WOONLY
"Kita mo nga naman, walang lovelife squad pa rin talaga sa huli." Natatawang sabi ko. Natawa na rin sila.
Kanina pa kami takbo nang takbo at buti na lang ay may nakita kaming bakanteng silid.
"Tayo talaga may forever, e." Pambibiro pa ni Jiss. Ramdam ko na nakangiti siya kahit na madilim dito sa kwarto at wala akong makita. Si Jiss pa. Laging nakangiti 'yan, e.
"Hindi pa tayo pwedeng mamatay. Kailangan gumawa na tayo ng bagong gc dahil nag-leave na kayo sa gc natin." Sabi pa ni Hwan. Napangiti naman ako. Ang dami na pala talagang napagdaanan ng barkada namin. Akala ko nga ay dito na magtatapos amg samahan namin pero akala ko lang pala 'yon. Masaya ako na sa kabila ng lahat ay matatag pa rin kami.
Maya-maya lang ay nakarinig kami ng kalabog sa pinto hanggang sa tuluyan nang mabuksan ang pintuan. Sumalubong sa amin ang mga lalaking naka-black. Mukhang mga tauhan ni Mr. Principal.
"Napakadami niyan." Sabi ni Hwin. "Paano na ang gagawin natin?"
Pinatunog ko ang mga daliri ko. "Kung gusto niyo pang magka-lovelife, kailangan makalabas tayo rito."
"WALANG LOVELIFE SQUAD, FIGHTING!" Sigaw ni Hwan. Napailing na lang ako. Baliw talaga.
"Sugod na!" Sigaw naman ni Jiss at kagaya ng sinabi niya ay sinugod na naming apat ang mga lalaking ito.
✦✦✦
SEWOO
"Yeon, bilisan mo!" Sigaw ko sa kanya habang tumatakbo kami. Napapagod na rin ako kaya paliit na nang paliit ang mga hakbang ko. Nanlalabo na rin ang nga mata ko dahil sa pagkahingal.
"Aray!" Napatigil kami sa pagtakbo nang matapilok si Yeon. Agad naman akong lumuhod para tingnan ang paa niya.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Tumango naman siya pero halata sa kanyang mukha ang sakit.
Sabay naman kaming napalingon sa likod namin nang makarinig ng mga tumatakbong yabag.
"Iwanan mo na ako rito! Susunod na lang ako sa'yo!" Sigaw niya sa akin. Agad akong umiling.
"Iyan ang hinding-hindi ko gagawin, Yeon!" Sagot ko sa kanya. Natatanaw ko na ang mga naka-black na lalaking humahabol sa amin kaya naman agad kong pinasan si Yeon sa likod ko at tumakbo.
"Sewoo..." Rinig kong sabi ni Yeon.
"Don't worry, Yeon. Makakalabas tayo ng sabay dito." I assured her. "And besides, patpatin ka naman, e. Kayang-kaya kita."
"Bwisit ka, Sewoo." Hinampas niya ako ng mahina.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Hinang-hina na ang katawan ko pero hindi ako pwedeng sumuko. Hindi ak pwedeng maging mahina sa ganitong panahon. Hindi lang ako ang mapapahamak kapag sumuko ako. Pati ang babaeng mahal ko.
"Siguraduhin mo lang na makakaligtas tayo rito, Sewoo..." sasagot na sana ako sa sinabi niya pero bigla ulit siyang nagsalita. "...sasagutin pa kita."
✦✦✦
HYUN
"Hyun, anong gagawin natin?" Tanong ni Chaennie sa akin habang hila-hila ko siya at tumatakbo. Maabutan na kami nung mga humahabol sa amin at hindi ko pa rin makita ang palabas sa pesteng building na 'to.

BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Misterio / Suspenso❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...