092

74 11 15
                                    

YOONI

Natigilan naman ako nang mabasa ang article na ito mula sa diyaryo. What? Nawawala sila?

Balak ko na sana silang tawagan ngunit mabuti na lamang at napigilan ko ang aking sarili.

Ano ba, Yooni? Why do you still care for them?

I tried to stop myself from thinking about them. Napabuntong-hininga ako. I hope they are okay.


Dahil hindi talaga ako mapakali ay naisipan kong pumunta sa abandonadong building dahil doon daw sila huling nakita, ayon sa mga naririnig ko. Tutal ay ilang oras pa naman bago ang sunod na klase ko.

Naglakad na ako papunta sa abandonadong building. Sumalubong sa akin ang payapang kapaligiran. Napakatahimik naman dito. Creepy.

Matapos kong i-scan ang buong lugar ay naisipan ko nang umalis.

Hay naku, Yooni. I don't understand myself why I am acting like this.

Maglalakad na sana ako paalis ngunit halos mapatalon ako sa gulat nung bigla na lamang may humawak sa braso ko. Napaatras ako nang makita ko siya.

"H-Hyen..." I voiced out.

Nandito si Hyen! Ibig bang sabihin ay hindi siya nawala? Magkahalong saya at pagtataka ang nararamdaman ko ngayon.

"This is your fault, Yooni!" She roared out.  Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Tell me, nasaan sila?! Anong pakay nila sa amin?"

Bakit? Hindi ko alam, Hyen. Hindi ko alam.

"Bakit ayaw mo sumagot?! Pati ba naman sa ganitong sitwasyon ay uunahin mo 'yang galit mo?! Tell me, Yooni. Ano bang nagagawa sa'yo ng pagtatanim mo ng galit?! Wala naman 'di ba?! Imbis na tayo ang magkakampi, tayo pa ngayon ang magkakalaban!" Hindi ako makasagot sa mga ibinabatong salita sa akin ni Hyen. Naiiyak ako. Naiiyak ako kasi totoo ang sinasabi niya. Tama siya...at mali ako.

"Yooni, alam kong mali ang ginawa nila Hoon sa'yo. Pero, Yooni..." Her voice softened. "It's not too late para magbago pa naman, 'di ba? Please, Yooni. Tell me kung anong pakay nila sa amin. Let's fight with this together, Yooni. We can still fix this."

Doon na ako tuluyang naiyak. I hate myself right now.

Bakit ba ako nabulag sa galit ko? Bakit ako kinain ng sama ng loob? Yooni, bakit ka nagpadala?

"Y-Yooni, we are friends, right?" Nanginginig na ang boses ni Hyen. Nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata. "The memories that we shared together, hahayaan mo na lang ba na masira iyon ng isang pagkakamali ng nakaraan?"

Hindi ko na siya sinagot at saka siya niyakap. 'Yung sobrang higpit. Sorry, Hyen. Sorry.

I think there's no point on keeping my walls from them because afterall, they are my friends. Bring back to your original self, Yooni.

***

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon