053

120 15 17
                                    

8:58 pm

Niel Kang
• active now

Senn:
NIEEEELLLLL!!!1!!1!!!

Senn:
Omg, ikaw pala 'yan! Bakit ba ngayon lang kita napansin!

Niel is typing...

Senn:
Kung hindi mo pa ako in-approach kanina e 'di hindi kita makikilala.

Niel:
Sus, ang sabihin mo lang hindi mo ko maalala!

Senn:
Oy, hindi 'yan totoo, ha! Sadyang ang laki lang ng pinagbago mo kaya talagang hindi kita nakilala. Pati nga si Hyen hindi ka nakilala.

Niel:
Paano ako makikilala ni Hyen e laging nakaharap 'yon sa mga libro niya?

Niel:
Simula pagkabata hanggang ngayon wala namang pagbabago.

Senn:
Pero ang laki kasi talaga nung pinagbago mo. Dati ang iyakin mo nung mga bata tayo. Tapos mukha kang patpatin. Ngayon ibang level na ang katawan mo, ah!

Senn:
Tapos ang wide na ng iyong shoulders!

Senn:
Yezzzzz naman! May girlfriend ka na, 'no?

Niel:
Wala pa kaya, hahaha.

Senn:
Arte mo, ha! Anong wala pa?

Niel:
Talagang wala, e. Anong magagawa ko?

Senn:
oMG?!!!!!!!

Senn:
Siguro kaya wala ka pang girlfriend dahil boyfriend ang hanap mo?!

Senn:
oMG SAYANG ANG LOOKS MO NIEL KANG

Niel:
Wala ka pa ring pinagbago, baliw ka pa rin.

Niel:
May hinihintay pa kasi ako na bumalik at dumating uli sa buhay ko.

Senn:
Sino ba 'yang hinihintay mo? 'Wag mo na siyang hintayin! Baka dahil sa kanya maging zero ang lovelife mo.

Niel:
Tama naman, bakit ko pa siya hihintayin?

Niel:
Dumating na siya, e. Bumalik na siya uli sa buhay ko.


---

✦ credits to the owner of the picture.

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon