085

69 9 6
                                    

YOONI

[ flashback ]


"Do you want to know some secrets?"

Ayoko. Ayoko.

Gusto kong sabihin sa kanya ang mga salitang iyon ngunit parang nawalan ako ng boses. Patuloy siyang nagsalita at ang mga sumunod kong nalaman ay ang nagpaguho sa mundo ko.

✦✦

Matagal akong nag-stay sa side nila. They told me so many things.

The secret of Hoon and his friends. The secret of Kyuni.

Noong una ay hindi ko matanggap ang lahat. Si Hoon...hindi ko inaakalang magagawa niya sa akin 'yon. Si Kyuni...hindi ko maisip na siya 'yung taong nasa likod ng paghihirap namin. Hindi ko matanggap na dahil sa kanya ay nagsimula ang lahat ng ito. Alam kong siya lang ang gumawa ng laro at iba na ang kumo-control nito. Ibig sabihin, hindi niya na alam ang mga nangyayari dahil iba ang kumo-control ng larong ginagawa niya.

Pero hindi naglaon ay unti-unting bumalik ang mga alaala ko. Hindi ko alam pero sa paglipas ng panahon ay mas lalong lumalaki ang sama ng loob ko sa kanila. Dumating na ako sa puntong nakalimutan ko na ang mga pinagsamahan namin and all I can think of are the things they did to me.

Hindi ko alam. Sa tingin ko ay hindi ko na sila kayang patawarin pa.


***

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon