YOONI
"Sa dorm na lang namin tayo pumunta."
Napatango kaming lahat dahil sa sinabi ni Jiss.
"Oo nga. Atleast doon sa dorm nila, hindi tayo masyadong ma-di-distract." Dagdag ni Chaennie at muli kaming napatango.
Pag-uusapan kasi namin ang tungkol sa laro at kung paano namin ito matitigil. Gagawa kami ng plano at doon kami sa dorm nila Hoon pupunta mamayang uwian para raw walang distraction.
Bigla namang nag-ring ang bell senyales na simula na ng mga klase. Tumayo na kami sa mga kinauupuan namin at saka nagpaalam sa isa't isa.
Kasama ko ang tropang To Be One at saka si Kyuni dahil kami ang magkakaklase. Habang si Yeon, Chaennie at Senn ay magkakasama sa isang section. Si Minn naman at Hyen ang magkaklase.
"Sigurado na ba kayo sa gagawin natin? Pwede namang humingi pa tayo ng tulong sa ibang players." Biglang sabi ni Kyuni kaya naman napatingin kami sa kanya.
"Mas mabuti nang mapigilan natin 'yung mga bagay na maaaring maidulot sa atin nung game." Paliwanag ni Lint. "At saka hindi rin naman tayo sigurado kung mapagkakatiwalaan natin 'yung ibang players. Mas ayos na 'yung tayo na lang."
Mukha namang na-realize na ni Kyuni 'yung point ni Lint kaya napatango na lang siya at saka nanahimik.
Papasok na sana ako sa building na kinalalagyan ng classroom namin pero bigla na lang akong natigilan. Napalingon ako at natanaw ko ang isang lalaking naka-formal attire na nakasalamin. May hawak pa itong isang tasa kaya I assume na umiinom siya ng kape o kaya ng tea. Nasa isa siyang building na hindi kalayuan dito sa building namin.
Nakatitig siya sa akin. Tumitig din ako sa kanya. Naputol ang eye contact namin nang hilahin ako ni Kyuni.
"Uy, ma-le-late na tayo! Mamaya ka na tumunganga!"
Nagpatangay na lang ako sa hila ni Kyuni dahil may nararamdaman akong kakaiba. I feel something strange doon sa lalaking 'yon.
Parang nakita ko na siya dati.
✦✦✦
"Kumpleto na tayo 'di ba?" Tanong ni Jiss.
"Oh, yes! Tara na!" Hyper na sagot ni Hwan.
Napangiti na lang ako dahil parehong-pareho sila ni Jin na hindi nauubusan agad ng energy.
Habang naglalakad kami patungo roon sa parking lot ng school para puntahan ang van na pagmamay-ari ni Hoon ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Saka naman ako may na-realize.
Oo nga pala. Sikat itong mga kasama ko kaya naman sa malamang ay makaka-attract kami ng atensyon. Ako lang ata ang hindi kilala rito sa grupo namin. Hays, sad life.
"Balita ko nand'yan na raw 'yung school principal." Sabi ni Hyen sa gitna ng paglalakad namin.
"Ah, oo. Kanina lang siya dumating." Sagot naman ni Minn. "Balak niya atang magpatawag ng meeting sa lahat ng school officials tungkol dito sa game."
Napatango kami sa sinabi ni Minn. Buti naman at hindi lang kami ang may gusto na matigil 'tong laro. It's a relief na gumawa na ng paraan ang school principal para matigil 'to.
Teka...school principal?
Tama! 'Yung lalaki kanina na nakatingin sa akin ay 'yung principal!
Pero, bakit?
✦✦✦
"Maglagay ng bomba sa buong school?""Atakihin ang hideout ng mga gumawa ng game?"
"Barilin na lang 'yung creator ng game?"
Napa-facepalm na lang ako dahil sa mga suggestions ng mga kasama ko. Wow, kahit isang suggestion na matino ay wala akong marinig. Hays, as expected.
"Ano ba tayo? Mga terorista?" Sarkastikong tanong ni Hyen sa amin.
"Ayiiee, may 'tayo' pala, ha!" Pang-aasar ni Jin na katapat ko lang. Siniko naman siya ni Jiss at inirapan na lang siya ni Hyen.
"Pero seryoso na nga, ano ba ang dapat nating gawin?" Tanong ni Chaennie. Wala nang sumagot sa naging tanong niya. Nabalot kami ng katahimikan dahil halos lahat ata kami ay nag-iisip ng paraan para mahuli kung sino man ang creator ng larong 'to.
Pero ang problema ay wala naman kaming matinong maisip na paraan. Kanina pa kami rito sa dorm nila Hoon pero ni isa ay wala pa kaming nagagawang plano. Hindi naman kasi namin alam kung saan magsisimula.
Magsisimula? Teka...
"Teka!" Bigla na lang ako napasigaw dahil sa idea na bigla kong naisip. Natuon naman lahat ng atensyon nila sa akin. Mukhang nagtataka sila sa bigla ko na lang ikinilos.
"Bakit ba kanina natin 'to pinag-iispan? Isang simpleng plano lang naman ang kailangan natin." Sabi ko sa kanila pero mukhang hindi pa rin nila gets.
"Huh?"
They are still perplexed although I already explained it.
"Let's get back on where everything started." Panimula ko. Mukha namang naliliwanagan na sila sa sasabihin ko.
"So, you mean..."
"Yes." Tumango ako. "Bumalik tayo sa kung saan nagsimula ang lahat."
Tutok pa rin ang atensyon nila sa kung anong susunod na sasabihin ko.
"Let's find the person who posted the game on the official website."
***
BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Mystery / Thriller❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...