008

409 29 50
                                    

YOONI

"Para po!"

Halos lumabas na ang lalamunan ko dahil sa kanina pa ako sigaw ng sigaw dito. Pero ni isang jeep ay walang humihinto para isakay ako. Medyo bastusan lang, e.

"Ang buhay talaga, parang life." Napabuga ako ng hangin. "Bwisit, ang sakit nila sa bangs."

Muli kong sinulyapan ang oras sa wrist watch ko na huling regalo sa akin ng ninang kong kuripot. Napahinga naman ako ng maluwag nang makita ko na may natitira pa akong isang oras bago ma-late.

Hinawi ko ang aking bangs dahil kanina pa ako pinagpapawisan kakatayo rito.

Kalilipat ko pa lang sa siyudad na ito kaya naman everything is new for me. Mabuti na nga lang at pinayagan ako nila Mommy na mapag-isa. Gusto ko kasing maranasan ang maging independent.

Nakatira ako mag-isa sa isang apartment. I'm a fourth year highschool student at kalilipat ko lang sa Spinnton University.

After some minutes ay may huminto na rin sa wakas na jeep. Agad akong sumakay dahil baka bigla pa 'tong umandar. 'Wag kasi i-let go kapag nand'yan na sa harap mo. Pak ganern.

Sa buong byahe ay pinagtitinginan ako ng mga pasahero. They are probably thinking why a Spinnton University student is riding a jeep. Isa kasing elite school ang Spinnton so yeah. But seriously, I don't care. I want to try variety of things before I turn 20.

Agad naman akong bumaba sa jeep pagkarating nito sa Spinnton.

"Good morning, Kuya Kalbs!" Bati ko sa guard na nakabantay rito sa gate. Kinayawan niya naman ako at saka nginitian.

Halos mapanganga ako dahil sa mga naglalakihang building na nasa harap ko. Kahit na hindi ito ang first day ko rito, hindi pa rin ako makapaniwala na may mas lalaki pa pala sa school na pinanggalingan ko.

Dahil mamaya pa naman ang klase ko, naisipan ko na tumambay muna roon sa may picnic ground. Nakita ko kasi 'yon kahapon kaya naman gusto kong maranasan ang tumambay roon.

Pagkarating ko sa picnic grounds ay agad akong umupo sa may damuhan. Inilabas ko ang libro ko at nag-advance reading. Kailangan ko kasing bumawi this school year dahil mababa ang grades ko nung last year. Nakakahiya rin kila Mommy dahil ang laki ng ibinayad nila rito sa university na 'to.

Suddenly, the picnic ground were filled of loud voices of the girls.

"Oh my gosh, they are getting hotter and hotter!"

"My 11 husbands! Kyaah!"

Napatingin naman ako roon sa direksyon ng mga lalaking dahilan ng mga pagtitilian ng mga tao rito.

Napatingin naman ako roon sa direksyon ng mga lalaking dahilan ng mga pagtitilian ng mga tao rito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napakunot naman ang noo ko. Wait, they're familiar. Saan ko nga ba sila nakita?

Napatakip naman ako sa bibig ko nang ma-realize ko kung sino sila.

"Tanga mo, Yooni!" Binatukan ko ang sarili ko. "Sarili mong mga kaklase hindi mo natatandaan."

Pinagmasdan ko na lang sila mula rito sa kinauupuan ko. Ano naman ang special sa kanila at sikat sila? I mean, wala naman akong nakikita na kung anong kakaiba sa kanila. Aaminin ko, gwapo sila. Yeah, right. Pero hindi sapat ang dahilan na 'yon.

Napailing naman ako sa naisip ko. Oo nga pala. Sa panahon ngayon, ang itsura na ng tao ang pinaka-basehan ng pagkatao niya. Hay, anong nangyayari sa Earth?

Biglang tumunog ang bell kaya naman napatingin ako sa wrist watch ko.

"Oh, shoot!"

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa aking katangahan. Bakit ba hindi ko namalayan ang oras? Malapit na akong ma-late!

Hindi na ako nag-abala pang ipasok ang libro ko sa bag ko at nagmamadali na akong tumayo. Handa na ang mga paa ko na tumakbo patungo sa third floor na kinalalagyan ng room ko pero iisang bagay lang ang nakapagpatigil sa akin.

Parang may mali. Parang may nakatingin sa akin.

Luminga-linga ako sa paligid pero wala naman akong nakitang taong kahina-hinala. Iwinakli ko na lang ang naisip ko na 'yon kahit ang weird.

Tatakbo na sana ako pero bigla ko na lang namalayan ang pagbagsak ko sa lupa. Nakapatong sa akin ang isang lalaki na pamilyar sa akin. Tinitigan ko siya at na-realize ko naman na isa siya roon sa mga lalaking tinitilian kanina.

 Tinitigan ko siya at na-realize ko naman na isa siya roon sa mga lalaking tinitilian kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kasabay no'n ang isang tunog na parang may nabasag. Napatingin ako sa may kaliwa ko kung saan nanggaling ang tunog.

Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang basag na ang bintana na kabilang sa building na katabi nitong picnic ground.

Napapalibutan na kami ng mga tao. Malamang ay nagtataka sila sa mga pangyayari.

Umalis na sa pagkakapatong sa akin 'yung lalaki at saka niya ako inalalayan na tumayo. Hindi ako makapagpasalamat sa kanya dahil para akong nawalan ng boses. Hindi ko alam ang nangyayari. Naguguluhan ako.

"Hoon, ito 'yung tumama roon sa bintana." Ibinigay nung isang lalaki dito sa tumulong sa akin ang isang arrow.

Napakunot ang noo ko. Arrow?

May kinuha itong si Hoon (ayun kasi tinawag sa kanya nung lalaki) sa arrow na isang papel na nakasabit dito.

Binasa niya iyon at nakibasa na rin 'yung mga lalaking mukhang kabarkada niya. Napatingin siya sa akin kaya naman hindi ko maiwasan ang magtaka. Bakit?

Inabot niya iyon sa akin kaya naman kinuha ko 'yon.

Hindi ko maiwasan ang matakot nang makita ko ang nakasulat. Gusto kong mag-collapse pero parang nakapako na ako sa aking kinatatayuan.

Dito sa hawak kong papel, nakasulat sa isang pulang tinta ang mga katagang...

'The game has started. Thank you, 13000th player. :)'

***

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon