LINT
"Mga bitter." I mouthed those words to Hwin, Hwan, Jiss at Woonly na magkakatabi lang. Sabay-sabay nila akong sinamaan ng tingin dahilan para mapatawa ako. Taob pala kayo, e.
"Oh, ba't tumatawa ka diyan mag-isa?" Napatigil ako sa pagtawa at napatingin kay Minn dahil sa tanong niya. "Luh, nababaliw ka na naman."
"Love mo naman." Pang-aasar ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya. Alam ko namang love ako ni Minn kahit hindi niya sabihin, hehehe. Sa gwapo ko ba namang 'to?
Nandito kami ngayon sa isang beef restaurant na ni-recommend ni Hoon. Syempre nilibre kami uli ni Hoon dahil siya ang nag-aya. Hindi na siya makapalag pa kasi kasama namin si Yooni. Takot niya lang doon.
Wala kaming pasok ngayon kaya naman chill lang kami ngayon. Simula noong mabuo ang barkada ay puro bonding na ang ginagawa namin. Siguro ay sobra na kaming na-attached sa isa't isa. And I'm happy na nakatagpo ako ng bagong pamilya bukod sa 10 gurang na lalaking kasama ko.
Pero alam kong hindi pa rito nagtatapos ang lahat. Malakas ang kutob ko.
"Nga pala, Minn. Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" Tanong ni Yeon sa katabi ko.
"Nagtatrabaho ako ngayon sa isang fast food chain." She answered. "Ang balak ko ay sa next school year na ako mag-enroll uli. And of course, sa ibang school."
I smiled because of her answer. That's nice, Minn. I'm proud of you. Ganyan ang kilala kong Minn. Hindi sumusuko at lumalaban sa buhay.
Patuloy lang kami sa pagkukwentuhan at pagtatawanan. Dahil sa dami namin, pinagdugtong pa namin ang tatlong table para lang magkasya kami.
Napatingin naman ako kay Yooni na nakikitawa at nakikipag-asaran kay Hoon. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang laki ng pinagkaiba niya mula sa dating Yooni.
Ano ba talagang nangyari sa kanya?
Napatigil naman ako sa pag-iisip nang mag-ring ang phone ko. In-excuse ko naman ang sarili ko sa kanila at saka lumabas ng restaurant para sagutin ang tawag.
Seony Sisiw is caling...
Agad kong in-accept ang tawag matapos makita kung sino ang tumatawag sa akin. Si Seony lang pala.
"Oh, napatawag ka, Sisiw?"
"Maka-sisiw 'to. Sisiw ka rin naman, e."
"Atleast mas matangkad sa'yo."
"E 'di wow."
"Naliliko na tayo. Bakit ka napatawag?"
"'Yung pinapagawa mo sa'kin, nagawa ko na."
Natigilan ako sandali dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Kinakabahan ako kasi baka may malaman ako na hindi ko dapat malaman. Baka may malaman ako na sa bandang huli ay pagsisisihan ko lang.
"M-may nakita ka bang strange messages?"
Mautal-utal ang tanong ko sa kanya.
"Oo, Lint. Kagaya ng hinala mo, mayroon nga."
Seryoso ang boses niya nang sabihin niya sa akin iyon. Hindi na ako nakasagot pa.
"Check your messenger. I already sent the informations na nakalap ko."
"Okay, sige. Salamat, Seony."
After no'n ay ibinaba ko na ang tawag at saka binuksan ang message na ni-send ni Seony. Pagkabukas ko no'n ay napahigpit na lang ang pagkahawak ko sa phone ko matapos kong mabasa ang mensaheng galing kay Seony.
Sinasabi ko na nga ba. Tama ang hinala ko.
***

BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Misteri / Thriller❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...