048

125 14 5
                                    

YOONI

"Kuya, sorry po!" Paghingi ko ng tawad doon sa driver ng taxi na muntik na akong masagasaan. Mabuti na lang at nakapag-preno agad siya, kung hindi ay goodbye earth na ako.

Agad akong nagtatakbo patungo roon sa Cloeve Street na tinutukoy ni Kyuni. Buti na lang ay malapit lang 'yon mula sa hospital.

Habang tumatakbo ay hindi ko mapigilang mapahawak sa magkabila kong braso dahil sa pagtayo ng mga balahibo ko. Napakalamig sa street na 'to at ang dilim-dilim kumpara sa ibang street. Para kang pumapasok sa isang tunnel na walang katao-tao.

Isinawalang-bahala ko na lamang ito at saka nagpatuloy sa pagtakbo. Kahit anino ni Kyuni ay hindi ko pa rin matagpuan. Napakatahimik pa rin. Rinig na rinig ko ang mga yapak ko na nag-e-echo sa bawat sulok ng daan.

"Aaaahhhh!"

Napatigil ako sa pagtakbo nang makarinig ako ng isang pagsigaw. I immediately figured out kung saan nanggaling 'yon kaya naman tumakbo ako sa direksyon kung saan ko narinig 'yung sigaw.

Nang matanaw ko ang mga anino mula sa malayo, mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil nag-aalala ako kung ano na ang nangyayari kay Kyuni.

Pero nang marating ko iyon, nabigla ako sa nakita ko.

May isang lalaking nakahiga na sa sahig at mukha itong nabugbog. Iyon siguro ang lalaking sumusunod kay Kyuni. Ngunit hindi lang 'yon.

Naroroon si Young at inaalalayan niya si Kyuni.


***

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon