079

94 10 76
                                        

LINT

"Huy, Lint!"

Muntik ko nang mabitawan 'yung phone ko dahil sa gulat kay Minn. Natawa naman siya sa reaksyon ko.

"Kanina ka pa diyan, e." Sabi niya. "Hoy, hindi kita namimiss, ah. Baka mag-assume ka na naman diyan."

Ginulo ko na lang ang tuktok ng buhok niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin dahil doon at saka inayos muli ang buhok niya.

"Tara na nga!" Hinila na niya ako papasok sa restaurant ngunit tumigil ako sandali para hawakan ang kamay niya. She was taken aback because of my actions.

"I just feel like I wanted to hold your hands." Sabi ko at nagkibit-balikat.

Hinila ko na siya habang hawak-hawak ang kamay niya papasok ulit sa restaurant. Dahil malisyoso ang mga kasama ko ay hindi nakalusot sa mga mata nila ang pag-ho-holding hands namin ni Minn. Kaya napuno ng kantyawan ang buong restaurant. Feeling ko nga ay namumula na ang mga tainga ko dahil sa pang-aasar.

Salamat sa kanila, medyo nabawasan ang pag-aalala ko.

"Tigilan niyo ako, ha!" Pagtataray ni Minn sa kanila. Tinanggal na niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at saka umupo na. Sumunod na rin akong umupo sa tabi niya.

"Si Minn at Lint na ata!" Pang-aasar ni Hwan kaya naman sinamaan ko na siya ng tingin pero ang loko, hindi pa rin natinag at nagpatuloy pa rin. "Bagal mo Sewoo! Naunahan ka pa ni Lint!"

Dahil doon sa sinabi ni Hwan ay nalipat naman ang pang-aasar kay Sewoo. Napailing na lang ako dahil sa kakulitan nitong mga kasama ko. Ang lakas mang-asar e.

"Karma ni Sewoo 'yan. Paano ba naman kasi noong Grade 7 pa lang tayo dami na agad nililigawan." Nagtawanan naman ang mga babae dahil doon sa sinabi ni Jiss. "Agang lumandi ng batang 'to."

"Ikaw nga matanda na pero wala pa ring nanlalandi sa'yo."

Natawa naman ang lahat dahil sa ginawang pambabara ni Sewoo kay Jiss. At ayun namang si Jiss ay natahimik. Lakas mang-asar tapos lakas din mapikon.

"Kayo ba, ano pang ibang ginagawa niyo noong nasa lower level pa kayo nung high school?" Biglang singit naman ni Yooni. "Ako kasi, napagbintangan bilang isang mandaraya."

Dahil sa sinabi niyang 'yon, natahimik kaming lahat. Ako naman ay napayukom ang kamao. Puta, 'wag mong sabihing may alam na si Yooni?

"Talaga, Yooni? Can you share us that story?" Mukhang shocked si Kyuni dahil sa sinabi ni Yooni.

"Oh, sure." Masiglang sagot ni Yooni. She looked at me and then smirked. Doon na ako tuluyang natigilan.

Sinasabi ko na nga ba...

"I was a Grade 8 student that time and this happened on ny previous school." Panimula ng pagkukwento ni Yooni. Walang kahit isa sa amin ang kumibo.

"Top student ako so medyo marami rin akong nagiging friends sa school. So akala ko magiging enjoyable ang high school life ko. But my life turned upside down when I heard that there are guys in my section na secretly ay insecured sa akin. But of course, ipinagwalang-bahala ko na lang iyon kasi ayoko naman ng gulo. And besides, wala naman silang ginagawang masama sa akin." She faked a laugh. "Pero nagkamali ako."

GLITCH┃WANNAIOI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon