094

71 10 28
                                    

YOONI

"Mr. Principal..."

Suddenly ay bigla na lamang nagkaroon ng makapal na usok dito sa loob. I tried to cover my nose ngunit wala rin itong kwenta. Nahihilo na ako at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Everything went black.

✦✦✦

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang isang lalaking nakaupo sa isang upuan. Nakangisi lang ito sa akin habang nakatingin. Damn you, Mr. Principal.

"Masarap ba ang tulog niyo?" Nakangising tanong niya sa amin.

"Mas masarap ka. 'Wag ka padadaig." Sabi ni Woonly. Nagtawanan naman kaming magbabarkada. Hay naku, kahit dito hindi pa rin nila inaalis ang pagiging prangka.

"Sige lang, itawa niyo lang 'yan. Tingnan natin kung makakatawa pa kayo bago ko kayo patayin." Malawak pa rin ang ngiti niya kahit halata namang binabantaan niya kami.

"Oh sige, ha. Kapag kami tumatawa pa rin bago mo kami patayin, ikaw papatayin namin." Nakangisi namang pambabara ni Sewoo. Jusko, ano bang ginagawa ng mga 'to?

"Masaya ba diyan sa kinatatayuan mo, Yooni?" Naka-cross arms niyang tanong sa akin.

Napatingin ako sa paa kong nakatali at sa mga kamay ko. Pagkatapos naman no'n ay napatingin ako sa mga kaibigan ko. Lahat sila ay nakangiti sa akin. Napangiti na rin ako. Wala, wala akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko.

"Oo naman. Kasama ko ang mga kaibigan ko." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Ikaw ba masaya? Knowing na walang kahit sinuman ang nasa tabi mo? Wala kang kaibigan, walang taong nagmamahal sa'yo. They are just on your side dahil makapangyarihan ka. Pero kapag nawala na ang lahat ng 'yan, they will just leave you."

Nawala naman ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. Oh, ano? Burn ka ngayon.

Nagulat naman ako nang sinenyasan niya ang dalawang tauhan niya na dalhin ako sa harapan niya. Hindi na ako nakapalag pa dahil mas malakas sila sa akin.

"Bitawan niyo si Yooni! Mga demonyo kayo!" Rinig kong gigil na gigil na sigaw ni Hoon. Ganoon din ang sinabi ng mga kaibigan ko.

"Alam mo, Yooni..."

"'Di ko pa alam dahil wala ka pa namang sinasabi." Kahit na kinakabahan na ako ay nagawa ko pa siyang sagutin. Hindi niya lang iyon pinansin.

"Alam mo bang katangahan lang ang paniniwala ng mga tao sa pag-ibig. Walang magagawa sa buhay niyo 'yang pag-ibig. Pero ako..." Sinampal niya ako ng pagkalakas-lakas sa kaliwang pisngi ko. Napapikit ako dahil sa sakit. Unti-unti nang namanhid ang kaliwa kong pisngi dahil sa ginawa niya.

"Tangina mo, demonyo ka!"

"Leave Yooni alone!"

"Gago, huwag kang pumapatol sa babae!"

Hindi niya pinansin ang hinaing ng mga kaibigan ko at nagpatuloy na sa sinasabi niya. "Pero ako, dahil mas mataas ako sa mga tao, kaya kong gawin lahat ng gusto ko. I can order them around. Hawak ko silang lahat sa mga palad ko. Tingnan niyo, nagpagawa pa ako ng laro para lang makapili ng mga taong paglalaruan ko. At malas niyo nga naman at kayo ang napili ko. Pero dapat nga ay magpasalamat kayo, dahil para sa inyo pa ang laro na iyan." At saka siya humalakhak ng malakas.

"Punyeta naman pala. Order lang pala gusto mo. E 'di nagpunta ka na lang sana sa restaurant at nag-waiter ka!" I smiled a little dahil sa sinabi ni Senn. I'm so lucky to have you, guys. I don't think I can fight like this kung hindi dahil sa inyo.

"Alam mo, Yooni, isang napakamaling desisyon ang ginawa mong pagkampi sa kanila. They will leave you. They will hurt you just like what they did noon." Sabay tingin niya kila Hoon. "Ngunit kapag sumali ka sa amin, you will have fun. Let's continue to experiment other people's lives."

Napayukom ang kamao ko. Ganyan mag-isip si Mr. Principal. He is the demon behind this. Pinagawa niya ang laro na ito para makahanap ng nga taong paglalaruan niya. Nahulog sa trap niya si Kyuni. He likes to experiment other people's lives dahil iniisip niya na para siyang Diyos. Na kaya niyang i-control lahat ng buhay ng tao sa gusto niya.

"So you like to experiment other people's lives?" Ani Hyen. "But Mr. Principal, you have to accept the truth na hinding-hindi mapapasaiyo ang buhay na mayroon sila. You're just insecure sa buhay nila. Tanggapin mo na 'yon. Isa kang loser."

Gusto kong pigilan si Hyen dahil ayokong mapahamak pa siya. Baka maisipan pa siyang saktan ng matandang 'to dahil sa mga sinasabi niya.

Sinenyasan niya ang mga tauhan niya na dalhin si Hyen sa kanya. Napasigaw ako. "Ako na lang ang saktan mo, huwag na ang mga kaibigan ko!" Ngunit hindi niya ako pinansin.

Nagulat na lamang ako ng biglang sipain ni Hyen ang dalawang lalaking lumapit sa kanya. Napalayo ito sa kanya. Bigla namang sumugod si Jin doon sa dalawang tauhan at saka ito sinuntok nang sinuntok. Nanlaki ang mga mata ko.

Teka...nakawala na sila?

"A-anong ibig sabihin niyan?!" Napatayo sa gulat si Mr. Principal.

Nagsitayuan na ang mga kaibigan ko na hindi na nakatali. Sinuntok ni Hoon si Mr. Principal dahilan para mawalan ito ng malay. Habang ang iba naman ay nakipagbugbugan sa mga tauhan ni Mr. Principal na nasa loob nitong silid na ito.

"Yooni, let's escape." Sabi ni Kyuni habang tinatanggal ang mga tali ko. Napatango naman ako. Matapos niyang matanggal ang mga tali ko ay tumayo na ako.

"Okay na, lumabas na tayo!" Sabi ni Hyun. Lalabas na sana kami ngunit bigla na lamang may tumunog ng napakalakas

Shit, not now.

"Guys, that's the security alarm! Lumabas na tayo rito! Mamaya ay marami pa ang pupunta rito para hulihin tayo!" Sabi ko sa kanila.

Binuksan naman agad ni Hwan ang pinto at dali-dali kaming nagtatakbo. Ngunit sa kalagitnaan ng pagtakbo ay sinalubong kami ng maraming tauhan ni Mr. Principal. Shit. Shit. We tried to run to the other direction ngunit may mga tao rin doon.

Hanggang sa kanya-kanya na kaming naghilahan at saka pumunta sa kahit anong direksyon. Namalayan ko na lang ang sarili ko na hawak ang ang kamay ni Hoon at tumatakbo kasama siya.

"Let's escape, Yooni..." Hinihingal niyang sabi. Akala ko ay iyon lang sasabihin niya ngunit nagulat ako sa sumunod niyang sinabi. "...so that we can start all over again."

***

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon