to be one.
Hoon:
Jiss, naman...
Jiss:
Ano na naman ba, Hoon?
Hoon:
Hindi mo naman kasi kailangang sabihin kay Yooni ang mga bagay na 'yon.
Jiss:
Bakit naman, Hoon? Ano bang masama kung paalalahanan ko siya?
Jiss:
Bakit ba masyado kang protective sa kanya?
Jiss:
Ano naman kung masaktan siya? Iyun naman kasi 'di ba 'yung totoo?
Hoon:
Ano bang pinagsasasabi mo d'yan, Jiss? Wala namang ginagawang masama sa inyo 'yung tao pero bakit parang minamasama niyo pa siya?
Hyun:
Hoon, alam namin 'yung tungkol sa kanina.
Woonly:
Alam namin na kasama kayo nung dalawang player na mag-syota bago sila namatay.
Niel:
Wala ka man lang atang balak sabihin sa amin, Hoon.
Hoon:
Dapat ko pa bang sabihin sa inyo 'yon? Lalo na't alam kong ang mamasamain niyo ay si Yooni?
Sewoo:
Teka nga, Hoon. Ano na ba si Yooni para sa'yo? Bakit parang mas mahalaga pa siya kaysa sa barkadahan natin?
Hoon:
Tangina, gan'yan na ba ang tingin niyo sa akin?
Jin:
Hindi na ko magugulat kung isang araw ay humiwalay ka na sa grupo natin para lang sa babaeng 'yon.
Hoon:
Pati ba naman ikaw, Jin?! Bakit ba hindi niyo ako maintindihan?!
Hwin:
Huy, tama na 'yan. Hindi na tayo mga bata para mag-away.
Hwan:
Tama si Hwin. Hindi na dapat natin pinag-aawayan ang mga ganito ka-simpleng bagay.
Jiss:
Sabihan niyo 'yang si Hoon na ayusin niya 'yung sarili niya.
Hoon:
Bakit ba, Jiss? Natatakot ka bang maulit 'yung pagkakamali na nagawa natin dati?
Hoon:
Huwag kang mag-alala. Nagbago na ako.
Hoon:
Kayo ba?
Woonly:
Gago ka ba? Ang lakas ng loob mong sabihin 'yan, ah. Pare-pareho lang naman tayo rito.
Sewoo:
Sigurado ka bang nagbago ka na?
Niel:
Baka nakakalimutan mong isa ka rin sa mga taong may malaking pagkakamali noon.
Lint:
Tama na nga 'yan. Para kayong mga bata.
Lint:
Wala namang magagawa 'yang kakaputak niyo.
Young:
Alam kong medyo mali si Hoon sa ginawa niya pero palampasin na natin 'to. Natutunan naman na siguro ni Hoon 'yung lesson niya dahil dito sa nangyari.
Hwan:
Tama na 'yannnnnn ~
Hwin:
Mag-focus na lang tayo sa laro para happy happy na lang :>
Hoon:
Hays, sorry guys. Nadala lang ako ng emosyon ko.
Hoon:
Promise, kaya ko na 'yung sarili ko. I can take responsibilities with my actions.
Jiss:
Siguraduhin mo lang, Hoon. Kapag nagkamali ka sa desisyon mo, damay-damay tayong lahat dito.
Jin:
Hindi ko alam kung totoo na ba 'yang pag-aalaga mo kay Yooni pero sana mas unahin mo ang sarili mo kaysa sa kanya. Huwag kang maging selfless kapag siya ang kasama mo.
Hoon:
Bakit naman hindi? | deleted
Hoon:
Oo na, oo na. Alam kong ako na 'yung mali.
Hyun:
Good.
Niel:
Arte-arte niyo, 'no. Away pa, hahahaha.
Hoon:
Abaaaaa, parang siya hindi nakikisali kanina.
Sewoo:
Alam mo namang feeling inosente lang 'yang si Niel. Pareho lang naman sila ni Young na polluted ang utak.
Young:
Gago, ako na naman -.-
Jiss:
Basta focus na tayo sa laro.
Jiss:
At Hoon, mas binabalaan kita. Huwag mong unahin 'yung feelings mo. Ayaw naming mapahamak ka dahil sa mga padalos-dalos mong desisyon.
Jiss:
Totoo na ba 'yang nararamdaman mo o guilt lang? | deleted
BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Misteri / Thriller❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...
