066

137 12 23
                                        

YOONI


"Let us all welcome, the new student council president, Miss Niona Lim!"

Napuno ng malalakas na palakpakan ang buong auditorium nang tawagin ng principal ang bagong student council president. Dahil ayoko namang magmukhang masama, nakipalakpak na lang din ako kahit na sa loob-loob ko ay naiinis ako.

Naiinis ako kasi napakabait na tao ni Minn para mangyari sa kanya ang ganoon.

Naiinis ako kasi bakit sa lahat ng tao, si Minn pa?

At naiinis din ako kasi wala man lang akong nagawa nung araw na 'yon.

Tiningnan ko si Lint at seryoso lang siyang nakatayo roon sa pila niya at blangko lang ang mukha niya. Ni hindi man lang siya pumalakpak.

Tatlong araw na ang nakalipas magmula nung ma-expelled si Minn. Tatlong araw na rin akong nakakatanggap ng mga mapanghusgang tingin.

"Eew, siguro drug addict din 'yan katulad ni Minn. Kasi 'di ba lagi niyang kasama 'yon."

"Hihintayin ko na lang siyang ma-expelled din para friendship goals na sila."

Napayukom ako ng kamao dahil sa naalala kong bulungan nila kapag nakikita ako. Okay lang sa akin ang pagsalitaan ng masama. Pero kung si Minn na 'yung pinagsasalitaan nila ng masama kahit na inosente siya at walang ginagawang masama, hinding-hindi magiging okay 'yon.

"I will promise everyone that I will do my best on everything I do. Kaya kong higitan ang mga nagawa noon ng student council president. I will be your best student council president. Thank you for trusting me."

No, hindi mo kayang higitan ang mga kabutihan na nagawa ni Minn.

"NIONA! NIONA! NIONA!"

Nagsigawan lahat ng mga estudyante rito sa auditorium matapos ang speech ni Niona. Tahimik lamang ako at walang kibo. Tiningnan ko lahat ng mga kaibigan ko at ganoon lang din sila.

Muli kong tiningnan si Niona na ang lawak ng ngiti.

Muli kong tiningnan si Niona na ang lawak ng ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Minn will always be the best.

✦✦✦

"Uhm, guys?"

Hindi ko na natiis pa ang katahimikang bumabalot sa amin and I decided na magsalita na.

After nung welcoming program para kay Niona, binigyan muna kami ng 30 minutes break para kumain. Sabay-sabay kaming kumain pero kanina pa sila walang kibo. Kahit si Hwan na ang ingay-ingay lagi ay sobrang tahimik. Nakakapanibago nga talaga kapag wala si Minn.

"Nakakapanibago talaga kapag wala si Minn." Sabi naman ni Hwin habang nakapangalumbaba.

Napabuntong hininga ako at nangalumbaba rin. Ganoon na rin ang ginawa ng katabi kong si Yeon hanggang sa isa-isa na silang gumaya. Kaya ang ending, ayun, lahat kami ay nakapangalumbaba.

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon