015

302 27 86
                                    

YOONI

"Saan nga kasi 'yon?"

Napakamot na lang uli ako sa ulo ko at saka napabuntong-hininga. Hay, buhay. Parang life.

Ilang oras na akong nag-iikot dito sa school pero hindi ko pa rin mahanap 'yung room ng Student Council.

Kabog 'di ba? Pinapunta ako sa isang lugar tapos hindi naman sinabi sa akin kung saan ang lokasyon no'n.

Buti na lang at malakas ang guardian angel ko sa likod kung hindi...naku! Kung hindi lang talaga, malamang kanina ko pa tinuwad 'tong buong school para mahanap ko na 'yung letseng room na 'yun. Huhubells.

Pero s'yempre charot lang ang lahat. Hindi naman ako kasing lakas ni Hulk para ituwad ang buong school. Whoo, power!

"Kairita."

Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng boses sa isang tabi. Napalingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko pa rin makita kung kanino ba 'yung boses na narinig ko kanina.

Hala, totoo ba 'yung mga kumakalat na balitang may multo rito?!

"Tanga, nandito ako sa harap mo."

Muntik nang lumabas 'yung puso ko mula sa dibdib ko (kung meron man ako) dahil sa biglang pagsulpot ng isang lalaki sa harap ko. Wow, magic.

"Jusko naman, Kuya!" Gulat na gulat na sabi ko. "Ano bang trip mo at nananakot ka?"

"Hindi ko na kasalanan kung natakot ka." Sabi niya sabay ngisi.

Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. Tss, gaganun-ganun pa, mamamatay rin naman. Charot lang.

"Bigla ka na lang kasing nagsasalita d'yan. Hindi mo ba alam na nakakatakot sa lugar na 'to?" Pagrereklamo ko sa kanya.

"E, ikaw? Bakit ka ba kasi nandito? Bihira lang ang mga nakakapunta rito." Sabi naman niya.

"Teka, nasaan na ba ako?"

"Sabi na e, naliligaw ka." Ngumiti siya. "Alam mo bang nandito ka na sa old building?"

Napakunot naman ang noo ko. "Huh? Old building?"

Umubo naman siya bigla at pagkatapos no'n ay inayos niya ang tie ng uniform niya. "Itinatag ito noong taong 1969 at inihango sa pangalan ni Budots. Ngunit naging old building ang pangalan nito dahil advance mag-isip ang mga tao at hindi malakas ang guardian angel sa likod ni Budots. Kaya ayun. Wala na, finish na."

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa ginawa niya. Tatawa ba ako o papalakpakan siya dahil sa kakornihang ginawa niya?

"Tawa naman diyan. Para hindi ako mapahiya."

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon