JIN
"Hyen, pumasan ka sa likod ko." Utos ko sa kanya. Napataas naman ang kilay niya.
"Why would I? Kaya ko namang tumakbo." Mataray na pagkakasabi niya.
I mentally face palmed. Kahit kailan talaga 'tong si Hyen sa akin. Kanina lang ay napakadaldal at bait niya pero ngayong ako ang kausap niya ay napakataray niya. Pasalamat nga siya at hinila ko siya kanina, e.
"Oh, ano na? Hindi pa ba tayo tatakbo? Nandyan na 'yung mga humahabol sa atin." She said in a matter of fact tone. Narinig ko na nga ang mga yabag nung mga lalaking naka-black na humahabol sa amin.
Dahil no choice na ako ay binuhat ko si Hyen ng pa-bridal style kahit wala pa akong nakukuhang approval sa kanya. Bahala na siya, hehehe.
"Hey, anong ginagawa mo?! Are you out of your mind, Jin?!" Reklamo niya ngunit napatawa na lang ako. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Nang may nakita akong isang bakanteng kwarto ay pumunta ako roon at saka pumasok. Ibinaba ko na si Hyen at saka isinara 'yung pinto.
"Bwisit ka, Jin! Natakot ako! Sobrang bilis mo tumakbo!" Pabulong na sigaw ni Hyen. Mabuti na lang at medyo maliwanag dito sa napasukan naming kwarto kahit na hindi nakabukas ang ilaw. Sasagot pa sana ako ngunit bigla na lang akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib.
Tangina, 'wag muna ngayon.
"Hoy, Jin! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Hyen. Gusto ko siyang sagutin pero hindi na talaga ako makahinga.
Napaluhod ako dahil sa paninikip ng dibdib ko. Nilapitan ako ni Hyen.
"Jin, ano bang nangyayari?!" Mangiyak-ngiyak na si Hyen habang tinatanong niya sa akin 'yon. Tiningnan ko siya ngunit nanlalabo na ang paningin ko.
Hyen, gusto kita.
And then everything went black.
✦✦✦
LINT
"Okay ka lang ba, Minn? Kaya mo pa?" Tumango siya. Muli ko siyang pinasan at nagsimula na uli kaming maglakad. Mabuti na lang at nakalayo na kami mula roon sa mga lalaking naka-black. Kaso ay natapilok si Minn kaya naman nahirapan na siyang maglakad. Napagdesisyunan kong ipasan na siya at nagulat naman ako nung nag-agree siya."Sorry, Lint..." Sabi ni Minn sa gitna ng paglalakad namin. "Sorry kung naging sarado ang isip ko at hindi ko kayo inintindi. I'm sorry."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"You don't have to say sorry, Minn. Wala kang kasalanan." I assured her.
"Lint?"
"Hmm?"
"Kapag nakalabas tayo rito, can you please still stay by my side?" She asked.
"Oo naman. Kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko ang bagay na 'yan."
"Thank you, Lint."
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarinig kami ng putok ng baril.
✦✦✦
BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Mystery / Thriller❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...