LINT
"Hoy, tama ba 'yung balita ko na na-expelled na raw si Minn?""Sinong Minn? As in Minn Jeon? 'Yung student council president?"
"Ay, sino pa ba?! Duh! Tapos ang reason daw ay---"
Hindi na niya naituloy 'yung dapat na sasabihin niya roon sa kasama niya nung samaan ko siya ng tingin. Mukhang natakot naman sila sa ginawa ko kaya itinigil na nila 'yung pag-tsi-tsismisan at saka nagmamadaling naglakad palayo sa akin.
Naiyukom ko ang kamao ko. I can't think straight dahil sa labis na galit na nararamdaman ko.
"Lint!"
Napalingon ako at saka ko nakita si Hwin. Agad siyang lumapit sa akin. Halata mo rin na naguguluhan siya sa mga nangyayari ngayon.
"Nalaman ko lang 'yon kanina nung papasok ako." Hinihingal niyang sabi. "Hindi ko agad nasabi sa'yo kasi naiwan ko 'yung phone ko. Nakihiram lang ako."
Naiyukom kong muli ang kamao ko. Tangina, kapag nalaman ko talaga kung sino ang may pakana ng lahat ng 'to, hindi ako magdadalawang-isip na lumpuhin siya.
"Bakit kasi na-late ka ng gising? Hindi ka tuloy nakasabay sa amin pumasok kanina." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Hoy, Lint! Pansinin mo naman ako! Saan ka ba pupunta?!" Tumigil ako sa paglalakad at saka siya hinarap.
"Saan pa ba? E 'di kakausapin ko 'yung principal." Seryosong sagot ko sa kanya.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at iniwan na si Hwin. Pero makaraan lang ang ilang segundo ay hinabol na naman niya ako at pinigilan pero hindi ako nagpatinag.
"Hoy, Lint! Isipin mo muna ng mabuti 'yung mga susunod mong gagawin! Huwag kang magpadalos-dalos sa desisyon mo! Baka ikaw naman 'yung mapahamak diyan sa ginagawa mo!"
Kahit anong pagpigil ni Hwin ay hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa principal's office. Wala akong masyadong alam sa mga nangyayari pero pinapangunahan ako ng inis at galit ko.
Anong nagawang masama ni Minn para ma-expelled siya? Kilala ko si Minn at kahit anong gawin kong pagbaliktad ng utak ko ay hindi ko pa rin maisip kung anong maaaring maging dahilan para ma-expelled siya.
Something is not right here.
Napatigil naman ako sa paglalakad nang harangin ako nina Hoon. Kasama niya ang buong tropa at kasama rin ang mga babae. They look shocked and distracted. Mukhang kahit sila ay hindi makapaniwala sa balita.
"Is it true? T-that M-Minn is..." Hindi matuloy-tuloy ni Kyuni 'yung sasabihin niya dahil namumuo na 'yung luha sa mga mata niya.
"Lint, we have to think through this. Huwag tayong magpadalos-dalos." Dagdag ni Yooni.
"Tama si Yooni. Baka kapag sinugod natin ang principal ay tayo pa ang mapahamak." Sabi ni Chaennie bilang pagsang-ayon kay Yooni.
"Then what? Hayaan si Minn na ma-expelled na lang?" Suminghal ako. "I'm ready to be in trouble just as long as I know I am on the right lane."
Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko. Naramdaman ko ang mga presensya nila pero hindi ko na pinagtuonan ng pansin 'yon at saka mas binilisan ang paglalakad ko.
"Hoy, Lint!" Narinig kong tawag ni Jiss sa akin pero hindi ko siya pinansin. Suddenly, someone touched my shoulder causing me to stop walking. Napalingon ako sa taong 'yon at nakita ko si Niel na seryosong nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Mystery / Thriller❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...