YOONI
"Nasaan na 'yung iba?"
Dahil sa tanong na 'yon ni Kyuni ay napalingon-lingon ako sa paligid. Oo nga, 'no. Nasaan kaya 'yung iba? Bakit kaming lima lang ang nandito?
"May kanya-kanyang schedule daw." Sagot ni Minn. "Mas busy pa sila sa akin."
Tumango naman kaming apat sa sinabi niya at saka nagsimula nang maglakad papunta sa student council room.
Uumpisahan na kasi namin ang plano. We will try to gather informations or data using the school's computer na nasa student council room. Actually, student government and school officials lang ang allowed gumamit no'n pero nah. We have Minn. The power of student council president.
"Akala ko ba may gagawin ka?" Tanong ko kay Hoon sa gitna ng paglalakad namin. Sabi niya kasi kahapon ay may gagawin siya kaya ang akala ko ay hindi siya makakasama ngayon. Pero nagulat na lang ako nung bigla siyang lumitaw kanina. May lahing kabute rin ang isang 'to, e.
"Baka kasi maging third wheel ka kila Lint at Minn." Nakangisi niyang sagot. Akmang magsasalita na sana ako pero bigla na lang nagsalita si Kyuni.
"Third wheel your face. So ano namang tawag sa akin kung ganoon?" Poker face na tanong ni Kyuni. Hindi ko mapigilang mapatawa.
"Hindi kasi namin nasama si Young. 'Wag ka na beastmode diyan, Kyuni." Biro ni Lint kaya naman inirapan siya ni Kyuni.
Pagkarating namin sa student council room ay agad kaming pumasok dahil baka may makakita pa sa amin. Vacant period naman ngayon pero s'yempre, baka maging suspicious pa ang mga tao sa amin.
"Minn, sure ka ba na hindi mo ikapapahamak 'tong pagtulong mo sa amin?" Nag-aalalang tanong ni Lint habang binubuksan ni Minn ang computer.
"I can handle this, Lint. I am not the student government's president for no reason."
Napangiti naman si Lint dahil sa naging sagot ni Minn. He seems so proud of his girl.
Shet, nakakabitter.
Minn was about to type the password when we heard a knock on the door. Nagkatinginan naman kaming lima. Bigla akong kinabahan.
"Anong gagawin natin?" Pabulong na tanong ni Kyuni. Halatang kinakabahan na siya sa mga nangyayari ngayon.
Naghanap kami ng pwede naming matataguan hanggang sa makita namin 'yung table na nasa dulo nitong room. Agad kaming nagtago roon pero bigla na lamang bumukas ang pinto. Hinila na lang ako ni Lint kaya naman nakapagtago pa ako sa ilalim ng table pero si Hoon at Kyuni ay hindi nakapagtago.
Napahawak ako sa bibig ko dahil sa takot ko na makagawa ng ingay. Napatingin ako kay Lint at tinanguan niya ako. Mukhang pinapakalma niya ako.
"Miss Minn, nandiyan po ba si Hoon Park at Kyuni Joo? Pinapatawag po sila, e." Rinig kong sabi nung kumakatok kanina. "Uy, saktong-sakto. Nandiyan pala sila, oh!"
Narinig ko ang mga yabag nina Kyuni at Hoon. After some time, narinig ko na rin 'yung pagsara ng pinto. Nagkatinginan kami ni Lint at saka kami umalis dito sa ilalim ng table.
"Okay ka lang ba, Minn?" Tanong ni Lint at tumango si Minn. Natahimik kami sandali dahil sa nangyari kanina.
Nang maka-recover na kami sa nangyari ay tinuloy na namin 'yung dapat naming gagawin. Umupo si Minn sa harap ng computer at kumuha rin kaming dalawa ni Lint ng upuan at pinagitnaan si Minn.
"Let's take a look sa school website kung saan unang na-post 'yung game." Sabi ni Lint at ganoon naman ang ginawa ni Minn.
In-open ni Minn 'yung school website at saka hinanap 'yung post.
"June 10, 2018? Three days before ng pasukan na-post." I said nung nakita ko 'yung post.
"Try to check the inbox." Utos ni Lint. "It is possible na ni-send lang sa school website ang laro na 'yan. Someone might created the game for the school."
Minn clicked the inbox icon at tumambad sa amin ang libo-libong messages. We tried to find the possible person who sent the game pero nabigo kami.
"Teka, naalala ko lang. Minsan ay ginagamit din ng school 'yung email para sa mga financial purposes." Biglang sabi ni Minn. We agreed na buksan 'yung email sa pagbabakasakaling mahanap namin 'yung taong hinahanap namin.
"Gotcha!"
Nabuhay naman ako ng loob nang makita kong nahanap na ni Minn 'yung e-mail na naglalaman ng link ng game. Sa wakas, makikita na namin kung sino 'yung puno't dulo ng lahat ng 'to.
"I will try to send a message dito sa taong 'to na nag-send ng link. We might found informations kapag nakausap natin siya." Tumango kami ni Lint sa plano ni Minn.
Nagsimula na si Minn na mag-type ng message. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin agad siya. Pagkatingin ko sa relo ko ay 10 minutes na lang pala bago matapos 'yung vacant period.
Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa dahil mukhang tapos naman na ang unang plano namin.
"Salamat, Yooni."
Nginitian ko si Minn at Lint. Bago ako umalis ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng student council room.
Bakit feeling ko may nakatingin na naman sa akin...sa amin?
I just shaked away that thought. It's impossible. Saradong-sarado rito sa student council room kaya hindi pwede 'yung iniisip ko. I'm just being paranoid na naman siguro.
"May problema ba, Yooni?" Tanong ni Lint. Mukhang nagtataka at nag-aalala siya dahil sa kinilos ko.
I tried to smile. "Ah, wala naman. Sige, una na ako!"
Mukha namang naniwala silang dalawa sa sinabi ko. Nagpaalam na ako sa kanila uli at saka lumabas na ng student council room. I heaved a deep sigh.
Sana lang ay magtagumpay kami sa mga plano namin.
THIRD PERSON
"Trying to play the hero is the most foolish move."
A loud laugh covered the whole room. The man that is sitting on his swivel chair suddenly stood up and then come nearer to the monitor.
Pinanood niya ang dalawang estudyante na natira sa loob ng student council room. The two of them are cleaning the student council room. They even deleted the records on the computer. They are afraid that some people might know what they are doing.
The game itself is dangerous. The players are also dangerous. What they are doing is more dangerous. But the man who is watching their move right now is the most dangerous.
This game is a forest. The players are his prey. He is the hunter.
A smirk was formed on his face and then he laughed again.
What happening right now is already a nightmare. But what's yet to come is more than a nightmare.
***
BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Mystery / Thriller❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...