EPILOGUE

192 17 155
                                    

EPILOGUE.

"Hoy, Yooni! Gumising ka na nga!"

Slowly, I opened my eyes at sumalubong sa akin ang puting kisame. Dahan-dahan akong bumangon at napatingin ako sa paligid ko. Teka, nasaan ba ako?

"Hoy, Yooni. Ano bang nangyayari sa'yo?" Napalingon ako roon sa pinanggalingan ng isang pamilyar na boses at nakita ko si Lint na naka-cross arms. "Kanina ka pa tulog diyan. Siguro gusto mo lang tumakas sa klase, 'no?"

 Siguro gusto mo lang tumakas sa klase, 'no?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napakunot naman ang noo ko. Anong ibig sabihin niya? At saka, nasaan ba ako? Ang huling pagkakaalala ko ay nasa hospital ako...wait, hospital!

Dali-dali akong napalingon sa paligid ko ngunit ni isang bakas nila Hoon ay wala akong nakita. Bakit si Lint lang ang naririto? Nasaan ang iba?

"Lint, nasaan ba ako?" Nagtatakang tanong ko. "Nasaan 'yung iba?"

"Nasa school clinic ka lang naman, Yooni. Paano ba naman kasi ay umandar na naman ang pagiging lampa mo kaya sa kasamaang palad, tinamaan ka ng bola." Pagpapaliwanag niya na nagpagulo pa lalo sa isip ko. "At sino 'yung tinutukoy mo na iba? Hala, tayong dalawa lang naman magkasama rito."

Ha? Anong ibig sabihin niyang kaming dalawa lang dito? At saka, paano ako napunta rito sa isang school clinic? Kani-kanina lamang ay nasa hospital ako kasama sila Hoon pero bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon? Ano bang nangyayari?

I looked at Lint and gave him a confused look. "Stop fooling around, Lint. Paanong nasa school clinic tayo? Kanina nga lang ay nasa hospital tayo kasama sila Hoon."

Napataas naman ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Huwag mong sabihing wala siyang alam tungkol sa sinasabi ko?

"May amnesia ka ba, Yooni? O natanggalan ka lang ng turnilyo sa utak? Paanong nasa hospital tayo e buong araw nga tayong nandito sa school? At saka sino namang Hoon iyon?" He asked. "'Di ba iyun 'yung nakatama ng bola sa'yo?"

My confusion aroused. Bakit tila yata nawalan ng alaala si Lint? What's happening? Bakit parang pakiramdam ko ay...panaginip ko lamang ang mga nangyari noon?

"Nakatama ng bola?" Tumaas ang kilay ko. "Lint, how can someone do that to me? I told you, nasa hospital tayo kasama ang barkada natin! With Hoon, Hwin, Young, Jin, Sewoo, Woonly, Hwan, Jiss, Hyun, Niel, Yeon, Kyuni, Hyen, Chaennie and your girlfriend, Minn!"

Matapos kong masabi iyon ay hiningal pa ako dahil sa dami ng pangalan na sinabi ko. Ngunit wala man lang nagbago sa reaksyon niya. Puno pa rin ito ng pagtataka.

"Who the hell are them?!" Takang-taka niyang tanong. "And what the hell! My girlfriend? Minn? Dude, kailan pa ako nagkaroon ng girlfriend?"

I was about to answer more ngunit bigla na lamang may pumasok na isang babaeng naka-attire ng pang-nurse. I assumed that she's the school nurse.

"Oh, ano ba 'yang pinag-aawayan niyo?" She said in a calm and soft manner. "Rinig na rinig sa labas ang boses niyo, e."

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon