090

72 11 12
                                    

THIRD PERSON


Ilang araw na rin ang makalipas magmula noong nagkahiwa-hiwalay ang magbabarkada. It has been already 6 days pero hindi pa rin namamatay ang issue tungkol sa kanila. Lalong-lalo na ang tungkol sa past story ng barkada nila Hoon. Some things just happened lang talaga. At hindi mo na mababago 'yon.

Si Sewoo ang kauna-unahang nakarating sa abandoned building na meeting place ng kung sinuman ang nag-text sa kanya. Akala niya ay siya lamang ang nakatanggap ng ganoong text message ngunit ang hindi niya alam ay hindi lamang siya ang nakatanggap noon. Pati na rin ang mga kaibigan niya...dating kaibigan niya. Maliban kay Yooni.

Napasilip siya sa kanyang wrist watch dahil 10 minutes na siyang nag-aabang doon ngunit wala pa ring senyales na dumating na ang kikitain niya.

Maya-maya lamang ay nakarinig ng mga yabag si Sewoo kaya naman inihanda niya ang kanyang sarili sa mga posibleng mangyari. Ngunit laking gulat na lamang niya nang bumulaga sa kanya si Yeon. Na katulad niya ay puno rin ng pagtataka.

"Y-Yeon..." mahinang bulong ni Sewoo. Kahit na ibinulong lamang niya iyon ay narinig ito ni Yeon. Gulat na gulat din si Yeon ngunit pinili na lamang niyang manahimik.

Hanggang sa sunod-sunod nang nagsidatingan ang kanilang mga dating kaibigan. Hanggang sa makumpleto na nga sila...maliban kay Yooni. Ang mas nakakagulat pa ay naroroon si Minn. Nagawa ni Minn na makapasok sa loob ng school dahil pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari kung sakali man na hindi siya makapunta. Kaya kahit na may takot at kaba na namumuo sa kanyang dibdib ay pumunta pa rin siya.

"Nananadya ba ang taong nagpapunta sa akin dito?" Inis na asik ni Niel. "Wala akong oras sa lokohan, tsk."

"Baka si Yooni na naman ang may pakulo nito." Nakangising sabi ni Woonly habang nakatingin kay Hoon. Napatiim-bagang si Hoon at dahan-dahan niyang ikinuyom ang kanyang kamao.

Oo, inis na inis si Hoon. Hindi niya maipagkakailang si Yooni ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito ngayon ngunit ang mas lalong nakapagpapa-inis sa kanya ay ang kadahilanang hindi niya magawang magalit kay Yooni sa kabila ng mga pangyayari. Sa maikling panahon na nakilala niya si Yooni ay napamahal na nga siya ng sobra rito. At hindi na niya matatakasan iyon.

"Ate, let's go na. This is a waste of time." Ani Hyen at saka hinawakan ang braso ng kanyang kambal. Akmang maglalakad na sila palabas ng building ngunit bigla na lamang itong binalot ng makakapal na usok. Maririnig ang kanilang mga ubo at sigaw. Wala na silang maaninag na kahit ano maliban sa makakapal na usok na pumapalibot na ngayon sa buong silid. Hanggang sa unti-unti nang nawalan ng malay ang bawat isa sa kanila.

Ngunit hindi namalayan ng may pakana nito na may isang taong nakaalis sa bitag na ginawa niya.

***

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon