093

80 10 12
                                    

YOONI

"Are you ready?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

Dahan-dahan kaming naglakad papasok sa loob ng building na ito. Buti na lang at wala ngayon ang mga nagtatrabaho rito.

Nandito kami ngayon sa isang building, ang building kung saan ako nag-stay ng matagal habang bumabalik ang mga alaala ko. Ang building kung saan ako ikinulong noong nawala ang mga alaala ko. I'm very certain na naririto ngayon sila Hoon. I know na kung sakali mang durukutin sila ay dito lang ang nag-iisang lugar na pwede silang dalhin.

"Let's take this easy, Hyen. Mag-stay na muna tayo roon." Sabi ko sa kanya sabay turo sa isang bakanteng bodega. Noong nag-i-i-stay pa ako rito ay lagi kong napapansin ito dahil lagi itong hindi nagagamit. Kaya maganda ito bilang taguan. Nag-agree naman si Hyen sa akin at dahan-dahan kaming pumasok sa loob nito.

Buti na lang at may dalang flashlight si Hyen kaya naman nagamit namin iyon dito dahil sobrang dilim. Umupo kami sa sahig at saka sabay na huminga ng malalim. Isinara niya na ang flashlight niya dahil baka may makakita at makapansin pa na may tao sa silid na ito.

"Noong una, hindi ko rin matanggap..." Rinig kong sabi niya. I figured out na ang tinutukoy niya ay 'yong tungkol sa aming barkada. "But who am I to judge? Kahit gaano pa kalaki ang kasalanan nila, syempre mga kaibigan ko pa rin sila. Willing akong iliko sila sa tamang daan kung iyon ang kinakailangan. Pero lumayo muna ako saglit to cool things off. At sigurado akong ganoon din ang nararamdaman ni Ate Senn. Afterall, magkakambal naman kami no'n." I heard her laugh at tumawa na rin ako. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. I'm happy na kaibigan ko si Hyen. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala siya. Siguro ay hindi ako magigising sa katotohanan at sa katangahan ko.

"By the way, may idea ka ba kung saan sa building na 'to sila nakalagay?" Pagliliko niya ng topic.

"Hindi ako sure pero I have an idea." I answered. "Doon tayo sa fourth floor. Doon nila itinatago 'yung mga binibihag at dinudukot nila."

"Wow, tunog kidnapper ka na, ah." She cracked a joke kaya naman ginulo ko ang buhok niya kahit na madilim. Buti na nga lang nakapa ko iyon, e.

"Tara na nga. Lasgo." I said.

Dahan-dahan kaming lumabas ni Hyen ng bodega. Ngunit napatigil ako noong napatigil siya sa paglalakad. Nakatingin siya roon sa isang malaking garbage bin na nakalagay sa parang stroller. Nagkatitigan naman kami and alam ko na agad ang ibig sabihin niya.

Oh boy, this is gonna be a long work.

✦✦


Habang tulak-tulak ko ang stroller na ito ay pumasok na ako sa elevator. Nasa loob ng garbage bin si Hyen dahil sabi niya ay mas safe kung hindi siya makikita. Sabagay, may punto siya. Hindi naman kahina-hinala kung makikita ako rito dahil ang alam nila ay kakampi nila ako. Sana lang talaga naroroon sila sa fourth floor.

May pasok nga pala ngayon sa Spinnton kaya walang mga tao rito. Napangisi ako. This is a perfect chance para mailigtas sila Hoon. I am 100% sure na wala siya rito ngayon.

"Yooni, malapit na ba tayo?" Rinig kong tanong ni Hyen mula sa loob ng garbage bin.

Sakto namang bumukas na ang pintuan ng elevator senyales na naririto na kami sa fourth floor. "Oo, malapit na tayo." I answered.

Sinimulan ko na uling itulak ang stroller at saka tumungo sa kwarto na nasa pinakadulo ng fourth floor. Doon ang alam kong kwarto na pinagdadalhan nila ng mga binibihag nila. Pagkarating namin doon sa harap ng pinto ay napabuntong-hininga muna ako bago buksan ang pintom It's now or never, Yooni. Kailangan mong bumawi sa kanila. Kailangan mo silang iligtas dahil mga kaibigan mo sila.

Hinawakan ko na ang door knob at saka ito pinihit. Dahan-dahan naman itong bumukas at sumalubong sa akin ang kadiliman.

Teka, hindi naka-lock ang pinto?

Ipinagwalang-bahala ko na lang iyon at saka pumasok na. Isinara ko naman ang pinto matapos kong makapasok. Kinatok ko ang garbage bin. May siwang kasi ng kaunti sa may bubong kaya naman may kaunting liwanag na pumapasok sa silid na 'to. Pero hindi lahat ay nabibigyan ng liwanag.

"Hyen, nandito na tayo."

Narinig ko ang pagbukas ng garbage bin at ang paglabas ni Hyen mula rito. Ginamit niya ang flashlight niya para hanapin ang switch ng ilaw at matagumpay niya naman itong hinanap. She turned on the lights at kumalat na ang liwanag sa bawat sulot ng silid na ito.

Bumungad sa amin sila...Hoon.

"Hyen!" Pasigaw na bulong ni Senn. Dali-dali namang pumunta si Hyen sa kanya at saka siya niyakap. Habang ako naman ay nabato lamang dito sa kinatatayuan ko. Lahat sila ay naririto. Nakatali at nakaipon sa isang gilid.

"Paano kayo nakapunta rito?" Tanong ni Chaennie.

"Hindi na mahalaga 'yon. Basta makaalis tayong lahat dito."

Nagtama ang paningin namin ni Hoon. I was about to turn away but he suddenly smiled at me.

Hoon...we're still the same, right?

"Yooni, kalagan na natin sila. Baka may makakita pa sa atin dito!" Utos ni Hyen.

"S-sige." I said obediently.

Dali-dali akong lumapit sa kanila para alisin ang mga tali nila. Nanginginig kong hinawakan ang tali na nakabuhok sa kamay ni Hoon. Kinakabahan ako. Nahihiya akong harapin sila.

"Sorry, Yooni." Natigilan ako sandali dahil sa bulong ni Hoon na iyon. "We were immature back then. We didn't think about the consequences. I hope...we can still start all over again."

I was about to say something ngunit bigla na lamang may kumalabog sa pintuan. Napalingon ako roon at halos mapayakap ako kay Hoon dahil sa gulat.

Nandito siya. Hindi maaari.

Nakatayo siya ngayon at nakangisi. Halos matigilan lahat kaming naririto.

"Matapos kitang tulungan, Yooni, sila pa rin ang pinili mo sa huli." Nakangising sabi niya sa akin. Napayukom ang kamao ko. "What a foolish act. Hindi na kayo maisasalba ng pagkakaibigan niyo."

"Mr. Principal..."

***

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon