032

193 18 34
                                        

M I S S I O N:

Save Hoon Park.

✦ ✦ ✦

YOONI

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak pa rin ng mahigpit sa phone ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam ang susunod na gagawin ko.

Hindi maaari...si Hoon...

Nasa panganib si Hoon!

"Huy, Yooni! Saan ka pupunta?!"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Kyuni at nagpatuloy na sa pagtakbo palabas ng room. I don't mind skipping classes because I have a friend to save. Hindi ko alam kung friend rin ba ang turing sa akin ni Hoon pero basta! Siya lang naman ang nakakausap ko rito sa school bukod kay Kyuni na minsan ay kasa-kasama ko.

Napahinto naman ako sa kalagitnaan ng pagtakbo ko. Teka, saan nga ba ako pupunta? Paano ko ililigtas si Hoon kung hindi ko alam kung nasaan siya? Kainis naman! Kapag talaga nalaman ko kung sino ang creator nitong Glitch, talagang sisipain ko siya!

"Miss Choi, what do you think you're doing?"

Tatakbo na sana uli ako pero bigla akong natigilan dahil sa biglaang paglitaw ni Mister Dracula, ang adviser ko.

Oh my God, why so malas naman?!

"H-hi, Sir!" Ngumiti naman ako ng pilit. "Hehehe..."

"At saan naman ang lakad mo, Miss Choi?" Tinasaan niya ako ng kilay. "Bakit parang nagmamadali ka?"

I sighed secretly. Punyeta this naman, oh.

"A-ah, ano po..." Napakagat ako sa labi ko. "Kagagaling ko lang po sa CR kaya ayun..."

"Pero sa pagkakaalam ko ay doon sa kabilang direksyon ang CR." Sabay turo niya sa may kanan.

"Transferee pa lang naman po ako, 'di ba? Kaya medyo naliligaw-ligaw pa ako." Dere-deretso kong sabi.

Napataas namang muli ang kilay niya na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Napangiti ako ng malawak para hindi na siya maghinala pa. Maya-maya lang ay tumango siya.

"Sige na, bumalik ka na sa room. Baka mahuli ka pa sa klase mo."

Tumango naman ako at saka ngumiti. Nag-bow muna ako bago ako naglakad papunta sa room. Nilingon ko si Sir kung nakaalis na ba siya but it turns out na pinapanood niya pala ako habang naglalakad ako palayo.

I heaved a deep sigh. Asar naman. Paano 'yung mission ko? Paano na...si Hoon?

Magkasabay pa kaming pumasok sa room ang teacher ko para sa first subject. Buti na lang at hindi ako late dahil gusto kong maging clean ang record ko dito sa Spinnton. Pero mukhang hindi ko ata magagawa 'yon.

Umupo na ako sa upuan ko which is sa tabi ni Kyuni. As expected, agad niya akong ni-bomba ng mga tanong.

"Huy, saan ka ba galing? I thought magcu-cutting classes ka." Napailing naman siya. "You're very difficult to read talaga."

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon