YOONI
"Basta, sa atin na lang itong mga nangyari."
Napatango kaming dalawa ni Kyuni sa sinabi ni Young. Tama naman siya. Dapat talaga ay sa amin na lang itong nangyari dahil siguradong mag-aalala na naman ang mga kasamahan namin kapag nalaman nilang muntik na kaming malagay uli sa kapahamakan.
"By the way, thank you." Napalingon kaming dalawa ni Young kay Kyuni ng bigla itong magsalita. "Thank you sa inyong dalawa. I don't know what will happen to me kung wala kayo."
Nginitian lang siya ni Young. Habang ako naman ay nagsimula nang magsalita. "Naku, bakit nagpapasalamat ka sa akin? Si Young lang naman ang may naitulong sa'yo!" Sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi, e. Wala naman akong nagawa para iligtas siya. Tumakbo lang ako pero si Young ang nagligtas sa kanya.
"Nag-effort ka namang tulungan ako." Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni Kyuni.
Nagsimula na kaming maglakad paalis at saka tumungo sa hospital. Oo nga pala, hihintayin ako ni Hoon. Siguradong magtataka 'yon kapag nakita niya kaming magkakasama nila Young at Kyuni.
Nang marating namin ang hospital, agad kaming sinalubong ni Hoon na balot ang mukha sa pagtataka. Sabi na, e.
"Hoy, bakit kayo magkakasama?" Nagtatakang tanong ni Hoon. Nagkatinginan naman kaming tatlo dahil pare-pareho kaming walang alam kung ano ang sasabihing dahilan. Shet, 'di kami prepared.Magsasalita na sana ako pero hindi iyon natuloy dahil nagsimula nang magsalita si Kyuni.
"May pinuntahan lang kami." Parang wala lang na sabi ni Kyuni. Wow, ayos ang acting, ah.
"Teka, ba't ka may sugat sa mukha, Young?" Tanong uli ni Hoon. Jusko, napakadami namang tanong ng lalaking 'to.
Muli na naman kaming nagkatinginan dahil hindi namin alam ang isasagot uli. Pero nagsalita uli si Kyuni at dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag. Ang galing naman pala gumawa ng dahilan ni Kyuni.
"Nasampal ko siya. Akala ko kasi manyak."
Agad namang sinamaan ng tingin ni Young si Kyuni. "Sa gwapo kong 'to, mukhang manyak?" Rinig kong bulong ni Young kay Kyuni dahil nasa likod ko lang sila. Hindi ko naman narinig na sumagot pa si Kyuni kay Young.
"Ah, kaya pala." Tumango si Hoon. "Pagpasensyahan mo na 'yang si Young, ah. Gan'yan talaga ang mukha niya."
"Gago ka, ah."
Natawa na lang ako sa pang-aasar ni Hoon kay Young. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to.
"Hoy, Yooni. Tara na."
Napalingon ako kay Hoon. Ay, oo nga pala. Siya nga pala ang sundo ko.
Tatango na sana ako nang may ma-realize ako. Teka, paano nga pala si Kyuni at Young?
"Hoy, paano si Kyuni at Young?" Tanong ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.
"Ha? Matatanda na 'yang mga 'yan. Kaya na nila ang sarili nila." Hinampas ko naman siya sa balikat niya dahil sa sinabi niya. Baliw talaga 'tong lalaking 'to.
"Kyuni at Young, sumabay na kayo sa amin." Sabi ko sa kanila. Mukhang nagulat naman si Hoon. Aangal pa sana siya pero pinanlakihan ko siya ng mata kaya ayun, wala na siyang palag.
"Teka, paano 'yung party kung nandiyan si Kyuni?" Tanong ni Hoon.
"E 'di isama na natin siya." Sagot naman ni Young.

BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Mystery / Thriller❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...