HOON
"Ang tagal naman niya."
"Sure ba kayo na papasok 'yon? Bakit hindi na lang natin puntahan sa bahay niya?"
"'Di ba nga pinuntahan na natin at wala siya sa bahay niya. So ito na lang ang natitira nating option."
Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi pa rin dumarating si Yooni. Nandito kaming lahat sa picnic grounds, syempre maliban kay Minn. Inaabangan namin si Yooni na pumasok pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Dito na kami pumwesto sa picnic grounds dahil kita mula rito ang entrance gate ng school. So lahat ng pumapasok ay makikita namin.
Naramdaman ko namang may umakbay sa akin at si Jin pala 'yon. "Chill ka lang diyan, Hoon. Sigurado akong darating din si Yooni. Iyon pa, alam mo namang love na love tayo no'n."
Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni Jin pero hindi pa rin mawala sa akin ang pag-aalala. Ang daming tanong na naglalaro ngayon sa isipan ko.
Anong nangyari kay Yooni? Saan siya galing at bakit ngayon lang siya nagpakita? At bakit...parang ang weird? Hindi ko alam. Dapat masaya ako ngayon kasi alam kong nakabalik na si Yooni pero iba ang nararamdaman ko ngayon, e.
Pero pinipilit ko na lang na ipagwalang-bahala itong mga nararamdaman ko. Basta ang mahalaga nakabalik na si Yooni. Iyon ang dapat kong isipin.
"Hoy, ayun na si Yooni oh!"
Agad kaming napalingon doon sa tinuro ni Woonly. Muntik na akong matigilan dahil sa wakas ay nakita ko na siya. Pagkatapos ng mahabang panahon, nagbalik na siya.
"YOONI!"
Napahinto naman siya at tinanggal ang earphones na nakapasak sa tainga niya. Napalingon siya sa amin na tumatakbo papunta sa kanya. Agad siyang sinugod ng yakap ng mga babae habang sina Jiss naman ay ginugulo ang buhok niya. Habang kaming dalawa naman ni Lint ay tahimik lang na nagmamasid dito sa gilid.
"Yooni, I missed you!"
"Saan ka ba nanggaling, Yooni?"
"I'm glad to know you're okay, Yooni."
"Sa wakas, nagbalik na ang prinsesa ni Hoon."
Matapos nilang bugbugin ng yakap si Yooni ay nakita ko na rin ang kabuuan niyang anyo. Napaawang ang aking bibig dahil sa malaking pagbabago na nangyari sa kanya. Ang dating mahaba niyang buhok ay umikli na. Kung dati ay wala siyang makeup, ngayon ay mayroon nang nakalagay sa mukha niya. Ang pormahan niya, ang tindig niya, the way she smiles became different.
"Hi, Hoon."
Natigilan ako dahil sa biglaan niyang pagtawag sa akin. Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa biglang ginawa niya.
"Na-miss kita, Hoon. I really missed you."
But her voice and her warmth didn't changed at all. She's still Yooni. She's still my Yooni.
"Na-miss din kita." Pabulong kong sabi sa kanya.
Kinantyawan naman ako nitong mga kasama ko. Nangingibabaw pa ang pang-aasar ni Jiss at Hwan. Mga siraulo talaga 'to.
BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Misterio / Suspenso❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...