[ one week after ]
HOON
"Saan ba 'yung program?"
"Sabi ni Niona, may program daw muna sa may hall."
Bumuntong hininga ako at saka pinunasan ang pawis na walang tigil ang pagtulo sa mukha ko. Napakainit dito sa school grounds lalo na't wala pa man ding bubong dito. Tirik na tirik ang araw at siksikan pa ang mga estudyante rito kaya ayun, double kill.
"Bukas na ata 'yung hall. Tara na." Aya ni Jiss sa amin kaya naman agad na nagsisunuran ang mga kasama ko. Dahil ayoko rin namang ma-stuck sa initan na 'to, sumunod na rin ako sa kanila.
Mayroon kasing 'One Day Camp' ngayon kaya naman wala munang klase dahil buong araw na gaganapin iyon. Wala namang gagawin sa araw na 'to dahil ang alam ko, ang 'One Day Camp' ang nagsisilibing free time para sa mga busy schedules namin sa gitna ng pag-aaral.
Sayang. Kung nandito sana si Yooni, malamang matutuwa 'yon. Knowing her, napaka-isip bata no'n at siguradong mag-e-enjoy siya rito. My fist formed into a ball. This sucks. 'Yung wala kang magawa kahit na alam mong nasa kapahamakan na 'yung taong mahalaga sa'yo. I felt powerless. I felt useless.
Naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko dahilan para ialis ko ang pagkakayukom nito. Tiningnan ko kung sino ang humawak nito at si Kyuni pala iyon. Binitawan niya rin naman ang kamay ko nang mapagtantong awkward iyon tingnan.
"You're thinking about Yooni, right?" She asked, not looking at me. "This may not help you but, Yooni is a strong girl. Wherever she is right now, I know she's fighting. So you should fight also, Hoon. Don't let yourself down. Yooni will not be happy."
Isang maliit na ngiti naman ang ibinigay ko kay Kyuni. I know she cares for Yooni at ganoon na rin ang buong barkada. Kaya I am happy na hindi lang pala ako ang lumalaban.
I was about to say something nung bigla na lang sumingit si Young sa usapan.
"Huwag mo english-in 'yang si Hoon. Hindi niya naiintindihan."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago."
✦✦✦
"Thank you and I hope you will enjoy our 'One Day Camp'. God bless us all!"
Napuno ng maraming palakpakan ang buong hall. Napahikab naman ako at napakamot sa batok. Nakatulog pala ako sa kalagitnaan ng program.
"Kahit kailan ka talaga, Hoon. Baka hindi ka na-inform na hall 'to at hindi ang kwarto mo."
Nawala ang antok ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Teka...
Agad akong napalingon ngunit ni anino ni Yooni ay hindi ko naman nakita. Wait. Sure na sure ako na narinig ko ang boses ni Yooni.
"Okay ka lang ba, Hoon?" Tanong ni Hyun nang mapansin ang paglingon-lingon ko sa paligid.
"Ah, wala lang." Iyon na lang ang naisagot ko. I can't hide the disappointment in my voice. Ganoon siguro talaga kapag namimiss mo ang isang tao.
"Ano, tara na? Doon tayo sa may garden. Nagdala kami ni Hyen ng mga gamit para sa picnic natin." Masiglang sabi ni Senn. Ngayon ko lang siya uli nakitang masigla. Napabuntong hininga ako. Siguro kailangan ko munang i-enjoy 'yung araw na 'to. Kahit ngayong araw lang na 'to. I need this in order to breathe.
BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Mystery / Thriller❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...