058

119 14 17
                                    

8:58 pm

Hoon Park
• active now

Hoon:
Yooni patatas

Yooni is typing...

Hoon:
Triggered ka na naman niyan. In 3, 2, 1...

Yooni:
WALA KA NA NAMANG MAGAWA SA BUHAY MO KAYA AKO NA NAMAN ANG GINUGULO MO!!1!!1!!!

Hoon:
Chill, chill.

Hoon:
Gan'yan ka ba manligaw? 'Di ba nililigawan mo ako? Bakit ang sungit-sungit mo pa rin? :(

Yooni:
Aba, sino naman ang nagsabi sa'yo na nililigawan kita?!

Yooni:
Hindi ka lang pala mahangin, assuming ka rin.


Hoon:
Isang hamak na gwapong mamamayan lang ako. :)

Yooni:
Walang may pake. I-share mo 'yan sa sungki ni Jin.

Hoon:
Sus, kinikilig ka lang kasi nakakausap mo na naman ako.

Yooni:
Letse ka talaga, Hoon. Saan ka ba ipinaglihi ng nanay mo at napakataas ng confidence level mo?

Hoon:
Gwapo lang ako :(

Yooni:
Block kita

Hoon:
Joke lang, hahaha.

Hoon:
Para hindi ka na magalit, 'wag mo na akong ligawan.

Yooni:
Talagang hindi naman kita nililigawan. Kapal mo, e.

Hoon:
Ako na lang ang gagawa no'n.

Yooni:
Huh? Alin?

Hoon:
Palpak talaga 'yung mga itinuturong banat ni Sewoo | deleted

Hoon:
Wala, wala.

Hoon:
Yooni.

Yooni:
Oh?

Hoon:
May tanong ako sa'yo.

Yooni:
Ano?

Hoon:
Para sa'yo, masama ba o mabuti ba 'yung pagtatago ng sikreto?

Yooni is typing...

Yooni:
Minsan masama, minsan mabuti.

Yooni is typing...

Hoon:
Ah, paano naging?

Yooni:
Teka, bakit sa akin mo tinatanong 'yan? Ikaw ang magaling sa gan'yan.

Hoon:
Yooni, kahit gwapo ako, may limitations pa rin naman ako.

Yooni:
Oo na lang -.-

Yooni:
Pero balik tayo roon sa tanong mo.

Yooni:
Minsan kasi masama ang magtago ng sikreto. Kasi deserve ng lahat na malaman 'yung totoo.

Yooni:
Pero minsan mas makabubuti ang magtago ng sikreto. Kasi may mga bagay na hindi na dapat binubuksan pa.

Yooni:
Some things are better left unsaid.

Hoon:
Woah, writer ka siguro, 'no? Lakas rin ng hugot mo sa buhay, hahaha.

Yooni:
Baliw.

Yooni:
Pero bakit mo naman natanong 'yon?

Hoon:
Wala lang, trip ko lang.

Hoon:
May last question pa ako sa'yo.

Yooni:
Hmmm?

Hoon:
Paano kung 'yung sikretong pinanghahawakan mo ay 'yung sikretong makakasira ng lahat?

---

✦ credits to the owner of the picture.

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon