069

101 13 26
                                        

YOONI

"Yooni...gising na..."

"Yooni, nasaan ka na ba?! Damn, I'm worried!"

"Yooni, kapit lang..."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit kadiliman lamang ang sumalubong sa akin. Teka...nasaan ba ako?

Sinubukan kong hawakan ang aking ulo ngunit laking gulat ko na lang nang malaman kong nakatali ang mga kamay at paa ko.

Pakshet! The last thing na natatandaan ko ay noong nandoon kami ni Lint sa student council room. Tapos ay bigla na lamang nawalan ng kuryente and then bigla na lang akong nahimatay. Bigla ko namang naramdaman ang sakit ko sa likod. Siguro ay may humampas sa akin noon sa student council room kaya ako nahimatay.

Pero...nasaan ba ako?

"H-hello? May tao ba d'yan?" Dahan-dahan kong tanong.

"H-hey..."

Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ko ang isang tinig na nagmumula sa isang sulok ng kwartong kinalalagyan ko.


HINDI AKO NAG-IISA!

"Hello?!" Muli kong sabi.

"Hey..."

"Ako nga pala si Yooni." Pagpapakilala ko muna. "May I know kung anong lugar 'to? This is kinda...creepy." I scanned the place at puro kadiliman talaga ang sumasakop sa silid na ito.

"This is our destiny." Dinig kong sabi niya. "By the way, I'm Jungris. At isang taon na akong nakakulong dito."

"WHAT?!"

Kung hindi lang siguro nakatali ang kamay ko, malamang ay naipantakip ko na ito sa bibig ko dahil sa gulat. I'm so shocked. What the fudge?! Nakayanan niya 'to? Being with this place for one year at wala pang kasamang iba must be...lonely.

Narinig ko siyang tumawa. "It's not a new thing for me tho." Sabi niya. "But it's the first time na may dinala sila ritong bihag bukod sa akin."

"W-wait..." Shocked kong sabi. "B-bihag? So it means we are are kidnapped?!"

"Well, yeah. Sort of." Kalmado niyang sagot sa akin. How can she stay so calm despite our situation?

"Why?! Hindi naman ako mayaman. Sigurado naman akong hindi ako anak ng isang milyonaryo!" Reklamo ko. Wala naman akong natatandaan na pinagkakautangan ko. Wala rin naman akong natatandaan na ginawan ko ng kasalanan. Jusko, bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?!

"Are you a player?" Bigla akong tinamaan ng kaba noong narinig ko ang tinanong niyang iyon. Nagkaroon ako ng kutob kung bakit ako naririto.

Alam ko na kung bakit.

"Bakit? Ang game ba ang may pakana nito?" Tanong ko kahit obvious naman na ang sagot.

"Oh. So you're a player." Sabi niya. "Now, bakit ka nila binihag? May nagawa ka bang masama sa kanila...or may nagawa kang against sa kanila?"

Mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko dahil sa mga sinasabi niya. Kami...pinipilit namin na itigil itong larong 'to. No, hindi pwede 'to.

Hindi lang ako ang pwedeng mapahamak dito. Kundi pati ang mga kaibigan ko.

"B-bakit naman kailangan nila akong bihagin?" Kahit na nauutal na ako ay nagawa ko pa ring magtanong. I need answers. Kung hindi ay baka sumabog na itong utak ko dahil sa mga tanong na tumatakbo rito. Hindi ko na siya narinig na sumagot kaya naman tinangka ko uling magtanong.

"Pwede naman nilang patayin na lang ako! Bakit pa nila ako kailangang bihagin?!"

"They need something from you." Ramdam na ramdam ko ang pagiging seryoso niya roon. Kahit madilim at hindi ko siya nakikita ay alam kong seryosong-seryoso ang mukha niya tungkol sa kanyang sinasabi. "Hindi pa sila tapos sa'yo."

Nabalot na ng takot ang buong pagkatao ko. Bakit...ako? Sa lahat ng players na pwede nilang paglaruan, bakit ako pa?!

"Ikaw? Bakit ka nandito? Katulad nga nung sinabi mo, bibihagin ka lang nila kapag may kailangan sila sa'yo." Tanong ko sa kanya. Maaaring may malaman ako sa magiging sagot niya. Hindi ako magpapatalo sa game na 'to. Lalo na't alam kong buhay ko ang nakataya rito. Pati na rin ang buhay...ng mga kaibigan ko.

"Nalaman ko ang sikreto nila." Mas lalong napako ang atensyon ko sa kanya. Sikreto? "I saw him. I saw them. They are afraid that I might destroy their evil plan so in order to silence me, kinuha nila ako. Ikinulong. Inilayo sa totoong mundo."

I can't help but to feel pity on her. Kung ako siguro ang makakaranas ng mga gan'yan, malamang ay mababaliw ako. I can't handle those. That's too much.

"Sino? Sino ang nakita mo?" Tanong kong muli.

"Yooni, you don't---"

Hindi ko na naintindihan ang sinabi ni Jungris dahil bigla na lamang siyang huminto sa pagsasalita. Bigla akong kinabahan. Shit, 'wag naman sana.

"Jungris?! Okay ka lang, Jungris?!" Ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. "Jungris!"

"Tama na. Masyado ka ng maraming nasabi."

Parang natutop ang aking bibig dahil sa boses na narinig ko. Hindi ko na magawang magsalita pang muli dahil sa labis na kaba at takot na pumapalibot sa sistema ko. Ang boses na 'yon...his voice screams danger.

Halos pigilin ko ang aking hininga nang maramdaman ko na nakaupo siya sa harap ko. Kahit na madilim at wala akong maaninag, ramdam na ramdam ko ang presensya niya rito sa aking harapan. This is danger.

"Hello there, Miss Yooni."

Familiar...ang boses niya. Parang narinig ko na 'yon kung saan pero hindi ko lang maalala kung saan at kailan. Hindi ko alam pero his voice screams danger. And I know I'm doomed.

"S-sino ka?! Anong g-ginawa mo kay Jungris?!"

Kahit na takot na takot na ako at sobrang nanginginig na ay nagawa ko pa ring sigawan itong taong nasa harapan ko ngayon. Strong ang personality ko pero hindi ang heart ko.

"Pinapatahimik ko lang ang mga taong maiingay."

Matinding kilabot sa aking sistema ang hatid ng kanyang boses. No, I'm literally shaking and my heart is beating so fast. Damn, takot na takot na ako and feeling ko ay pwede akong himatayin anytime.

"Let me talk to you, Yooni..."

Ngumisi siya. Ramdan ko ang nakakalokong ngiti na nakaukit sa kanyang labi.

"Do you want to know some secrets?"


***
NOTE:
it's been a while since i've became active so pls bare with me huhuhu. i really need to focus on my studies bcs life is hard HAHAHAHAHAHA. but don't worry, i'll not be in hiatus. thank u for patiently waiting and i luv u 💜

[ jungris on the multimedia ]

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon