YOONI
I'm having an internal conflict right now. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ba ang susunod na hakbang na gagawin ko.Alam niyo ba 'yung feeling na may hawak kang dalawang bagay tapos kailangan mong mamili sa dalawang 'yon? At kahit anong maging choice mo sa dalawang 'yon, may mangyayari't mangyayari na hindi mo gusto. Gan'yan na gan'yan ang nararamdaman ko ngayon.
Sinipa ko 'yung maliit na bato na nakita ko sa daan. Napabuntong-hininga ako out of frustration. Hindi pa rin kasi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ni Hoon sa chat namin kahapon.
Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Ayokong gumawa ng choice na hindi ako sigurado. Natatakot ako. Natatakot ako para sa sarili ko at para sa mga tao na nasa paligid ko.
"Oh, tapos ka nang sipain 'yung kawawang bato sa lupa?"
Napaangat naman ako ng tingin at muntik na akong mapaatras nang makita ko si Hoon na nasa harap ko habang may malaking ngisi sa mukha.
Bakit ba nandito na naman ang itlog na 'to?!
"B-bakit ba nandito ka na naman?!" Medyo nauutal ako habang sinasabi 'yon sa kanya dahil nahihiya pa akong harapin siya.
Paano ba naman kasi, masyado siyang serious kahapon sa chat. Tapos may pa-english-english pa siyang nalalaman. E 'di s'yempre nakakadagdag ng intensity sa atmosphere. Pero medyo ang hot niya, huh. Joke, ang landi ko.
"Nandito ko, e. Anong magagawa ko?!" Pa-pilosopo niyang sagot. Gusto ko na siyang sapakin kaso ay wala ako sa mood para pumatol pa sa pagiging childish niya.
"Oh, triggered ka na naman." Nakangising pang-aasar niya. "Huwag mo ngang ginagamit 'yang gan'yang mukha mo. Mas lalo kang pumapanget, e."
Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar niya at nagsimula na uling maglakad. Buti na lang at cancelled ang mga klase ngayon dahil may meeting ang mga teachers. Kaya naman ang mga estudyante rito ngayon ay nagkalat sa mga campus grounds. Bawal pa kasing lumabas ng school hangga't wala pang notice mula sa principal.
"Hoy, hoy!" Naramdaman kong sumunod sa akin si Hoon. Hinawakan niya ako sa balikat kaya naman napahinto ako sa paglalakad at napaharap sa kanya. "Nagbibiro lang naman ako. Bakit ba masyado kang seryoso?"
Hindi ko siya sinagot at tinalikuran na lang siya. Nagsimula na ako uling maglakad pero napahinto na naman ako dahil humarang si Hoon sa daraanan ko.
"Ano ba, Hoon?!" Medyo naiinis na wika ko. "Ano bang kailangan mo sakin?"
I think he was taken aback dahil sa pananalita ko. "Nothing. Just checking on you."
Napasinghal ako. "Why do you even care? Wala pang isang buwan mula nung magkakilala tayo. So why do you even care about me?" Tuloy-tuloy na litanya ko. Hindi agad siya nakasagot.
"Yooni..."
"Wala ka naman palang sasabihin, e." At iniwan ko na siya roon.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kagaya lang ng buhay ko, walang direksyon.
Medyo nagsisisi ako sa approach ko kanina kay Hoon. Mukha namang sincere 'yung pag-aalala niya sa akin pero nasungitan ko pa siya kanina. Ganito kasi talaga ako. Kapag may problema ako, nadadamay ko 'yung mga taong nasa paligid ko. Kaya naman mas pinipili ko na lang ang mapag-isa kapag may problema ako. Sa ganoong paraan, hindi ako makakapanakit ng kapwa ko.
Pero kahit anong iwas ko, mukhang nakasakit pa rin ata ako. Mukhang nasaktan si Hoon dahil sa pagiging masungit ko sa kanya. Mukhang nasaktan siya dahil sa mga sinabi ko. Tapos ang sama pa nung mga sinabi ko. Huhubells naman, Yooni. Ang cute ko sana kaso maikli pasensya ko. Jusmiyo naman.
Nagulat naman ako nung bigla na lang may humawak sa dalawa kong balikat at hinarap ako sa kanya. Nakita ko si Hoon na nakangiti sa akin na para bang wala lang siyang narinig kanina sa mga sinabi ko.
"Sorry." Nakangiti siya habang sinasabi 'yon pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. "Sorry kung naiinis na kita. Alam ko namang mapambwisit ako kaya sorry kung napapa-sobra na. Totoo talaga 'yung pag-aalala ko sa'yo kaya sana...'wag mong pagdudahan 'yon."
Hindi agad ako nakapagsalita. Wala akong maisip na sabihin. Natulala lang ako sa kanya. Hoon, ano 'tong ginagawa mo sa akin?
Mukha namang na-realize niya na natameme ako kaya naman inalis na niya ang pagkakahawak niya sa balikat ko at saka napaubo kunwari.
"Uhm...ano, sorry din." Nagsimula na akong magsalita. "Sorry din kung iba 'yung naging dating sa'yo nung mga sinabi ko. Medyo naguguluhan kasi ako ngayon sa sarili ko dahil sa laro. Kaya sorry kung pati ikaw nadadamay."
Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko at saka ginulo ko ang tuktok ng buhok ko. Napangiti na lang din ako dahil sa ginawa niya. Atleast, gumaan 'yung pakiramdam ko.
Bigla naman bumuhos 'yung ulan kaya kinuha ko ang kamay niya at saka siya hinila papunta sa isang shed na nakita ko.
Umupo kami sa bench na naroon at magkasama naming tinanaw ang lumalakas na buhos ng ulan. Nanatili lang kaming tahimik ng ilang minuto. Walang kumikibo. Walang nagsasalita.
"Yooni..." Napatingin ako kay Hoon nang basagin niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Hmm?"
"Nakapag-decide ka na ba kung anong magiging choice mo?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Hoon.
Ano na, Yooni?
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin na lang sa bumubuhos na ulan.
Hindi ko alam. Natatakot ako.
"Hindi mo naman kailangang sumagot." Narinig ko ang paghugot niya ng hininga. "Huwag mong pilitin 'yung sarili mo na magkaroon ng sagot."
Natatakot kasi talaga ako na pumili ng choice. Oo, duwag ako. Pero natatakot ako na baka masaktan lang din ako sa huli.
"Natatakot ka ba?" Muli akong napatingin sa kanya. "Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ang ginusto lang naman namin ng mga kaibigan ko ay thrill sa buhay. Pero hindi namin inakala na ganitong klaseng thrill ang mangyayari sa amin." At saka siya tumawa. Pero hindi ko marinig sa tawa niya ang pagiging sincere.
Akala ko ay titigil na siya sa pagsasalita pero nagpatuloy pa rin siya.
"Alam mo ba kung bakit namin piniling mag-stay pa rin sa laro despite sa peligro na maaari naming kaharapin?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Kasi umaasa kami na baka mabago namin 'yung laro. Minsan na kaming nagkamali kaya naman ngayon, itinatama namin 'yung mga pagkakamali na nakikita namin."
"Feeling superhero kayo, ah." I tried to crack a joke dahil hindi ako sanay na masyadong seryoso ang atmosphere. Natawa naman siya dahil sa sinabi ko.
Dahil sa sinabi niya, marami akong na-realize na bagay. Bakit ko tatakbuhan 'tong laro? Mas lalo akong mapapahamak kapag ginawa ko 'yon. Pero kung haharapin ko 'to, kahit mapahamak ako, atleast, lumaban ako. Hindi ako natakot. Hindi ako nagpaka-duwag.
Tumingin ako sa kanya. Nakangiti. Mukhang nagtaka naman siya dahil sa mukha ko.
"Oh, bakit? Nadagdagan ba 'yung pogi points ko sa'yo?" Nakangisi niyang tanong. Hinampas ko naman siya sa braso niya. Aba, malupet.
"Thank you, Hoon." Nginitian ko siya. "Marami kang bagay na pina-realize sa akin. Akala ko puro kalokohan lang 'yang lumalabas d'yan sa bibig mo, but it turns out na may saysay rin pala."
Napakamot naman siya sa batok niya. "Hindi ko alam kung pinupuri mo ako o iniinsulto mo ako. Pero sige, you're welcome." At saka siya ngumiti.
Sakto namang tumila na ang ulan kaya tumayo na ako. Maglalakad na sana ako pero bigla na lang may humawak sa kamay ko. Napatingin naman ako kay Hoon na seryoso ang mukha habang nakahawak sa kamay ko.
"I will protect you, Yooni. Pangako 'yan."
***
✦ credits to the owner of the picture.

BINABASA MO ANG
GLITCH┃WANNAIOI.
Mystery / Thriller❝feel the g̶̡͓̟̦̩͕͍̱̜͊̌͌̃̂͢͠l̷͕̥̺̭̾͌̾͊̊̊̄̈̌͘ͅį̸̯͎͙̫͉̠͍̎̐̌̍͢͝ṭ͍̳̻̯̳̝͍̙͊̊̇͂͐̈́̌̕͠ċ̶̫͎͔̲̤̭̘̽̿̈͂͑͗͘͝͠h̴͎̥̞̜̘͍̜͕̬̀͗̄̂͡ . just ṕ̛̖̰͈͈̭͛̋̔ļ̷̤̦̬̋͑́͐̏͛͡ͅa̶̯̝̞̜͎͒͂͒̀͒͟ͅy̴̛̝͔̗͈̤̩̏̽̎̔̆͛ . don't q̢͍͎͕̝̗̈́͒̑̒̈̓̒̓̚͟u͇̺̯͈͓̻͎̰͍̙͆́͛̉̓̽̍̚͞i̧̻̻̱̼̝͑͒̔̑̌̇͆̂t͎̤̰̔̃̐̊̕̕͞...