasabihin.

Ahm.. guys, lilipat na ako ng school next sem..

a..ano? bakit jay?.. gulat na tanong ni trish.

Tss!  tanga ka ba jay? next school year third year na tayo. bakit ka pa lilipat? medyo naiinis na sabi ni lex at naghithit ulit ng yosi niya.

Kasi si mama gusto niyang sa school na namin ako mag-aral mas maganda daw na doon na lang ako.

Pumayag ka naman?   Trish

Wala namang magagawa yan eh. Kilala naman natin si Tita, kung anong gusto niya yun ang nasusunod.   Lex

Tss! Kilalang kilala niyo nga siya. Kesa naman sa tumigil ako sa pag-aaral noh. Di lilipat na lang ako sa school namin.

Tss! Si Jay the badgirl takot sa nanay niya. hahahaha!  si trish tapos sabay silang tumawa ni lex.

Yung isang bucket kanina nadagdagan pa ng dalawa. Medyo natamaan na kaming tatlo.

Nagtaxi kami pauwi sa condo ko kasi ito ang pinakamalapit sa city.

Sa condo

Si lex ang laging nahihiwalay samin pag ganitong tulugan na. Ayaw niya kasing may katabi dahil magulo ito matulog kaya dun siya natutulog sa sofa. Samantalang kaming dalawa ni Trish ang laging magkatabi sa kama.

Hindi naman siya naiilang kahit na alam na niya/nilang lesbian ako. Kahit ako okay lang, dahil alam ko namang friends lang talaga ang tingin ko sa kanilang lahat.

Bale dalawa kaming lesbian sa grupo, si Dan yung isa, siya kasi lalaking lalaki na.. Ako, hindi ko naman kelangang magdamit ng panlalake or what so ever para masabing lesbian ako. Pagirl ako. Hahaha

Tulog na tulog na si Lex sa sofa. Rinig na kasi namin ni Trish yung malalim na paghinga niya.

Jaysel, bakit ka ba nila binansagang bad girl?  Ang cool mo kaya. hahaha!

Alam ko na kung bakit.. Una, dahil mabisyo ka. pangalawa, hindi ka nag-aaral ng mabuti. pangatlo, ahm.. pati mga Instructors natin kinakalaban mo.. pero infairness naman sayo wala kang bagsak. Taray! hahaha.. Lagi mo ring binubully yung grupo nila Mae.. Ikaw lagi ang nag-uumpisa ng mga kalokohan..

Pero alam mo Jay, natutuwa ako sa'yo dahil hanggang ngayon wala ka paring girlfriend. hahaha!  Kailan ka ba magseseryoso?

Hahaha! ganun na ba talaga ako kasama trish? ganito talaga ako eh. Alam niyo namang saka lang ako mag yoyosi kapag nasa bar tayo or sobrang stress ako. Hindi naman araw-araw iyon. Masaya namang M.U lang ang buhay pag-ibig ko. Kung nagsawa kana di walang problema, iwan mo na lang siya. No string attach ganun ang gusto ko.

Seryoso naman ako ehh. Marami rin akong gustong gawin sa buhay, marami akong gustong patunayan trish. Lalo na sa mama ko, alam mo iyan.

Iyon naman pala Jay eh. Ilang araw na lang pala sembreak na.. Mamimiss kita bad girl. Wag ka na kasing lumipat.

Ang OA mo. Magkalapit lang naman ang school natin eh. Magkikita pa naman tayo. Basta text text na lang. Tulog na tayo monkey. Baka magdrama ka pa ulit. hahaha! goodnight.

Tse! Chicken ka! goodnight too.

Sasagot pa sana ako sa kanya kaso naisip ko hahaba nanaman ang usapan namin. Si Trish ang pinakaclose ko sa kanilang lahat. Ewan ko ba basta nagkakasundo kami sa lahat ng bagay.

Ilang araw na lang pala sembreak na. Exam na rin pala namin sa Thursday at Friday.. Shems.. tuesday na pala bukas. Tigil muna kami sa pag-iinom at mag-aaral muna kaming mabuti.

--

AN: Dahil iyong unang kwento ay nadelete, hindi ko naman sinasadya. Kaya ito gumawa ako ng bago.
Sana magustuhan niyo. Suportahan niyo na rin po. Salamat! :)

The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon