[ after a week ]
YOONI
Huminga ako ng malalim at saka napahawak ng mahigpit sa hawak kong bulaklak. Kinagat ko ang ibabang parte ng aking labi. Pinilit kong ikalma ang sarili ko.You can do it, Yooni.
Dahan-dahan akong lumapit sa lapida niya at saka lumuhod. Hinawi ko ang alikabok na nasa kanyang lapida at dahil doon ay mas lalong naging malinaw ang pangalan na nakalagay.
I don't know but my heart is hurting. That's the reason why I can't come here. I can't handle my feelings very well.
Inilapag ko ang bulaklak na hawak ko sa ibabaw ng lapida. Napangiti ako ng bahagya nang maisip ko na nasa mapayapang lugar na siya. Hindi na siya maghihirap. Hindi na niya kailangan ikulong ang sarili niya sa kulungan na ini-set niya para sa sarili niya.
Naramdaman ko namang may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako roon.
"Don't worry, Yooni." Ngumiti siya. "He's now in a peaceful place."
"I know, I know." Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod ko.
"Oh, ano? Tuloy na ba tayo sa hospital?" Tumango naman ako. "Hinihintay na nila tayo roon."
He offered his hand to me. Imbis na kunin iyon ay in-apiran ko lamang iyon dahilan para mapa-pout siya. Napangiti na lamang ako at saka umangkla sa braso niya.
"Tara na nga." Sabi ko at saka hinila si Hoon papunta sa kotse niya.
✦✦✦
"Nand'yan na pala 'yung mag-jowa!"'Yan ang salubong sa amin ni Sewoo pagkapasok pa lang namin ni Hoon sa loob ng kwarto ni Niel. Pabiro ko naman siyang inirapan and he just stucked out his tongue.
"'Di pa mag-jowa 'yan! Hindi pa nga tuli si Hoon, e!" Binatukan naman ni Hoon si Hwan dahil doon.
Umupo na kami ni Hoon sa bakanteng upuan na nakita namin. Napalibot ang tingin ko. Grabe, ang dami pala namin. Punong-puno na itong kwarto ni Niel, e.
"Kamusta naman 'yung pinuntahan mo, Yooni?" Mahinahong tanong ni Chaennie.
Ngumiti ako. "Ayos lang naman. I just offered some prayers at umalis na rin ako kaagad." Napatango naman sila dahil sa naging sagot ko.
"Everything feels so surreal pa rin talaga." Sabi ni Kyuni. Dahil sa sinabi niya ay nabalot kami ng katahimikan.
"Natahimik kayo? Hindi niyo kasi alam ang ibig sabihin ng surreal, 'no?" Pambabasag ni Jiss sa katahimikan at nagtawanan kami. This is what I love in our squad. They can still lighten up the atmosphere through their jokes.
"Pero seryoso, ang bilis ng mga pangyayari..." Sabi ni Hyun. "Biruin mo 'yon, nalagpasan natin ang lahat ng 'yon kahit na may nga problemang sumubok sa atin."
"And who would have thought na Mr. Principal will kill himself?" Napa-sign of the cross si Woonly. "Sana lang ay mapayapa na siya kung nasaan man siya ngayon."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan.
Marami na ang nangyari sa nakalipas na isang linggo. Nakulong si Mr. Principal or should I say, Mr. Arthuro Millenius. Ngunit bigla na lang namin nabalitaan na siya'y nagpakamatay. Na-realize din namin na patawarin na siya sa lahat ng nagawa niya. Kaya naman kanina ay nagpasama ako kay Hoon na bisitahin ang kanyang libingan. We should learn to forgive other people. In that way, we can move forward to the next chapter of our life.
BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Mistero / Thriller❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...