YOONI
"Yooni!"
Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa likod ko. Nakita ko si Minn na tumatakbo papunta sa akin habang may malawak na ngiti. Napangiti na lang rin ako unconsciously.
Wow, Minn is a legit representation of a human vitamin.
"Saan ka pupunta? Papasok ka na sa classroom mo?" Tanong niya agad pagkalapit niya sa akin. May nga hawak-hawak pa siyang mga papeles na mukhang nature niya na dahil isa siyang student council president.
Hurt the student council president.
Shit. 'Yung mission pa nga pala.
"Yoohoo, Yooni?" Kinawayan niya pa ako dahil hindi agad ako naka-response sa tanong niya. Natauhan naman ako kaya agad kong sinagot ang tanong niya.
"Ah, oo. Papasok na ako."
Tumango naman siya. "Pwedeng favor?" At ngumiti siya ng malawak sa akin. Tumango naman ako as a sign of agreement.
"Pwedeng patulong dito sa mga papeles na 'to. May mga daraanan pa kasi akong papel kaya baka hindi makayanan ng powers ko."
"Oo naman." Kinuha ko sa kanya 'yung mga papeles niya at nag-thank you naman siya sa akin.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa room ng student council. Pero bago kami tumuloy ay may kinuha munang iba pang papeles si Minn sa isang room na nadaanan namin. Pagkatapos no'n ay tumuloy na kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang room ng student council.
Binaba ko 'yung mga papeles na pinahawak niya sa akin sa table niya. Magpapaalam na sana ako sa kanya pero bigla na lang siyang nagsalita.
"Nahulog ka na ba?"
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Inisip ko 'yung mga moments na nahulog ako. Teka...saan-saan ba 'yon? Nahulog na ako sa hagdan, sa upuan at sa kung saan-saan pa.
"I mean, hindi literal na mahulog." Napalingon ako sa kanya. "Ang ibig sabihin ko ay, naranasan mo na bang mahulog ka sa ibang tao. Ma-inlove, ganun."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Ako...ma-inlove?
"Hindi. Hindi ko alam 'yung feeling, e." Unsure na sagot ko. "Teka, bakit mo nga pala natatanong?"
Hindi agad siya nakasagot sa tanong. Kinutuban naman ako dahil sa biglaan niyang paghinto. Mapang-asar ko siyang tiningnan. Aba, aba. I smell something fishy.
"A-ah, w-wala lang!" Utal-utal siyang sumagot. "S-survey...oo! Survey lang!"
Napatawa na lang ako dahil sa reaksyon niya. May pa-survey pa siyang nalalaman. Halata namang iba ang pakay niya doon sa tanong niya.
"Sige na nga, Yooni! Pwede ka nang umalis!" Namumula ang mukha niya habang sinasabi niya sa akin 'yon. Hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa.
"Oo na, aalis na ako!" Nginisihan ko siya. "Goodluck diyan sa 'survey' mo!"
Akmang sasagot pa siya kaya lumabas na agad ako. Pero may nakalimutan akong sabihin sa kanya kaya dumungaw ako saglit sa may pinto.
"No need to find the answers. Ikaw lang ang makakasagot niyan."

BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Mystère / Thriller❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...